Linggo, Pebrero 16, 2014

KARANASAN


Bakit madaming kabataan na ang nabubuntis at nakakaranas ng makipag-Sex?

       “KARANASAN”
Christiamine Osorio
              Dati rati ang mga kabataan noon ay ala-sais pa lang ay nasa loob na ng bahay, samantalang ngayon kahit anong oras ka umuwi ay pwede ka, hindi ka papagalitan ng magulang mo. Ang mga kabataang lalaki noon bago nila makamit an gang matamis na OO nang babae ay dumadaan muna sila sa butas ng karayom, dahil sa bagong teknolohiya mas madali nating masabi sa ating minamahal at paano sila maliligawan. Dati, magulang muna ang kanilang nililigawan, ngayon konting sweet text, lambing at konting kilig moments lang ay Go! na si Girl.
              Kaya naman ang mga kabataan ngayon ay malayang nagagawa ang kanilang gusto sa buhay nila dahil nga hindi sila mapapagalitan ng magulang nila. At dahil nga dyan ang ibang dahilan ay broken family sila, hindi sila mahal ng magulang nila, at hindi nabibigyan ng atensyon. Pero minsan ang magulang na din ang nagkokonsinte sa kanyang anak na gawin ang hindi dapat gawin kagaya na lang nang pakikipag-boyfriend.
              Madaming kabataan ngayon ang mahilig ng makipag-sex. Minsan ito ay gusto lang at laro lamang para sa kanila, pero ang iba naman ay ginusto na talaga nilang maranasan, ang iba naman masarap daw? Kaya naman ginagawa nila iyon. Sa panahon ngayon madami na talagang kabataaan ang nabubuntis 13 years old nga lang ay parang nakalunok na ng pakwan. Minsan kaya ito nagagawa sa ganung edad ay dahil sa community nila, sa mga barkada, pero minsan ay dahil sa mga nakakasalamuha nila.
              Bakit nga ba nagagawa ng mga kabataan ang mga ganung bagay? Ilan sa mga dahilan tulad ng social networks, lalo na sa mga kalalakihan ay nagdownload  ng mga malalaswang kuha tulad ng porn videos at doon sila nagkakaroon ng idea, at iba naman minsan ito’y dala ng kalasingan dahil sa ngayon minor de edad pa lang umiinom na kaya naman kung anu-ano na ang kanilang nagagawa kapag sila ay nakainom na.
              1st year high school pa lang siya ay iniwan na siya ng kanyang Mama. Ang tanging kasama na lamang niya ay ang kanyang ama, isang tricycle driver at gabi-gabi na kung umuwi at ang tanging gagawin na lang ng kanyang ama ay kumain at magpahinga.
              1st year high school din po ako ay nakaranas na po ako makipag-sex, hindi sa aking boyfriend kundi sa aking ama. Wala po kaming kwarto at sa sala lang po ang tanging nagsisilbing kwarto naming mag-ama, magkatabi po kami sa higaan. Isang araw lasing na lasing ang aking ama, dahil lasing ang aking ama malakas ang kanyang loob para gawin niya ang gusto niya, wala siyang kahihiyan na kahit na ako ang anak niya ay ginagalaw niya. Madaling araw ng mahawakan niya ang aking dede, hindi ako pumalag, hindi ko siya pinigilan sa kanyang ginagawa dahil sa sobrang takot ko sa aking ama at na baka kung ano pang gawin niya sa akin.
              Hindi lang isa, dalawang beses ito nangyare, at huling nangyari ay hindi lang dede ko ang hinipo niya pati na din ang aking maselang parte ng pagkababae ko at dahil sa nagawa ng aking ama aay naglayas ako sa aming bahay, ilang araw hindi ako umuwi ng bahay at hindi nagpakita sa aking ama tanging sa kaibigan lang ako nakikitulog.
              Na-trauma na ako sa mga nangyayari sa akin lagi kong naiisip kung bakit nagawa ng aking ama sa akin iyon? Sa tuwing dadaan ako sa aming bahay ay naiinis ako dahil naalala ko ang mga ginawa ng aking ama sa akin.
              Pagkalipas ng tatlong taon, ay nagkita kami may karga na siyang isang sanggol, dahil sa nangyari sa kany, nag-asawa na siya at nagka-anak na sila hindi na niya pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral iba na ang kanyang pinag-aralan ay kung PAANO MAKIPA-SEX!
              4th year high school, may friend akong hindi na virgin. Siya ay broken family at hindi siya mahal ng kanyang magulang. Nakatira siya sa iskwater area, at halos ang mga nakatira duon ay mga adik, madaming batang nabubuntis at maagang nag-asawa.
              High school pa lang siya ay nakaranas na siyang makipag-sex, halos lahat ng klase ng pakikipag-sex ay alam niya tulod ng; sex on phone, sex on personal. Para magawa niyang makipag-sex ay hindi siya papasok ng paaralan. Sa bawat nagiging boyfriend niya ay nagkakaroon sila ng sex, at pagtapos nun ay maghihiwalay din sila, dahil ang tanging gusto lang ng nagiging boyfriend niya ay katawan niya.
              Sa tuwing hindi siya nakakaranas makipag-sex ay parang hinahanap-hanap na niya ito, dahil sa nakasanayan na niya ito. Sa tuwing libog na libog na siya mismong siya na lang ang gumagawa sa kanyang sarili o kaya naghahanap siya kahit saan, kahit na tambay lang sa kanto ay papatusin na niya.
              Halos lahat ng kaklase ko ay halata na hindi na siya virgin dahil sa bukaka na siyang maglakad at malaki na ang kanyang dibdib na puro foam na lang upang hindi ito halata. Kaya naman iilan sa mga kaklase ko ay inaasar na siyang LASPAG at ito naman ay totoo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento