Huwebes, Pebrero 27, 2014

I LAB SEX

I LAB SEX…
(marumi ba at masama ito?)
Kate Lungub

            Bilang isang kabataang  tulad ko, lumalaki at nagiging mausisa at pasan ko ang malaki at mabigat na tandang pananong sa aking isipan.kaakibat ko lagi ang salitang “bakit?”sa aking isipan at nagtanong sa kawalan. Hanggang ngayon iilan pa lamang ang may kasagutan. Kung baga sa sandaang pursyento sampo palang ang nabigyan ng kasagutan at naging malinaw sa aking isipan. Sa patuloy kong pagsisiyasat ang ilan dito’y aking natuklasan.Ano nga ba ang naglalaro sa inyong isipan kung nababanggit ang salitang “SEX”?

            Masama ba ito o sadyang mkarumi an gating kaisipan.? Sa labing isa kong pamamalagi sa paaralan hindi matapos- tapos na talakayan ang “ Reproduction”. Nakasaad sa aralin na ito na nakakapagparami ang tao sa pamamagitan ng unyong sekswal at hindi angkop na maging kapareha ng tao ang alin man sa mgga hoyop. Kahit na nakalahad duon na parehong nasa “Kingdom Animalia” ni minsan hindi pwedeng magtalik ang aso at pusa, tao at baka, balibaliktarin mo man ang pang-yayari hindi sila maaaring makabuo . Kaya nga nilikha ng Diyos si Eba para makapareho ni Adan. Dahil kinakailangan ng parehong uri  para sa unyong sekswal.
 Sa mga Victorian ayon sa kanilang katuruan ang pakikipagtalik sa kanila ay marumi at makasalanan. Ito nama’y batay sa kanilang paniniwalang ang kabanalan ay possible lamang kung ang hilig ng katawan ay Hindi pagbibigyan. May kakilala ba kayong mala Victorian ang pananaw sa buhay?. At kahit sa ngayo’y laganap parin an gang tinatawag na “Asetisismo” o ang pagpapakasakit at pagtangging bigyang- kasiyahan ang sarili. Marami rin ang naniniwalang sa celibacy at ayon sa ganitong paniniwala ang tanging paraan ng pagsisilbi sa Diyos ay nasa hindi pag-aasawa. Ngunit malinaw naman na itinuturo sa Bibliya na ang katawan ay hindi masama at perpektong dinesenyo ito ng maylikha. Na bawat parte nito ay may kanya-kanyang gawain  at gamit.  Kaya kahit kelan hindi nagging masama, Sapagkat maging ang ating manunubos na si Hesu- Christo ay nagkatawang tao din. Itinuturo di maging sa Bibliya na normal para sa Obispo ang pag- aasawa.  At  kahit nga si Apostol Pablo ay may asawa.
Kung gayo’y susundin ba natin ang pilosopiya ng Play boy? Ang pilosopiya ng playboy ay kabaliktaran lamang ng pag-iisip ng Victorian. Ayon sa playboy “para ano pa  tayong may mga hilig sa katawan kung hindi rin lamang mapagbibigyan’’. Natural lang dawn a pag- bigyan ang hilig. Ang katapatan ng pag- ibig ay walang halaga at pwedeng magtalik ang sinumang may gusto. Ang tawag ditto ay “free love”  daw o malayang pag- ibig, pero sa katunayan , ang ibig sabihin nila ay free sex o libreng pagtatalik. Sabi pa kung gusto mong lumigaya sa pamamagitan ng pakikipagtalik, pwes, magpakaligaya ka!  Pero malinaw na ito’y isang ilusyon lamang at isang paniniwalang walang batayan.  Ang plano ng Diyos sa atin ay ang masiyahan sa sex pero sa paraang sumusunod sa kanyang patakaran. Ang pakikipagtalik ay gagawin lamang ng mag-asawang may pagmamahal sa isa’t- isa.
Kung ang Victorian ay nagtataguyod  ng sexless love, ang  Playboy naman ay para sa loveless sex.  Datapwat  itinuturo naman sa Bibliya na ang pag- ibig at pagtatalik ay hindi pinaghihiwalay. Kung ang Victorian ay nagkamali  sa pagiging “banal” pero malungkot naman, natuklasan naman ng mga Playboy na walang tunay na kaligayahan sa pagbibigay- layaw sa katawan. Ayon sa banal na kasulatan, ang tunay na kaligayahan ay nasa kabanalan, at ang kabanalan ay nasa pagtupad sa mag pag- uutos ng Diyos.
Walang masama kung ipahayag mo man ang iyong pag-nanasang sekswal subalit sa iyong asawa lamang. At kung hindi ka pa handing mag- asawa, maghintay ka. Kung tatanggi ka ngayon at mananatiling malinis, higit mong ikagagalak ang katugunan ng Diyos para sa iyo. Hindi totoo iyong sinasabi ng iba na ang paghihintay ay masama sa kalusugan.  Ang tunay na katangian ng isang tao ay nakikita  kapag siya ay tumatanggi kung kailangan. Kahit si Freud ay umamin na “ ang sibilisasyon ay bunga ng pagsasakripisyo at pagtanggi sa layaw na udyok ng laman—kabilang na ang simbuyong sekswal sa pinakaimportante. Ang lakas ng layuning sekswal ay nababaling sa ibang mga layunin higit na mapapakinabangan ng lipunan.”
Noong nakaraang taon naging matagumpay ang pelikula na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsy at Cristine Reyes na pinamagatang “No other woman”. Sa palagay ninyo bakit kaya bakit kaya nagging matagumpay ito? Ang aking kuro-kuro tungkol dito ay dahil sa kapanahunan natin ngayon mabibilang nalang ang penikulang hindi nakakarumi ng konsensiya. Dahil sobra na ang pelikulang kinasasangkapan ang sex para pilahan ng takilya. Kaya kalimitan maraming Cristiyano ang hindi na lamang nanonood ng sine. Ang mahalaga’y ang mapanatiling malinis ang konsensiya ng bawa’t Cristiyano.
 Subalit katuwiran ng iba educational naman daw ang mga ito sapagkat may napupulot silang kaalaman. Para sa akin ay hindi, dahil ang kahulugan ng edukasyon ay paghubog sa mga tao sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng “mapapakinabangang kaalaman”. Unang una, karamihan sa mga impormasyong nakukuha natin sa sine tungkol sa sex ay hindi iyon kailangan ng kabataan. Pangalawa marami sa sinabing facts daw ay maituturo naman sa isang paraang hindi katukso-tukso. At ang pangatlo halos lagi na lang ipinapakita ang kawalan na kaugnayan ng pag-ibig at katapatan sa sex sa mga pelikula.Ang sex education ay dapat simulan sa tahanan kung saan maituturing ang sex ay kaloob ng Diyos at ang tunay na kasiyahan mula rito ay malulubos kung susundin lamang ang mga tagubilin ng Diyos. Ito ay kailangan ding ituro sa simbahan. Ang mga ministrog Cristiyano ay dapat matutong magbigay ng mga payo sa mga kabataan tungkol sa mga bagay na ito.
Sinasabi ng nakakatanda sa atin na ang kabataan daw ngayon ay masyado ng aggresibo.Sa edad na sampu ay may girlfriend\boyfriend na sila.  Na dapat  napakalayo pa para sa kanila ito. Maaaring pwede na kung totohanan mo nang iniisip ang pag-aasawa. Epekto nito sa paglipas ng panahon pabata ng pabata ang nabubuntis dahil din sa maaga silang pumasok sa sitwasyon na hindi napag-isipang mabuti o di kayay padalos- dalos na pagdedesisyon at kalimitan nagrerebelde kung pinapayuhan ng magulang. Kung mapapansin natin na ang mga maagang naexpose sa panonood ng pelikula tungkol sa pag-ibig, na kadalasang naipapalabas duon ang mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagtalik tulad nalamang ng halikan. Nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan at nagiging pala-isipan na masaya exciting ito para sa kanila at kinakailangan din nila itong maexperience ang ganitong mga pangyayari lalo na at hindi naman nalalayo sa kanlang edad ang gumaganap sa  nasabing penikulan.. Mga kabataan kasi mahilig maki- uso at mangyopya na hindi pinag-iisipan at nakakalimutang kumunsulta sa kanilang mga magulang.
Palibhasa ang kabataan ngayon ay uhaw sa mga bago at  hindi pa nasusubukan. Kaya nga dapat magging maingat ang mga magulang, na hindi dapat kasama ang supling sa panonood nila ng mga pelikulang, lalo nat itoy hindi angkop para sa mga bata. Kaya nga kung mapapansin natin ngayon bago mag simula ang isang pelikula o teleserye pinapaalalahanan ng MTRCB ang mga magulang  na sa panonood ay may patnubay at gabay ng mga ito ay kailangan (PG). At kapag itoy may kaugnayan sa pakikipagtalik (SPG) o striktong patnubay at gabay ng magulang. Hindi dapat pinapayagan ang batang manood lalo na kung puno ng kalaswaan ang papanoorin.
Ang maririnig mo ngayon s mga kabataang makikitid ang utak na kailangan daw muna ng karanasan sa sex bago ang pag- aasawa. Palusot lang ba ito, na ang totoo ay hindi nila nagawang pigilan ang udyok ng laman. Hindi nila alam na mas triple ang exciting ang mararamdaman na mararanasan kung pagkatapos lang ng kasal dapat makipagtalik at hindi lang yun magiging kalugod-lugod ito sa paningin ng iba lalong-lalo na ang Panginoong Diyos. At wala silang batayan mula sa siyensya ang nagsasabing higit na mabutig katalik iyong marami ng karanasan sa sex bago pa man mag- asawa. Mas malamang na ang mga taong na ang nagkaroon ng pagmamalabis sa sex             sa kanilang nakaraan ay inuusig ng kanilang konsensiya kaya lalong magiging mahirap ang wastong pakikipag-ugnayang sekswal sa kanilang asawa. Pag- aralan muna natin ang theorya bago dumating ang araw ng kasal, at gamitin natin ang ating natutunan pagkatapos tayong makasal sa isang kaparehong pinili ng Dios para sa iyo. Kaya nga hwag kang mag- hanap hintayin mong ang ang Dios ang mag dikta kung kaylan ka dapat dumating sa puntong iyon. Ang kailangan mo lang mag-hinatay.  

  
Ang sa akin lang naman ang hindi tamang paggamit at kalabisan sa pakikipagtalik, ay maaaring magdulot na ikakasama ng iyong kalusugan. Tulad lang yan ng gamot na kung masobrahan ay nagdudulot ng pagka overdose na masama sa katawan ng tao at nagdudulot ng kamatayan. Kung nakikipagtalik ka sa kung sino- sino , ang pinakamasaklap na maaari mong kahihinatnan ay kamatayan. Sa paraang ng pagkakaroon mo ng mga sakit.  Ang akin lang naman ay dapat na gamitin natin sa tamang paraan ang pakikipagsex. Masasabi mo pa bang nageenjoy ka kung kirot at hapdi na ang iyong tinatamasa. Kaya hinay hinay lang po tayo hah,… At usong uso ngayon ang cybersex oh! wag kanang magmaang maangan siguradong binging bingi ka sa kakarinig niyan alam ko, yun lang ay kung nanoonood ka ng balita o nagbabasa ka ng pahayagan. Sa dami na ng nahuli pwede ba wag mo ng dagdagan.At nga pala kung nanonood ka nga ng balita parami na ng parami ang mga rape victims at hindi lang yon pabata ng pabata ang nagagahasa,.  Ganyan ba ang tamang paggamit sa Sex. Kung ang mga bagay na nabibili pagkain man yan o gamot makikita mo lagi may instruction how to eat, cook and how to use it properly. Ganun din naman ang sex. May mga bagay bagay na dapat mong isaalang alang bago ka gagawa ng hakbang. Kaya nagiging marumi at masama ang sex dahil  sa kaparaanan ng tao. Kung ang tao ay hindi abusado, kung ang tao ay nagiisip at higit sa lahat, kung ang tao ay marunung gumamit sa kaloob ng Diyos tiyak kong wala ng issue pang lalabas kaugnay sa sex. At lahat tayo’y magsasabing I LAB SEX….(jan ka nabuo eh)


Linggo, Pebrero 23, 2014

Ang dalagang ina

ANG DALAGANG INA
Marie Angelie Romero

            Tingin ng ibang tao ako ay isang tarantado, suwail, walang kwentang anak, walang utang  na  loob, at masamang impluwensya. Sabi ng iba sinira ko ang tiwala ng magulang  ko, sinira ko kinabukasan ko. Halika makinig sa aking kwento.

            Maraming may gusto sa akin dahil ako ay maganda at mabait. Lahat ng katangian ng kaibigan nasa akin na. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko. Isang beses lang ako umibig, umibig nang tapat, nabulagan at niloko.
            Hindi ko plinano ang nangyari dahil iba siya sa lahat ng nakilala kong lalaki. Nakikinig  siya sa akin tuwing ako’y umiiyak dahil samga  problema ko sa magulang, lagi niya akong  pinapatawa at pinasasaya tuwing magkasama kami. Iba siya dahil nagumpisa kami bilang magkaaway.  Lagi kaming nag-aasaran tuwing kami’y nagkakasalubong. Inis  ako sa kanya dahil  mayabang  siya  pero aminado ako marami ang nagkakagusto sa kanya.
            Mapagbigay siya sa akin. Laging may chocolates, flowers at kung anu-ano pa. Nabaliw  ako sa kanya dahil siguro sa sinasabing “THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU  LOVE.” May mali man sa pagiging close naming ay wala akong  nagawa kahit alam kong  may nagmamahal na sakanya at may anak na sila.Sabi niya hindi niya ito mahal at pilit na lumipat sa kanila noong malamang kami  na.

            Pumasok ako sa buhay nya hiwalay na sila. Lahat ng pagsisinungaling ginawa namin para lang magkita kami. College ako noon, siya naman ay nagtatrabaho na. Umabot ng taon ang relasyon  namin kahit tutol ang lahat ng tao sa amin. Nabuntis  niya  ako  sa  unang  pagkakataon  na  nagsama kami nang magdamag. Nirespeto niya ako sa tagal ng panahon at sa  pagkakataong  ito  ayaw na naming maghiwalay sa isa’t-isa.

            Nagkamali ako noong ilang buwan na ang dinadala ko. Akala ko ipaglalaban niya ako  pero na duwag siya dahil may anak sila ng babaeng pinaghihiwalay kami. Sa nangyaring  ito,  hindi ko alam  kung  ano  ang  gagawin  ko dahiltakot siya sa magulang  ko. Nagtago  siya  dahil sa mga maling balitang sinasabi sa kanya. Wala akong nagawa kundi sundin ang magulang ko. Lumaki ang tiyan ko pero hindi ko kinahiya ang kalagayan. Masakit man sa damdamin at sa kalooban ko halos gustokongmagpakamatay dahil sa sinapit ko. Sinunod ko ang  mga magulang ko na kahit minsan hindi ako pinabayaan.  Pilit kong pinasasaya  ang  sarili  ko  kahit  alam kong malaking kahihiyan ang aking pinasukan.Sa araw ng panganganak ko, nakita ko siya sa ospital…

            Hindi kami nagkausap dahil sukdulan  ang  galit ng magulang ko sakanya. Magulo  isip ko, pero masaya  ako malusog ang aking anak  at  para sa akin sapat  na  siya. Sa  tulong  ng aking magulang napalaki ko ang aking anak  ng maayos. Minsan narinig ko siyang sinasabihan  ng  isang  bata  “PUTOK  SA  BUHO,  BASTARDA”.  Nagalit ako sa bata at pinagsabihan. May ama siya at Hindi siya PUTOK SA BUHO.

            Ang  sakit  marinig yon, inosente  at  walang  kamuwang  muwang  pa. Ilang  taon  ang  kinilala  ng  anak  kong  “FATHER  FIGURE”  ay  ang  aking  ama.
            Sa mga tulad kong nagmahal ng maaga, isipin  muna ang magulang, ang kinabukasan  niyo  bago  sirain  ang  buhay.
Pag-aaral ang unahin para walang pagsisisi sa bandang huli. Wag maging rebeldeng anak dahil  sa huli sila rin ang tatakbuhan mo.
  Sa mga nagmalasakit para sa akin…
Salamat sa lahat, pasensya na at di ako nakinig sa mga payo niyo  lalo  na  sa  magulang  ko.  Salamat at minahal niyo parin ako at hindi  pinabayaan, maraming maraming  salamat.

            Para sa mga batang nagmamahal ng wala pa sa tamang edad, laging making sa inyong magulang at wag magiging pasaway at magrebelde. Wag sayangin ang pagkakataon, mag aral ng mabnuti habang may panahon dahil minsan lang tayo mabigtyan ng ganitong pagkakataon.

            Maging mabait at wag sumagot sa magulang kapag napapagalitan. Tandaan na ang pagalit ng mga magulang ay para sa inyong ikabubuti.

            At para sa mga nanghuhusga sa aking pagkataon, nais kong malaman ninyo na walang perpektong tao, lahat ng tao ay nagkakamali dahil tao lang tayo. Nais kong malaman ninyo na kung nagkamali man ang isang taong tulad ko, hindi tama na lalo pa ninyo akong itulak sa putikan. Nagkamali man ako, wala namn akong pinerwisyo at binigyan ng kahihiyan kundi ang mga magulang ko lamang, ang mga magulang ko na nakaramay ko sa pagpapalaki sa aking mga anak at hindi nagsawang dumamay sa akin pagkatapos ng lahat lahat ng mga nangyari. Kung wala kayong magandang masasabi ay kung maaari ay wag nalamang kayong magbigay ng mga masasamang komento. Sa ganoong paraan ay mas makakatulong pa kayo sa isang tulad ko.

            Sa ngayon, hindi man buo ang aking pamilya, masaya ko parin pinalalaki ang aking anak sa tulong ng aking mga magulang.

            Nung una ay hindi pa naiintindihan ng aking anak ang mga bagay bagay na nangyari sa amin, ikinahihiya nya ang kanyang pagkatao ngunit noong sya ay nakatungtong na sa ikatlong baitang ng kanyang pagaaral ay kanya na itong naintindihan. Unti unti niyang natanggap ang kanyang pagkatao.

            Paminsan minsan ay nagtatanong sya tungkol sa kanyang ama at sinasagot ko naman ng maayos ang kanyang mga tanong ng walang halong paninira at galit. Sabay naming natutunang  tanggapin na wala na ang kanyang ama.

            Mahirap magpalaki ng anak ng mag isa lamang kaya habang sya ay lumalaki, tinanim ko sa kanyang isip at puso na kinakailangan niyang magsumikap hindi para sa akin kundi para sa kanyang magiging kinabukasan, para sa kanyang magiging pamilya. Itunuro ko sa kanya na hindi na nya dapat gayahin yung kung ano man yung nangyari sa akin. Ikinatutuwa ko ang malaking pagsangayon sa akin ng aking anak.

            Nag aral sya ng mabuti at sa tuwing magtatapos ang klase ay lagi siyang nakakakuha ng mataas na marka.

            Nung nakatapos ang aking anak ng high school, akin syang ipinasok sa isang unibersidad na kangyang napiling pagaralan. Bachelor of Science in Electrical Engineering ang kanyang kinuhang kurso. Nakapagtapos sya with flying colors at akin naming ikinatuwa ng lubusan iyon.

            Masayang masaya ako para sa aking anak. Ipinagmamalaki ko siya. Sya ang buhay ko. Sa kanya umiikot ang mundo ko kaya naman worth it talaga ang mga naging pagsisikap at paghihirap ko para lang makapagtapos sya.

            Ngayon, akin na siyang pakakawalan sa mundo na puno ng paghihirap, kampante na ako na siya’y magiging maayos dahil yakap yakap niya ang mga bagay na aking naituro sa kanya buhat ng kanyang pagkabata hanggang sa siya’y lumaki.


Ingat aking anak, mahal na mahal kita. Nawa’y maging maayos ang iyong buhay. Lagi mong tatandaan na kahit anung mangyari ay nandirito lamang ako sa iyong tabi. Hindi kita pababayaan.


Huwebes, Pebrero 20, 2014

PAGKATAPOS NITO SAAN KA PATUNGO?


PAGKATAPOS NITO SAAN KA PATUNGO?
Edel Jalmasco

Buhay! Buhay! Buhay! Hanggang kalian nga ba? Naitanung muna ba ito sa sarili mo malamang hindi pa. Kahit nga ako ni isipin parang ayaw ko pero sabi nga lahat tayo doon patungo unaunahan lang sabi nga kahit sinong tao kahit napakatalino, napakagaling, at kahit pa gaano kayaman di makakaligtas sa kamatayan. Paano nga kaya kung di namamatay ang tao? Pero pwede nga kaya ito? Meron nga akong napanood na palabas isang tao dalaga siya hindi siya tumatanda lumilipas ang panahon ganun pa rin siya yumao na kanyang mga magulang at ang kanyang mga kaibigan lumipas na rin ang napakaraming taon palipat lipat rin siya ng tirahan upang hindi mapansin ang kanyang tunay na pagkatao. Malungkot siya lagi kasi lagi siyang nagiisa at marami siyang beses na nagpatiwakal pero wala rin nangyari kasi hindi talaga siya namamatay. Pero paano nga kaya kung ang lahat ng tao hindi namamatay.Oo nga no! siguro masaya yun kasi di kana mangungulila sa mga taong mahal mo, wala ng iiyak sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Paano nga kaya kung di namamatay ang tao biruin mo sa sarili mo habangbuhay kang mabubuhay at haharapin ang mundong ibabaw syempre kasama na rin dito ang problema walang ring hanggang problema, nanaisin mo pa bang mabuhay ng walang hanggan. Naalala ko tuloy  ung tinanung kami ng aming guro kung na kung magkakaroon kami ng super power  ano ang gusto namin marami sa amin ang nagsabi na magkaroon ng kapangyarihan bumuhay ng tao pero sabi nga ni Sir di pwede iyon kasi rarami ng rarami lang ang tao sa mundo at bawat tao may pangagailangan kagaya na lang ng pagkain at inumin dahil pwedeng magkaroon ng kakulangan sa mga ito huli magpapatayan rin ang mga tao. Saan nga ba tayo patungo pagkatapos dito sa “mundong ibabaw?
Maraming dahilan kung bakit namamatay ang isang tao nandyan yung aksidente, pagkakaroon ng karamdaman, katandaan, pagpakamatay at pamamaslang. Marami ring katawagan kapag ang tao ay namatay kagaya na lang sumakabilang buhay, pumanaw, yumao na, umakyat na sa langit, kinuha na ni Lord, binawian na ng buhay, meron pa ngang nakalimutan ng huminga at kung anu ano pang katawagan.
Totoo nga kaya na kapag malapit ng mamatay ang isang tao nararamdaman nila ito kaya minsan nagpapahiwatig na sila na nagpapaalam na sila gaya na lang sa aking experience noong bago mawala ang kuya ko sa amin na bago mangyari iyon nagkatxt kami nasa Cabanatuan siya noon doon siya nagtratrabaho una kamustahan lang tapos nagpadala siya ng txt ganito ang nilalaman. “Kapag wala na ako makakalimutan ninyo ang tawa ko ang ngiti ko ang pangalagalan ko pero masaya na ako dahil minsan may isang Jorge dumating sa buhay ninyo”. Pero di ko pinansin kasi quots lng naman ang pagkakaalam ko pero isa na rin pala iyong pagpapahiwatig. Kinabukasan ng madaling araw rin noon umuwi siya sa bahay maydala pa siya na pasalubong para sa amin namin nagtaka rin kmi kasi ang alam naming sa pasko pa siya uuwi December 8 pa lang noon kaya ung tinanung naming sabi niya gusto lang niyang umuwi tapos kinabukasan nga nun nagising na lang kami wala na binangungot siya. Marami ring tao ang nagkukwento tungkol sa pagpapahiwatig ng kanilang mga mahal sa buhay na nawala na.
Ang mga Muslim ay naniniwala na ang kasalukuyang buhay ay isang pagsubok at paghahanda sa tunay at sa susunod na buhay. Ang pangunahing paniniwala sa Islam ay kasama ang; Araw ng paghuhukom, pagkabuhay na muli, paraiso at impiyerno. Sa mga Muslim kapag namatay ang isang tao siya ay nililinis ng tubig, kadalasan ng miyembro ng pamilya ibabaalot ito sa malinis na putting tela at inililibing na may pagdarasal hanggat maaari ay sa araw rin ng kanyang pagkamatay.
Maraming mga paniniwala tayong mga tao tungkol sa kamatayan ng tao na kapag namatay ang isang tao ang katawang tao nito ay mamatay pero ang kaluluwa ay hindi at ito ay pwede mapunta sa langit at impyerno na kapag ang tao ay namatay at mabuti ang mga ginawa niya dito sa mundong ibabaw mapupunta siya sa langit na puno ng kasayahan at walang kalungkutan gaya rin kaya ang langit sa mga napapanood natin sa palabas na napakagandang paligid, napakaaliwalas tignan at napakasaya ng mga taong narooon at impyerno na puro apoy at walang hanggang pagdurusa  naman sa mga taong naging makasalanan sa kanilang buhay tao.

Meron naman na kapag na namatay ang tao ang kanyang katawang tao at kaluluwa ay mamatay rin at ang kanyang pagiisip at alalahanin sa buhay ay mawawala na silay walang nalalaman na anu pa man ang kanilang espiritu ay pumapanaw ,silay ng babalik sa kanilang pagkalupa at sa araw ring iyon nawawala ang kanilang pagiisip, lahat ng kanilang pagiisip at mga plano pati na ang kaluluwa ay namamatay. Totoo nga rin kaya kapagnamatay ang tao ay namamatay ang katawang tao nito pero ang kaluluwa ay maglalagi dito sa mundong ibabaw kaya ba minsan ang ibang tao ay nakakakita ng mga ispirito, o kaluluwa na tinatawag nilang mga multo. Meron ring  nakapag ang tao ay namatay ang mga kaluluwa nila ay sumasanib o nagiging  mga insekto o hayop gaya na lng ng ipis, butiki, tutubi, paruparo at kung minsan pa nga pusa. 

Martes, Pebrero 18, 2014

Beki Paano Kayo Dumami?

                                                          Beki Paano Kayo Dumami?
                                                              (Lipunan o Karanasan)
                                                                  Jerico G. Lood

Masaya kaya siya? Sa palagay ko naman,Oo. Napag aralan niya ng kumilos ng maayos ayon sa kanyang kagustuhan. Noong una, alam ko nagulat siya ng magkakilala kayo at alam ko din na hindi mo agad siya tinanggap sa buhay mo. Marami siyang gustong itanong sayo kung bakit at san ka nagmula? Nagkapalagayan kayo ng loob at nagkasundo. Madalas kayong magkasama simula noon. Unti-unti kang nagbago simula ng dumating siya sa buhay mo. Kami,at ang lipunang iyong ginagalawan ay napansin ang pagbabagong nangyayari sayo. Marahil sa nakikita nila sa kilos at galaw niya, sa mga bagay na nangyayari sa kanya na hindi maipaliwanag kung bakit at paano? Sa paglipas ng panahon, naipon ang mga tanong sa kanyang isip..mga tanong na alam niyang sya lang ang makakasagot. Ang lipunang kanyang ginagalawan ang sumagot sa kanyang mga katanungan. Ang mga tao, ang kanilang malawak na imahinasyon ay nagbigay ng kanilang sariling opinyon sa mga bagay na napansin nilang pagbabago mo. Ang mga opinyon,kuro-kuro,kasabihan at pamahiin ay nakabuo ng bagong ideya sa isip niya. Ang lipunan, at ang mga taong nakapaligid sayo ay nang husga sa inyo batay sa kanilang panlabas na nakikita. Siya bilang isang indibidwal ay gagawa na paraan upang ang lipunan at tao ay magbago ang tingin at pananaw sa kanya maging sa katulad niya. Paano niya maipapaalam sa lipunan ang nagaganap sa kanya kung mismo ang tao ang may dahilan kung paano siya ginawa. Ikinulong ng tao..lipunan ang sarili mo sa kahong nilapatan ng bagong katauhan.

Ang mahigpit na hawak sayo ng lalaking iyon habang pilit niyang pinapagawa ang bagay na alam niyang hindi tama at labag sa karapatang pantao, ay nag dulot ng takot at kaba sayo. Sa edad na sampung taong gulang si Junior isang masayahing bata ay maagang namulat sa sekswalidad. Ang karanasang iyon na ginawa sayo ng kaibigan ng nakatatanda mong kapatid ay paulit-ulit na nangyari. Naisantabi mo na ang takot at kaba. Hindi mo na nagawang magsumbong dahil inisip mong walang maniniwala sayo sa kadahilanang ikaw ay bata pa.Inisip mo na baka magbago ang tingin sayo ng mga taong makakaalam ng nanggyari sayo. Habang lumalaki ka, ang pangyayaring iyon ay  nanatiling lihim. Ang karanasang iyon na paulit-ulit ay nagbigay kasiyahan sa pagkatao mo at hinanap ito ng katawan mo. Naging ilang ka sa mga kapwa mo lalaki at naging mas malapit ka sa mga babae. Pag tungtong mo sa high school ,nagkaroon ka ng maraming kaibigan at karamihan ay kababaihan. Si Alexis..ang matalik mong kaibigan. Lahat ng lihim nyo sa isat isa ay nasabi nyo na....tungkol sa mga crush at kung ano pang mga bagay. Ang tanging lihim mo na lng sa kanya ay yung nangyari sayo nung bata kapa...pero nahihiya kang sabihin sa kanya dahil baka mag iba ang tingin nya sayo.
Minsan isang araw habang masaya kayong nag-uusap...sinabi niya sayo na kahit na anong mangyari ang lihim na sasabihin niya ay kayong dalawa lang ang dapat makaalam. Siya,nanggaling sa isang respetadong pamilya. Panganay sa tatlong magkakapatid at nag iisang lalaki. Sinabi nya sayo na bawal malaman ng pamilya niya kung ano siya. Sinabi din nya sayo ang mga dahilan kung bakit hindi kaylan man pwedeng malaman iyon. Noong una naguluhan ako sa kwento niya at kung ano ba tlaga ang pinupunto niya.

Dahil sa nalaman mong bagay na iyon tungkol sa kanya ay naglakas loob ka na din sabihin kung ano ang iyong lihim. Dilat ang mga mata habang nakatitig sayo...sa mga labi mong patuloy sa pag sasalita. Ang mga matang iyon na nangungusap. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Iniisip mo na gumagawa na siya ng opinyon sa kinukwento mo sa kanya. Maaring mag iba ang tingin niya sayo...maaring hindi ka na niya gugustuhing maging kaibigan pa. Patuloy ka pa din sa pag sasalita na gunita mo sa isipan mo ang mga pangyayaring iyon. May mga tanong..paano kung hindi nangyari sayo yun...? paano kung noon pa lang ay hindi mo na inilihim yun..?, paano kung hindi ka natakot at sinumbong mo kung ano ang nangyari nuon. Wala kang maisip na sagot sa mga tanong na iyon. Malinaw pa din sa alaala mo ang mga bagay na iyon. Kaibigan ka niya huwag kang matakot kung ano ang sasabihin nya sayo. Nakayuko ka ng matapos mong ikwento ang lahat. Niyakap ka niya. Naramdaman mo ang haplos ng kanyang kamay sa iyong likod. Ang pakiramdam na iyon ay gumulat sa iyo. Naintindihan ka niya. Ang sandaling iyon,ang yakap niya sayo payapa at tahimik. Wala siyang binanggit na kahit ano. Naging bukas ang isip niya sa nangyari sayo. Katulad niya kung magiging bukas ba ang isip ng tao kung sakaling sasabihin mo ang nangyari sayo. Maiintidihan kaya ng lipunan? Maniniwala kaya sila na hindi ikaw ang may gusto sa nangyaring iyon. Sa kabilang banda, kahit na ganon ang nangyari may taong nakaintindi sayo. Isang indibidwal na hindi nang husga base sa panlabas na nakikita. Kinilala ka at nakinig sayo, sa mga bagay na inilihim mo at sa mga bagay na takot kang may makaalam
.
Pagdating ng kolehiyo, pumasok ka sa isang unibersidad na bukas ang pag iisip sa mga bagay na ''liberated". Marami kang nakilala at naging kaibigan. Pagkatapos ng klase ay nagmamadali kang makauwi, sa pagmamadali ay nakabunggo ka ng babaeng may mga dalang libro. Humingi ka ng paumanhin sa nagawa mo at sinabi mong hindi mo ito sinasadya at nangyari lang iyon sa pagmamadali mo. Tinanggap niya ang sorry mo pero agad ka ding nag paalam. Bago ka pa makarating sa tinutuluyan mo napansin mong kanina pa may nakasunod sayo. Huminto ka para malaman kung sino iyon. Si Ana, sinundan ka talaga niya. Siya yung nakabunggo mo kanina sa campus. Hindi na siya nahiyang lumapit sayo dahil tutal alam mo na naman din na sinusundan ka niya. Lumapait siya sayo dali pa din ang mga libro na kanina ay nahulog ng kayo ay magkabunggo. Gusto ka niyang maging kaibigan, may kung anong bagay sa isip niya na gusto niyang sabihin sayo. Nag uusap kayo habang naglalakad papunta sa tinitirhan mo na tanaw na ng iyong mata. Inimbita mo muna siya sa loob para makapag usap at magkakilala ng husto. Simula noon ay naging magkaibigan kayo. Madalas kayong magakasabay pumasok at maging sa pag uwi. Alam niya kung ano ka talaga. Kung ano ba talaga ang gusto mo. Marami siyang kaibigan na katulad mo. Sinabi niya walang pinanganak na bakla. Nagulat ka sa sinabi niyang iyon. Bumilis ang tibok ng puso mo...kinabahan ka at nagtaka kung bakit niya sinabi iyon. Paano niya nalaman ang bagay na inililihim mo? Nag patuloy siya sa pagsasalita.

Naglalakad kayong dalawa at masayang mag uusap ng bigla kang magulat sa sinasabi niya.May mga taong napilitang maging katulad niyo dahil sa saradong pag iisip ng lipunan. Walang taong ipinanganak na bakla. Tandang tanda niya pa ang kwento ng kaibigan niya na ngayon ay pinapakinggan mo.

Nakita kita hawak mo ang laruang manika ng kapatid mo. Masaya ka habang inaaliw mo ang kapatid mong babae na noon ay umiiyak. Mas gusto mo maglaro kasama ang mga babae ninyong kapitbahay. Kahit na madalas kang inaasar hindi mo na lang sila pinapansin. Tinanong mo ako kung tama ba ang ginagawa mo at kung may mali ba sa kinikilos mo? Pag uwi sa bahay, narinig mo na namang nag aaway ang iyong magulang. Sa isang tabi umiiyak ang iyong ina, masakit ang katawan sa pambubugbog ng iyong ama. Sandaling kinausap si ina at pagkatapos ay pumasok sa kwarto. Kinausap mo ma naman ako. Sinabi mo na ayaw mong maging katulad ni ama.

Pag pasok sa eskwelahan masaya kang nakikipag usap sa mga kaklase mong babae sa loob ng inyong kwarto, kilala ka na mas malapit sa mga babae at malambot kumilos. Tinanong ka ng mga kaklase mong lalaki. Bakit mas gusto mo silang kausap kesa sa amin? Hindi ka sumagot, natulala ka pero sandali lang yon. Habang naglalakad pauwi tinawag mo ako nagkwento ka at nagtanong. Bakit nga ba mas masaya kang kasamaang mga babae kesa sa lalaki?

Nagpatuloy ka sa paglalakad, sa di kalayuan may nakita kang grupo ng mga lalaki. Habang papalapit ka nalaman mo na binubugbog nila ang isa pang kabataang lalaki. Sa takot mo nag kubli ka sa likod ng puno, inisip mo na baka bugbugin ka din nila pag lumapit ka at pag tinulungan mo yung lalaki. Duwag! bakit nagtatago ka jan sa likod hahayaan mo na lang ba siya mabugbog don. Hindi mo ako pinansin at nag antay ka na lang hanggang makaalis ang mga kabataan. Tinulungan mo ang lalaki para makauwe sa kanila dahil sa sakit ng katawan,galos at pasa na dulot ng pambubugbog. Sa bahay agad kang naligo dahil nainitan ka sa paglalakad mula eskwelahan. Nagulat ka andon din ako sa banyo, kinausap kita bakit mo hinayaang mangyari yon? Alam ko natakot ka pero sana sunubukan mo muna. Sa banyo nakatulala ka sa salamin habang nagsisipilyo at nakatitig sa akin.

Lumipas ang taon lumaki ka na, matagal tayong hindi nagkausap. Ako na mismo ang kumausap sayo dahil malaki na ang pinagbago mo. Kinamusta kita dahil muka kang masaya sa suot mo sa katawan at ibat ibang kulay na nasa iyong mukha. Anong nangyari sayo bakit ngayon ka lang nagpakita sabi mo... Andito lang naman ako lagi kitang pinapanuod sa mga kilis at galaw mong hindi ko maintindihan sabi nya sa akin.

Nag madali kang sumakay ng jeep papunta sa trabaho. Sa loob ng jeep nakatingin sayo ang mapanuring mata ng lipunan, ang iba ay nakangiti na natutuwa, ang iba nakangiti na natatawa, meron ding dismayado na tila hindi masaya sa nakikita. Pero sa mga matang iyon may bukod tangi sa lahat. Mga matang malungkot, may pagdaramdam, masaya ngunit may suliraning itinatago. Pag sakay sa jeep bayad po sabi mo na ipit ang boses. Sa harap mo kasama ang ibang pasahero, may mag ina, isang teenager na babae suot ang kanyang uniporme, meron ding isamg matipunong lalaki na tila isang sundalo. At natatangi sa lahat isang matanda niluma na ng panahon ang kanyang balat. Makikita mo sa kanyang mata ang kalungkutan at kasiyahan sa kanyang ngiti. Nag katitigan kayo. "hindi mo na naman ako napansin dinedma mo ako, kaya bumulong ako...bakit ka nakatingin sa taong yan kilala mo ba sya?..ako kilala ko siya kagaya ko pinilit lang ng lipunan ang nangyai sa kanya hanggang sa nanahan na siya at mahalin ang buhay na meron siya. Para ho, hindi mo namalayan na malayo ka na at lagpas kana sa pinagtatrabahuhan mo. Pagbaba mo, naramdaman mong may kasunod ka. Bumaba din ang matanda na kanina pa nakatingin sayo suot ang hapit na damit dahil sa lapad ng kanyang balikat kahit na payat ito, hapit na pantalon sa patpatin niyang hita at binti at isang pares ng sapatos na may takong.

Sa kanyang paglalakad, napansin mo ang buong lipunan ay nakatingin sa kanya, maraming tanong sa isip may mga mapanghusgang tao na kanina pa nakatingin dahil sa di angkop na kasuotan ng matanda at hindi dapat sa katauhan niya. Katulad nila hinusgahan din kita, sa una kong tingin dahil sa kanyang kasuotan at sa kanyang kilos. Pag dating sa trabaho huli kana ng kinse minuto. Sumalubong at bumati sayo ang mga kasamahan mo kagaya mo din sila.."oo syempre kilala ko sila noon pa" lumipas ang buong araw sa trabaho at agad kang umuwi para makapagpahinga dahil na din sa pagod.

May sarili kana pa lang tahanan kahit maliit lang, nagrenta ka na lang dahil ayaw mo ng umasa sa magulang mo tutal kumikita kana naman sa trabaho mo. Sa iyong kwarto naka display ang mga litrato mo nong bata kapa.,mga laruang sadya mong itinabi dahil paborito mo itong laruin ng bata kapa. Pag upo sa kama nagpahinga ka muna, hindi ka muna nagbihis. Sa kaliwang bahagi ng dingding nakita mo ang salamin, kinuha mo ito at tiningnan ang sarili. Tumayo ka para kuhanin ang litrato mo na naka display sa lamesita. Tiningnan mo ito ng mabuti at tumingin sa salamin. "Mabute nakauwe kana, gusto mo ba ako makausap? Ok lang naman kung marami kang gustong malaman sayo at sa sarili mo.

Alam ko at alam mo na ang nilikha lang ng Diyos ay lalaki at babae. Dahil sa epekto ng mga nakapaligid sayo, sa mga tao na nakasalamuha mo pati na din sa sitwasyon ng pamilya mo at sa lipunang ginagalawan mo nag kakilala tayo ng hindi mo alam at basta na lang mahirap ipaliwanag pero dahil na din sa dikta ng lipunan. Lumaki sa pamilyang lagi sinasaktan ng ama ang ina kaya sinabi mo sa sarili mo na ayaw mong maging katulad niya na nanakit ng babae. Pag tinatanong ka noon at hindi ka makasagot kasi naguguluhan ka pa sa sarili mo kung ano ka talaga "identity crisis" siguro yan ang pakiramdam mo noon gusto mo hanapin ang sarili mo at kung bakit ka nagkakaganyan. Natatakot kang ipaalam ang totoo pero unti unti mong naintindihan ang tunay na ikaw. Kaya nong minsan kinausap kita ay iba kana ...nakita kita kung pano ka nagbago. Noong una nag alangan ka dahil dito sa lipunan sarado ang isip ng tao sa mga bagay na ganito. Nag padala ka sa agos ng lipunang ginagalawan mo. Hindi mo sila pwedeng sisihin kung bakit ka nagkaganyan,.pumayag ka sa dikta ng lipunan. Sa ginawa mong desisyon mas pinili mo akong makasama.Wala namang masama na naging ganyan ka, ang tanging bagay lang na magpapasama sayo ay kung gagawa ka ng ng hindi maganda na labag sa karapatang pantao mga bagay na magbibigay ng dahilan sa lipunan upang husgahan ka at magbigay ng maling pagtingen sayo. Lipunan ang gumawa sayo kinulong ka sa kahong binigyan ng bagong pangalan at sa paglipas ng panahon natuto ka ng mahalin at tanggapin ang sarili mo ang bagong ikaw. Sa loob ng kwarto hawak mo pa din ang salamin sa kaliwang kamay at ang litrato sa kanan..oo magkausap tayo.,kasama mo ako palagi. Nakatingin ka sa salamin habang sinasabi mo ang linyang ito. Oo alam ko at aminado ako...ako ay bakla.


Ngayon sa ating modernong lipunan may ibat iba ng katawagan sa amin. Bakla, shoke, bading, badap at ngayon ang beki mas tanggap ng lipunan at walang diskriminasyon.Unti unti na akong natatanggap ng lipunan. Dahil sa mga bagong imahe at personalidad na tumulong sa akin para ipakita ang sariling ako. Sa unti-unti nilang pag tanggap sa akin, sila na mismo ang kumilos upang mabigyan kami ng pansin at mawala ang diskriminasyon.

HOMOSEKSWALIDAD

HOMOSEKSWALIDAD
Jerome Sulayao


Homosekswalidad? Ano nga ba ito ? Nararapat nga bang magkaroon ng homosekswalidad dito sa ating lipunan? Bakit ? Bakit nga ba nagkaroon ng sekswalidad? Paano ko nga ba maiiwasan ang homosekswalidad? At "kung may isang bagay na hindi maaaring ipagkait sa isang tao ay ang karapatang magtaglay ng kaalaman na maaring maghubog ng ating pagkatao. Ang homosekswalidad daw ay isang romantikong at atraksiyon, atraksiyong sekswal o gawaing sekswal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian. Ito ay bahagi ng katangian o katauhan ng isang tao. Tumutukoy din ito sa pagkakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga kilos na ipinapakita nila at sa pagsanib sa komunidad kung saan sila kabahagi. Ngunit ano nga ba ang mga tawag sa mga taong homosekswal? Una, ang para sa mga babae ay tinatawag " lesbian" o" tomboy " ngunit ang sa ngayon ay kilala sa tawag na " T'boom" at ang panghuli ang sa mga lalaki ay ang pinakabonggang "beki" o " bakla "Likas na sa mga pilipino ang pagbibigay halaga sa edukasyon. Ang edukasyon ay isang paraan kung saan pinapaunlad ang kaalaman at pagkatao ng isang indibidwal para maging handa sa kanyang kinabukasan. Ito ay hindi ipinagkaksit para sa kahit kanino man, bata man o matanda., .":T.'boom." man o "Beki." maging ang kasarian ay hindi pwedeng hadlang sa karapatan na makapagkamit nf edukasyon na maaari niyanv maipagmalaki. Ginawa ng diyos anv tao para alagaan ang mga nilikha niya., sinasabi na ang tao anv may pinakamataas na uri ng hayop na nilikha ng diyos dahil ginawa sa hugis at sa wangis niya. Gumawa siya ng dalawang kasarian.: ang "lalaki" at "babae" upang magparami, maaalagaan at mahalin ang gawa ng diyos. Dumami ang mga tao at nakarating sa saan mang sulok ng mundo. Habang tumatagal ay lalong tumatalino at malikhain ang mga tao. Nagawa nilang gamumawa ng mga bagay gamit ang sariling mga kamay at kakayahan, hanggang sa makagawa ng mga pambihirang imprastraktura. Nagkaroon ng mga panibagong pakikitungo sa realidad na buhay. Nariyan na a.g siyensya na patuloy na humahanap ng mgaakabagong solusyon sa mga probleme ng tao. "Edukasyon" na naglilinang lalo sa kaalamnna tao sa munding ating tinitirhan at lalo na sa kaalamn ng tao sa "diyos" na lumikha sa atin. Ang homoseksuwalidad ay tinanggap na nga ba ng ating lipunan? Sa hlmoseksuwal na pag-uugali, inuunawa dapat at iginagalang natin ang mga taong naaakit sa kapwa lalaki o babae. Kung may kakilala man tayo na naakit sa kapwa natin lalaki o babae, sundin ang gayundin ang mga alituntuning ginagawa natin sa iba nating mga pakikipa kaibigan: " piliin nating mabuti ang ating mga kaibigan malaki ang magiging impluwesya nila sa ating pag iisip at pagkilos, at maging sa kahihitnan ng ating pagkatao”. Pumili tayo ng mga kaibagang kapareho nating mga lalaki o babae ang pinahahalagahan upann mapalakas at at mahikayat natin ang isa’t isa na ipamuhay ang mataas na pamantayan. Ang kasarian nating mga tao ay may layunin sa plano ng Ama ng langit. Para maging masaya tayo at maisakatuparan natin ang layuning iyon, inutusan tayong ipamuhay ang batas ng kalinisang- puri. Ang “homoseksuwal” na pag-uugali ay salungat sa layuning iyon at labag sa mga utos ng diyos. Gayunman, kung naaakit ang isang tao sa kapwa niya lalaki o babae at hindi siya nagoatangay sa damdaming iyon hindi siya magkakasala. Dahil isa lang ang pamantayan ng “lipunan” ay ang “ moralidad” para sa lahat kahit kanino pa tayo naaakit. “Hindi ba ang mga pananaw tungkol sa homoseksuwalidad ay nagtataguyod ng diskriminasyon sa homoseksuwal?”. Hindi, ang ayaw lang dun ay ang mga ginagawa nila. Hailmbawa, Ayokong manigarilyo, isipin ko pa nga lang ang tungkol doon, nandidiri na ako. Pero halimbawa ay naninigarilyo ka at iba ang pananaw mo. Hindi kita huhusgahan dahil sa pananaw mo, kung paanong sigurado akong hindi mo ako huhusgahan dahil sa pananaw ko, hindi ba? Ganiyan din pagdating sa magkaibang pananaw natin sa homoseksuwalidad. Kumusta naman ang pagiging silahis? Bagaman totoo kapwa lalaki at babae ang pagiging silahis, parang mas dumarami ang mga babaing silahis. Ang mga dahilan nito ay ang “ Atensiyon” sinasabi ng mga lalaki naaakit sila sa mga tomboy. Gagawin ng mga babaing walang kumpiyansya sa mga sarili ang kahit ano magustuhan lang sila ng mga lalaki. “Gaya- gaya lang” kapag ang mga tin- edyer ay may napapanood na pelikula at naririnig na music tungkol sa paghahalikan ng mga babae sa babae, natutukso silang subukak iyon lalo na kung hindi naman nila iniisip na masama iyon. “ Atraksiyon” may isang babae at may nakilala siyang dalawang silaihs na babae sa isang party. Sinabi sa kanya ng kakilala at unti- unting nahulog ang loob niya sa kanya. Pero paano kung nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki o babae? Marami ang nagsasabing tanggapin ko nalang ang sarili ko at magpakatotoo ako. Pero dapat kong malaman na ang pagkakaroon ng atraksiyon sa kasekso ay kadalasan nang lumipas din. Paano ko maiiwasan ang homoseksuwalidad? Sa kasalukuyan, sasang-ayon ang karamihan na hindi kagaya noong nakalipas na mga dekada, lantaran na ngayon kung pag-usapan ang homosekswalidad. Subukan mong magsalita sa pagiging di sang-ayon at malamang mapapaaway ka. Kagaya nalang sa kakilala kung si Darlene ay sinabihan siya ng isang babae na natatangi siya ng lahi dahil ang pagtutol niya daw sa homoseksuwalidad ay katumbas na rin ng pagtatangi ng lahi. Dahil halos lahat ay puwede na ngayon, maraming kabataan ang nag-eeksperimento at nakikipagrelasyon sa kapwa nila lalake o babae. Maraming babae sa iskul namin ang nagsasabing sila'y "tomboy", "bisexual", o "bi-curious". [gustong sumubok makipag-sex sa mga lalake at babae para malaman ang pagkakaiba nito]. Yamang lantaran na ngayon ang pakikipagrelasyon sa kapwa lalake o babae. Baka itanong mo?. Talaga nga kayang masama ang homosekswalidad? Paano kung nagkakagusto ako sa aking kapwa lalaki o babae? Ibig bang sabihin nito homosekswal ako? Eh paanu nga kung nagkakagusto ka sa kalahi mo? Ibig sabihin nito homoseksuwal kna? Ooops! Ooops! Ooops!, hindi nman. Tandaan, ikaw ay nasa "kasibulan ng kabataan", ang panahon kung kailan sadyang madali kang makaramdam ng seksuwal na pagnanasa. Kaya kung paminsan-minsan ay nagkakagusto ka sa kapwa mo lalake o babae. Huwag kang mag-alala, hindi ito nangangahulugan na homosekswal ka na. Karaniwan nang lumilipas din ang gayong damdamin. Ang mahalaga ay umiwas sa homoseksuwak na gawain. Ngunit, paano ito magagawang iwasan ang homoseksuwalidad. Madali lang yan. Una, dapat nating panatilihing "manalangin sa diyos". Mag-isip ng mga bagay na nakapagpapatibay. Malaki ang maitutulong nito para mahubog ang ating isip at puso. "Iwasan ang pornograpiya at anumang bagay na may kinalaman sa homoseksuwalidad". Kinakailangan nating iwasan ang anumang bagay na pupukaw ng immoral na mga pagnanasa. Kasama na dito ang pornograpya, ilang pelikula at palabas sa TV at marahil ay mga magasin na may larawan na sexy o maskuladong mga modelo na halos wala ang saplot. Yun lang po mga mambabasa, at sana po ay may mapulot kayong makakapagbago sa atin isipan at damdamin.

Ganito kami noon , Anung nangyare ngayon?



“Ganito kami noon , Anung nangyare ngayon?”
(Virginity) 
Princess Valeriano
                        Noon ang pinaka importante sa ating mga dalagang pilipina ay “virginity” . Isang bagay na parte ng isang pagkababae na dapat ibibigay mo lang sa kaisa-isang lalaking makakasama mo habang buhay . Sa panahon ngayon , Uso paba ito ? Batay sa aking obserbasyon maraming hindi na naniniwala na kaylangan virgin ka pa. Dahil marami sa mga kabataan ang mapusok , Lalo na ang kabataan ngayon na may karelasyon , Minsan pa nga yung iba nabubuntis ng walang karelasyon. Dahil sa kadahilanan na kapag nasa punto na ng pagtatalik , Kahit na ayaw mo pa at kahit hindi mo pa gustong gawin madadala kna lang ng init na katawan at kahit gusto mo pang pigilan wala kang magagawa kundi sundin ang inuutos ng iyong katawan.
                        Anu nga ba ang virginity , Para saakin ito yung isang mahalagang bagay na dapat pinahahalagahan ng bawat babae .Bakit sa panahon ngayon hindi na nila alam ang ibig sabihin ng pagiging isang “virgin” at hndi na nila pinahahalagahan ang pagkababae. Kasi daw masarap ! Pero ito ay isang kamalian na gawain hangga't hindi ka pa nagpapakasal hindi kapa pweding makipag talik .
                         Ayun nga sa bible ang pakikipag talik daw ay para sa mga kinasal na at naging mag-asawa . Pero maraming menor de-edad na maagang nagkaka-Pamilya kahit wala pa silang kaalaman para sa pagbuo ng pamilya at bumuhay ng isang bata. Maraming kabataan ang maagang nabubuntis , Bakit nga nila naiisip ang mga ganitong bagay? , Anu yung mga pumapasok sa isipan nila kaya nila nagagawa iyon. Maraming nagsasabing “ Marami kabataan na cucurious sa mga bagay-bagay kahit hindi pa nila kailangan  malaman” Meron din naman sa kapabayaan ng magulang hindi nila nasusubaybayan yung mga anak nila at kulang sa disiplina ng magulang at dahil na rin sa impluwensya ng barkada na kapag hindi ka in sa kanila kj ka , kaya kaylangan daw sunod sa uso. Marami na rin ang nabubuntis ng hindi pa kinakasal yung bang kaylangan mabuntis ka muna bago ka ipakasal  . Talaga bang okay lang ito? Siguro dati hindi, kasi kapag ikaw ay nabuntis at hindi kapa kinakasal ikw ay tinatawag na “Disgrasyada” at ikw ay kinahihiya ng iyong magulang . Pero sa panahon ngayon paunahan ng magkaroon ng anak , Wala ng pinipili na edad kahit bata ka pa basta kapag ikaw ay ganap ng naging isang dalaga at ikaw ay nakipag talik posible magbunga ito at mabuntis ka ng maaga.                                         Karamihan din sa mga kabataan ngayon nakikipag talik kahit sila ay magka relasyon pa lamang , Dahil sa kadahilanan na mahal nila ang isat-isa .  Ito ba ay katangahan lang o pagibig lang talaga at ibinibigay na nila ang lahat para sa lalaking mahal nila at hindi na nila iniisip kung anu ang magiging bunga nito sa kanila . Meron ngang nagsasabi sa pakikipag relasyon kung gusto mong magtagal kayo kaylangan may mangyayare totoo ba yun? Kaya  marami sa pilipinas ang mahihirap ang buhay , maraming batang namamalimos , nagtatrabaho ng maaga kahit hindi pa dapat at kaylangan nagaaral ito at lalong-lalo na sa kalusugan ng isang bata na kulang sa nutrisyon dahil sa hirap ng buhay , Kasi karamihan sa mga magulang ay mga bata pa at mga walang trabaho , pero anak parin ng anak pero hindi naman nila napapalaki ng tama ang kanilang mga anak kaya minsan lumalaking pasaway at kahit silang sariling magulang nilalabanan.
                         Minsan din dahil sa isang pagkakamali at kahit hindi mo gustong mabuntis , At hindi nyo kayang panindigan ang bata naiisipan ng isang kabataan na magpalaglag , na kahit hindi naman kasalanan ng isang sanggol ang pagkakamaling ito. Maraming nababalita na itinapon sa basura , nilalag sa ilog , at itapon lang sa tabi-tabi ang mga walang kamuwang-muwang na sanggol , Anu kayang ugali meron ang mga taong ganito , Hindi lang naman sila ang may karapatang mabuhay ,  ipinagkakaitan silang mabuhay dahil lamang sa kalandian ng mga magulang nila . Siguro kung nagsasalita lang yung sanggol unang unang sasabihin nila , bakit kayo nakipag sex tapos nagbunga ako itatapon nyo na lang na parang basura , “TAO DIN PO AKO KATULAD NYO” 
                        Noon kaylangan panagutan ng isang lalaki ang babae kapag ito ay nabuntis nila , Kaylangan nilang pakasalan , Kundi papatayin sila ng tatay ng babae . Pero ngayon tinatakbuhan na lang ng mga lalaki iyong responsibilidad bilang isang ama , at lumalaki ang isang bata na walang tatay  . Kaya kaylangan pinagiisipan muna ang pakikipag talik at pakikipag relasyon hindi lang siya yung basta basta na pasok lang ng pasok kahit hindi mo naman alam kung anu ang pweding mangyari sayo . Kaya nga naiisip ko din na tanungin ko yung mga lalaki kung okay lang bang magpakasal sa babae kapag nalaman nila na hindi na ito virgin , yung iba kasing lalaki , sobrang makapag malinis samantalang minsan sila rin ang unang gumagawa ng hakbang para sa pakikipag talik kahit hindi naman tamang gawin , kahit hindi pa dapat gawin . Kasi diba karamihan sa kanila gusto nila sila ang mauna kasi daw nakakawala yun sa pagkalalaki nila , at sabi ng mga babae may oras pa daw na sinusumba't  sa kanila yun. Yung iba naman sinasabi depende sa pagkakakilala nila sa isang babae , kung sa una pa lang daw alam na nya na hindi na virgin yung gusto nyang mapangasawa okay lang daw! Atlis daw naging totoo yung babae at basta daw mahal nila ayus lang.
                        Kapag wala bang sex mabubuhay ba ang mga tao ? Syempre naman! Hindi naman sa lahat ng bagay naka depende ang pakikipag talik sa buhay ng isang tao , Sa oxygen kaya! kase kpag wala nyan patay na lahat tayo . Pero yung iba ginagwa nilang hobbit ang pakikipag sex na kapag wala iyun ,  baka daw hindi nila makakaya .
                         Pumapasok sa magkasintahan ang pakikipagtalik Dahil sa kanilang pagmamahalan yung bang feeling na ayaw na nilang magkahiwalay , kaya nagagawa nila ito at mas inuuna ang puso kesa sa utak kaya kahit yung babae hindi na nila inisip yung kahalagahan ng pagiging isang virgin , basta kapag nandun kana daw sa part na makikipagtalik doon sa taong gusto mo , ibibigay mo lahat basta mahal mo .
                        Pero para sa akin napakasarap isipin na kahit marami sa kabataan ngayon ang hindi na pinahahalagahan ang virginity , Meron at Meron parin ang naniniwala na mahalaga ang virginity ng isang kababaihan at ibibigay ko lang ito sa taong mamahalin ako at handang pakasalan ako sa simbahan at kayang panagutan at kaya na akong buhayin . Sobrang sarap ng feeling na kapag nasa tama lahat iyung bang pagkatapos ninyong magpakasal staka nyo na pwedeng gawin ang dapat gawin , At nandun na kayo sa panahon ng pagpaplano upang magkaroon ng baby . Yung bang hinding hindi nyo pagsisisihan yung lahat ng ginawa nyo . Mahirap magsisi kapag huli na  kasi kahit anung gawin mo hinding hindi nyo na mababalik kung anu man yung dapat at tamang ginawa mo noon . Pero hindi naman lahat ay mali kahit nagkamali ka pwede mo paring itama ang isang naging pagkakamali . Kaya sa mga nagkamali dyan na gustong itama mayroon pa tayong panahon para magbago , Malay nyo ngayon na pala iyun , at lahat ng problema maraming solusyon ayaw lang nating gawin kasi natatakot tayo na baka magkamali pa ulit tayo. Basta lagi lang nating iisipin......

  “ Ang pakikipag talik kaylangan pinagiisipan para sa bandang huli walang pinagsisisihan” 

Bakit dapat iwasan ang Pornograpya?

