Linggo, Pebrero 16, 2014

“ KWENTO MO, KWENTO KO, KWENTO NI JUAN ’’



“ KWENTO MO, KWENTO KO, KWENTO NI JUAN ’’

Beverly Villarez

  Introduction

                    Ang kwento na aking inilathala ay tungkol sa walang hanggang suliranin na nagaganap sa bansang pilipinas . katulad na lamang ng mga gobyerno na nagbibingi-bingihan  sa mga boses ng mga Pilipino na naghahangad na mapaunlad at magkaroon ng pantay-pantay na  pamumuhay para sa mga naghihirap na mga pilipino. Nais ko ring maimulat ang mga iba pang kabataan na kailangan nating maging responsible sa bawat disisyon na kanilang gagawin upang madala rin nila ito sa kanilang pagtanda dahil balang araw ay magiging parte rin tayo  ng bansa at kailangan nating matutu  bilang isang mabuting mamamayan sa hinaharap.
                  Ito ay simpleng  pagsasalaysay lamang ngunit alam kong Malaki rin ang maitutulong  nito upang  maibahagi ko ang mga hinaing at opinion ng bawat  Pilipino na aking nasasagap sa araw-araw na aking pamumuhay dahil may  karapatan rin ang mga mahihirap na magkaroon ng pantay na pangangalaga ng pamahalaan sapagkat  ito ang lupang silangan din nila. Mahirap man o Mayaman kung isa kang pinoy   may karapatan kang ipagtanggol  ang iyong sarili sa paraang alam mo’y  tama at karapatan ng batas.     Mas  kailangan nating maging aktibong pinoy  sa panahon ngayon dahil nasa ating mga  sarili  ang tunay na  susi upang  makatakas sa pagkakagapos sa madilim at masalimuot na pamamahala sa bansa. Iisa lang ang mundong ginagalawan natin, tao tayong ginawa at sa unti-unting pagkasira ng mundo’y  sabay rin  tayong magdurusa dahil tayo ay iisa lamang. Mahal ko ang pilipinas dahil ito ang aking sinilangan  at habang ako ay nabubuhay patuloy akong makikialam  at susuporta dahil ito ang tunay na nagmulat sa aking pagkatao.
                                       “ KWENTO MO, KWENTO KO, KWENTO NI JUAN ’’
             “ Pilipino, Pilipinas, Pilipino, Pilipinas, Pilipino, Pilipinas, Pilipino, Pilipinas, Pilipino”.      Ikaw bilang Pilipino na naninirahan dito sa pilipinas umaasa ka pa bang umaling uunlad ang ekonomiya ng bansa? Alam kong  maraming mga madlang- pinoy ang nagnanais pa rin  na bumalik ang  dating sigla ng pilipinas ngunit ang isang  tanong ay kung Kaylan darating ang oras na iyon kung ngayon pa lang ay walang ng matinong pinuno para sa bansa. libre lang ang mangarap sa mundong ito subalit sa lahat ng libre ito talaga ang pinakamahirap makuha lalo na kung ikaw ay isa lamang hamak na daga lamang na nakikibagay sa mga buwaya. Tara samahan mo akong  alamin ang hiwaga  na nagaganap  sa  bansang ito at ang tunay na kulay ng Pilipinas.!
Araw-araw  ang buhay natin ay umiikot kasabay ng mundo. Iba’t ibang mga karanasan at pangyayari ang nagaganap sa bawat isa sa atin. Ngunit iisa lamang ang naglalaro sa  ating isipan yun ay ang “UMUNLAD”. Milyon-milyong Pilipino ang  naninirahan sa bansang pilipinas ngunit ilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon na magkaron ng magandang trabaho eh kung yun ay edukadong pinoy ka. Naniniwala ako na hindi lahat ng pinoy ay tamad sadyang may mga buhaya lang talaga sa mundong  ito na sugapa sa salapi o pera. Samot sari na ang desriminasyon na ibinabato sa atin ng mga mauunlad na bansa. Ehhhhh paano nga  naman kung ang mga gobyerno dito sa bansa ay ang alam lamang ay manguha ng pinaghirap ng taong bayan at walang disiplina dahil ang tanging alam lamang nila’y ang pagdami ng kaban ng yaman nila. Alam nating lahat na malaki ang naitutulong ng mga  OFW sa  ating  bansa, ngunit sakabila ng mga paghihirap nila tulad na lamang