Bakit dapat iwasan ang Pornograpya?
Trisha Ishii

            Laganap ngayon sa daigdig ang pornograpya. Makikita ito sa mga advertisement, kausuhan, pelikula, musika, at mga magasin, pati na sa telebisyon, mga video game, cellphone o iba pang gadyet, Website, at mga photo-sharing service sa internet. Ang pornograpya ay karaniwan nang tinatanggap sa modernong lipunan. Ngayon higit kailanman, mas maraming lugar ang gumugugol ng higit na panahon sa pornograpya.
            Ang terminong “pornograpya” ay tumutukoy sa malalaswang material na dinisenyo upang pukawin ang damdamin ng mga nakakakita, nagbabasa, o nakikinig nito. Kasama rito ang mga larawan pati na ang anumang materyal na mababasa o mapapakinggan. Ang pornograpya ay lubhang nakakasugapa na gaya ng crack cocaine, ayon  sa ilang mananaliksik at terapist. Ang obsesyon sa pornograpya ay gaya ng pagkahayok sa sekso ng masamang espiritu noong panahon ni Noe. –Genesis 6:2.
            Dahil laganap na ang pornograpya, baka maitanong mo, ‘talaga nga kayang masama ito?’ Ang sagot oo! Pinabababa ng pornograpya ang pagkatao ng gumagawa nito at ng tumitingin dito. At ang mga tumitingin dito ay kadalasan nanag nahuhulog sa imoralidad.
            Noong nasa kabataan pa ang mga magulang mo, kung gusto ng mga tao na makakita ng pornograpikong larawan, kailangan pa nilang hanapin ito. Ngayon, waring pornograpya na ang lumalapit sa iyo. Ganito ang sabi ng 19-anyos na dalagita: “Kung minsan, kapag nag-i-internet ako para mag-browse o mamili o para lang alamin kung magkano ang pera ko sa bangko—bigla na lang may lilitaw na pornograpya!” Pangkaraniwan na lamang ito. Sa isang pag-aaral, 90 porsiyento ng mga kabataang nasa edad 8 hanggang 16 ang nagsabing hindi sinasadyang nakakakita sila ng pornograpya sa internet—karaniwan nang habang gumagawa ng kanilang takdang-aralin.
            Puwede kang maadik sa pornograpya, at masaklap ang epekto nito. Kunin nating halimbawa si Jeff. Ganito ang nasabi niya kahit 14 na taon na siyang hindi tumitingin sa pornograpya: “Araw-araw ko pa rin itong pinaglalabanan. Nakokontrol ko na ang sarili ko, pero parang gusto ko pa ring tumingin. Ang nga larawan ay nasa isipan ko pa rin. Pero mali pala ako. Kahit ano pang sabihin ng iba, walang anumang mabuti sa pornograpya—talagang wala.”
            Si Brian, na nahumaling sa pornograpya sa Internet, ay nagsabi: “Walang makapigil sa akin. Para akong wala sa sarili. Nanginginig ako at sumasakit ang ulo ko. Sinisikap kong huminto, pero pagkalipas ng  mga taon, sugapa parin ako.”
             Karaniwan nang itinatago ng mga  nahuhumaling sa pornograpya ang kanilang bisyo. Malihim sila at mapanlinlang. Hindi kataka-taka, marami sa kanila ang nakadarama ng kahihiyan, pagkabalisa, depresyon, at galit. Pakiramdam nila’y nag-iisa sila. Ang ilan pa nga sa kanila ay nag-iisip magpakamatay. “Puro sarili ko lang ang iniisip ko at naging desperado ako.” ang sabi ni Serge, na nagda-download ng pornograpya sa kaniyang cellphone halos araw-araw. “Parang wala akong halaga, nakokonsensya ako, at pakiramdam ko, nag-iisa ako at walang magawa. Hindi ako makahingi ng tulong dahil sa sobrang takot.”  
            Kahit ang pagsulyap lang sa pornograpya ay maaaring magbunga ng masamang resulta. Si Dr. Judith Reisman, isang kilalang mananaliksik tungkol sa pornograpya, ay nagsabi sa harap ng isang komite ng Estados Unidos: “Ang mga pornograpikong larawan ay tumatatak at bumabago sa utak. Pinagmumulan ito ng bigla, di-makontrol, pero nagtatagal na alaala na mahirap  o imposibleng burahin.” Si Susan, 19 anyos na nahantad sa pornograpikong  Website, ay nagsabi: “Nakaukit sa aking isipan ang mga larawan. Bigla  na lang pumapasok ang mga ito sa isipan ko. Parang hindi ko na kailanman mabubura ang mga iyon.”

            Ang sinasabi ng mga Eksperto, Nakakapinsala ang pornograpya sa relasyon ng mga mag-asawa at pamilya dahil, Pinapahina nito ang tiwala, ugnayan, at pag-ibig ng mag-asawa sa isa’t-isa. Itinataguyod nito ang kasakiman, kawalang-malasakit, kawalang-kasiyahan sa asawa. Pinupukaw nito ang malalaswang seksuwal na pantasya at pagnanasa. Tinutukso nito ang mga nanonood na ipilit sa kanilang asawa ang malalaswang seksuwal na gawain. Itinataguyod nito ang pagtataksil. Ang pagtataksil ay maaaring sumira sa pag-aasawa at humantong sa paghihiwalay at diborsiyo. Ang gayong pahihiwalay ay nakakapinsala naman sa mga anak.
            Maaari ding mas tuwirang mapinsala ng pornograpya ang mga bata. Si Brian, na nabanggit kanina, ay nagsabi: “Noong mga sampung taon ako, di-sinasadyang nakita ko ang pornograpikong mga magasin ni tatay habang naglalaro ng taguan. Mula noon, palihim kong tinitingnan ang mga ito nang hindi talaga naiintindihan kung bakit ko gustong gawin iyon. Diyan nagsimula ang masamang bisyo ko na tumagal nang maraming taon.”
            Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang pornograpya ay naka-iimpluwensya sa mga kabataan. Maaari silang magkaroon ng seksuwal na mga kaugnayan nang mas maaga, maging liberal at marahas pagdating sa sekso, at magkaproblema sa emosyon at pag-iisip.
            Ang totoo tungkol sa Pornograpiya, Bawat Segundo: Halos 30,000 tao ang tumitingin sa pornograpikong mga Website. Bawat Minuto: Ang mga gumagamit ng internet ay nagpapadala ng mahigit 1.7 Milyon na pornograpikong e-mail. Bawat Oras: Halos Dalawang video ng detalyadong paglalarawan sa pornograpya ang inilabas sa Estados Unidos. Bawat Araw: Sa Estados Unidos pa lang, may average na Dalawang Milyon na pornograpikong pelikula ang nirerentahan. Bawat Buwan: Halos 9 sa bawat 10 kabataang lalaki at 3 sa bawat 10 kabataang babae sa Estados Unidos ang nanonood ng pornograpya. Bawat Taon: Kumikita ng tinatayang $100 Bilyon (U.S) ang industriya ng pornograpya sa buong daigdig.
            Baka may pagkakataong nakakakita ka ng pornograpya nang di-sinasadya, pero ibang usapan na kung sinasadya mo talagang tumingin dito. Paano kung nagiging bisyo mo na ito? Isang bagay ang sigurado—hindi madaling makawala sa bisyong ito. Bilang ilustrasyon: Ipagpalagay nating nakatali ng sinulid ang mga kamay mo. Malamang na kaunting batak lang, mapapatid mo agad ang sinulid. Pero paano kung maraming ulit na inikot sa mga kamay mo ang sinulid? Mas mahirap na ngayon itong maptid. Ganiyan din ang nangyayari sa mga taong naging bisyo na ang pagtingin sa pornograpya. Miyentras mas madalas silang tumingin dito, lalo silang nahihirapang makawala sa bisyong ito. Kung ganiyan ang kalagayan mo ano ang dapat mong gawin?
            Tandaan mong napakasama ng pornograpya. Paraan ito ni Satanas para pasamain ang isang bagay na ginawang marangal ng Dios.
            Kung paano makakalaya sa Pornograpya. 1.Manalangin sa Diyos. 2.Humingi ng tulong sa iba. 3.Alamin at iwasan ang mga posibleng pumukaw ng pagnanasa. 4.Patibayin ang kaugnayan sa Diyos.  Mangako. “Ako ay gumawa ng taimtim na pangako na hindi kailanman titingin nang may pagnanasa sa isang babae,’ ang sabi ng tapat na lalaking si Job (Job 31:1) Narito ang ilang “taimtim na pangako” na maaari mong gawin: 1.Hindi ako gagamit ng internet kapag mag-isa lang ako sa kuwarto. 2.Isasara ko agad and anumang lilitaw na malaswang mensahe o larawan kapag nag-internet ako. 3.Sasabihin ko sa isang may-gulang na kaibigan kapag muli akong natuksong tumingin sa pornograpiya. Tip: Tiyakin mong naka-on ang browser ng computer mo para hindi makapasok ang pornograpikong mga Website. Iwasan ding buksan ang mga link sa mga e-mail na hindi alam kung kanino galling.
            Kadalasan nang malaking tulong para maihinto mo ang iyong  bisyo kung mayroon kang mapagsasabihan  ng niloloob mo.
Kung nagging bisyo mo na ang pagtingin sa pornograpya, kaya mo pa ring mapagtagumpayan ito. Ang totoo, sa bawat pagkakataong naiiwasan mo ito, nagtatagumpay ka. Lagi mong tatandaan na mapapasaya mo ang puso ni Jesus kung iiwasan mo ang nakapipinsalang pornograpya!.