ng mga nararansan nilang pananakit mula sa kanilang  mga amo, pagkawalay ng matagal sa kanilang pamilya, at pagkalimut ng kanilang mga sariling anak sa kanila upang makahanap ng ginhawang buhay ay dobleng sakit pa para sa lahat dahil kasama rin sila sa mga pilipinong nagbibigay suporta para sa mga pangangailangan ng bansa ay isa ring kinikuhanan ng mga mababa at matatas na mga grupo ng mga buhaya.!Hay naku naman lahat na lang ba ay kulang sa bansang ito????????? Kulang na kulang na sa suplay ng tubig, lupain, mga kagamitan sa paaralan, mga daanan. Saan na ang mga pangako na kanilang sinalaysay noong eleksyon? Nasaan na ang mga milyon-milyong pondo na kanilang sinasabi para sa kauunlad ng bansa? maraming mga kalamidad na ang nagdaan sa pilipinas maraming mga tirahan at  buhay ang nawala ngunit iisa lang ang sagot ng madlang-pinoy “ito ay galing sa aming  dugo’t pawis”. Kahanga-hanga sapagkat may mga tao parin ang nais na tumayo sa kanilang sariling mga paa.  Palala ng palala ang krisis na nagaganap  sa bansa,mas dumarami ang mga hindi magagandang pangyayari sa dahil  patuloy ang pagtaas ng mga bilihin sa Mercado at kakulangan sa supply ng bigas dahil sa mga sunod-sunod na mga bagyo ang nagadaan kaya mas lalong bumababa ang ekonomiya ng bansa kumpara sa iba pang panig ng bansa. Mabuti pa ang mga bansang hindi magagaling sa English sila pa ang mauunlad pagdating sa mga orihinal na mga produktot na  lang mga bansa tulad na lamang  ng paggawa ng china ng mga makabagong teknolohiya na makakatulong sa kanilang mga kababayan,robot na mula sa japan ehhhh tayo san tayo sikat?? pati kultural na damit  na ipinamana sa atin ng ating mga  ninuno  ay hindi na natin pinahahalagahan!!. Ang mga pinoy talaga oo!!!!!!!! Mabuti pa ang ibang lahi ay may pagmamahal sa kanilang bansa!! Diba totoo naman?!. Tayo bilang mga Pilipino sumagip na ba sa iyong isipan na nagiging kilala ang pilipinas dahil kay kila
Pacquiao at charice dahil sa kasikatan nila. kasikatan ba talaga sa bansa o sa pansarili lang ba? Ngunit lumipas ang mga taon ang mga naturingang bituin ay unti-unting nawawala sapagkat  mas kilala ang pilipinas sa  mga gobyernong  masisiba sa salapi. Siguro mas marami pa rin ang mga pangyayaring hindi magaganda sa mga lumipas na panahon kaysa sa mga iilang magagandang pangyayari sa bawat isa sa atin bilang Pilipino sa pilipinas. Marami na ang mga inusenteng madla ang nadadamay  pati kalikasan ay inaabusona. Wala na ba talagang  pagkakaisa ang pangyayari?  Tama!! na sobra na ang mga diskriminasyon at kaguluhan ang nangyayari masyado ng nakakahiya ang mga pinaggagawa natin sa ating lupang sinilanangan lalo na sa ating mga kapitbahay  jan!! lagi na lang tayong na mamalimos sa mga banyagang bansa sa tuwing tayo’y  nagigipit at nagkakaroon ng problema lagi pa rin natin silang tinatakbohan kahit katiting na lang ang pagnanais nila sa likas yaman natin. Pati ang mga kayamanan ng ating kalikasan ay ubos na dahil sa walang tigil na pangaabuso  at walang tigil na paggawa ng mga gusali. Ang lupain na dapat ay para sa mga kawawang  mga pinoy ay inaagaw pa!! Asan na ang batas na para sa mga mahihirap?!!!! Marami ng kamalasan ang pinag- daanan ng pilipinas mula sa maliit hanggang sa pinakamatindi at marami pang pagdadaanan tayong mga pinoy kung ito’y patuloy na aagos pati ang mga susunod na mabubuhay dito kung hindi magbabago ang pamamalakad ng gobyerno sa bulok na pamamahala nila dito sa mundo. Nasa ating  mga kamay tunay na gasolina para mapatakbo muli ang sira-sirang PAGPAPATAKBO sa PILIPINAS.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento