“EPIDEMYA NG KAHIRAPAN”
Lovely Manalac
Lovely Manalac
Ang
kahirapan ay isa sa mga mabigat na problema ng ating bansa ito ay nag dudulot
ng epidemya na lalong kumakalat sa ating lipunan ngayon. Madalas sinisisi natin
ang mga namamalakad sa bansa, pero sila ngaba ang may kasalanan o tayong mga
Pilipino sabi nga nila “Ang katamaran ay katumbas ng kahirapan” sinasabi ng
karamihan kaya daw sila nag hihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero
ang totoo maraming trabahong nakalaan ngunit hindi rin natin sila masisisi kung
mas gugustuhin pa nilang umupo sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa
magpakapagod sa napaka bigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa buong
maghapon kada araw. Pero sa kadahilanang ito ipinamapakita lang natin na tayo
ay tamad at ito ang sanhi ng kahirapan ng karamihan.
Maraming
Pilipino ang nag iibang bansa upang maghanap ng ika bubuhay at upang
masoportahan ang pangangailangan ng kanilang pamilya tulad ng pagsuporta sa
pag-aaral ng anak na naging parte na ng ating kultura. Karamihan dito ay mga
kababaihan dala ng labis na kahirapan ay ito ang naging paraan ng mga Pilipino
upang makaraos sa pang araw-araw na pamumuhay.
Ang salitang
“kapit sa patalim” ay naiuugnay dito dahilan sa paglisan sa sariling bayan at
mawalay sa pamilya ay hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan na
natin.
Corruption ang
pag nanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang pinaka
malupit at talamak na dahilan ng kahirapan ng bayan. Ang mga pera na mapupunta
dapat sa mga mamayanan upang makatulong sa pag unlad ng mga pamumuhay at
maaring gamitin sa pangkabuhayan o pagpapatayo ng mga bahay ng gobyerno para sa
mga mamamayang walang matulugang bahay ay napupunta lamang sa bulsa ng mga
makapangyarihan sa gobyerno. Ito ay maituturing na “kanser” sa lipunan dahil
taon-taon padami na ng padami ang mga naninilbihang nangungurakot sa kaban ng
bayan.
Isa
rin dahilan kung bakit naghihirap ang bayan dahil narin sa pananakop ng ibang
bansa noong mga nakaraang panahon tulad ng Espanya, Hapon at US na nag pahirap
sa Pilipinas. Mga dayuhan na nag iwan ng mga mali o masamang impluwensa sa
ating kultura at bansa.
Maraming
mamamayan ang “isang kayod isang tuka” dahil sa kahirapan ng buhay ngayon dahil
ito sa pag kukulang ng Gobyerno. Ang pondo na
para sa pagpapa unlad ng bansa ay ibinubulsa pa ng iilang mga
makapangyarihan sa gobyerno.
Marami ring mga
bata ang hindi nakapag aaral dahil sa hirap ng buhay kaya halos nag tatrabaho
na sila sa murang edad pa lamang upang makatulong sa kanilang mga
magulang,maraming mga bata ang nakakalat sa lansangan at sumasabit sa mga
sasakyan upang manghingi ng limos na maaaring ikapahamak pa nila at maaaring
maging sanhi ng kanilang pag kakasakit. Marami ding mga magulang ang nag
papabaya sa kanilang mga anak kaya lalong nahihirapan sa buhay.
Karamihan sa mga
kabataan ngayon ay nalululong sa masamang gawain dahil narin sa impluwensya ng
pakikipag barkada, tulad ng paninigarilyo, pag inom ng alak, pag dodroga na
maaring makasama o maging sanhi ng kanilang maagang pag kamatay.
Ang
iba naman ay maagang nag aasawa at nag kakaroon ng anak kaya lalong umihirap
ang kanilang buhay at dahil doon maraming mga tao ang nakakagawa ng kasamaan sa
lipunan maraming nagnanakaw para sa kanilang pamilya.
Ngayong moderno
na ang syensya nagagamot na ang mga malulubhang sakit ng mga tao. Pero ang
sakit ng lipunan ang salot sa kahirapan hanggang ngayon at hindi pa nahahanapan
ng lunas. Epidemya din kaya nag proposyon nito sa mundo?
Mabilis umunlad
ang industriya at teknolohiya pero tatlong bilyon ang walang sapat na trabaho.
Inililigtas ang mga hayop sa bingit ng ekstinksyon, pero pinababayaan ang
bilyong taong mistulang mga dagang nabubuhay sa mga estero at kalye ng
modernong lipunan. Kung kaylan bumilis na ang teknolohiya ngayon pa mas nag
hirap ang mga tao sa lipunan.Mataas ang produksyon ng pagkain pero milyon
milyon parin ang namamatay sa gutom at nagkakasakit sa malnutrisyon. Malalaki
ang mga gusali at ang mga mansion dito sa syudad, pero walang matirhan ang daan
daang tao sa mundo.
Progresong
lipunan?? Narito raw ang solusyon, ang
pag asa para makaahon sa kahirapan ang populasyon sa daigdig ngunit para sa
karamihan ito rin ay dahilan ng kahirapan dahil sa pangungurakot ng karamihan .
Ngayon na
moderno na ang ating industriya sa mga kamay ng mga manggagawa ang mga makinarya
ay instrumento ng pag-unlad.pero sino ang umuunlad? Hindi ang mga nagpapaandar
ng makina kundi ang mga may ari ng makina.
Malaki
ang pinag unlad ng ating lipunan sa mga nag daang taon, pero wala paring pag
babago sa ating paligid, marami paring mga nakakalat na basura, mga maruruming
ilog at kapag may bagyo ay nag kakabaha dahil sa pag putol ng mga punong kahoy sa
mga kagubatan at kabundukan, mga sasakyan na nakapagdudulot ng polusyon sa
ating kapaligiran. Sa kabila ng pag unlad ng industriya grabe parin ang
kahirapan ng ating lipunan.
Sa
masaganang pag unlad ng teknolohiya hindi paba nadidiskubre ang paraan para
mabuahay ang lahat ng masagana at may dignidad, kung ang sanhi nang kahirapan
ay isang mikrobyo, baka matagal nang nakaimbento ang gamot sa ganitong
epidemya. Pero ito ay hindi sakit na pwedeng silipin sa mikroskopyo o
pag-aralan sa laboratoryo ito ay hindi impeksyon o kalamidad na galing sa
kalikasan.
Ano ba ang
progreso, ang pag asa ng tao? Poaano ba ito umaandar sa kasaysayan ng tao.
Sa gubat
nagsimula ang kasaysayan ng tao, halos wala pang saplot sa katawan, normal at
pantay-pantay pa ang turingan ng mga tao ang pamumuhay ng tao sa kanilang
lipunan noon ay primitibo tulong-tulong, hati-hati sa limitadong produkto. Pero
nang matuto ang tao na gumawa at gumamit ng mga instrumento para sa ikabubuhay dito
na nagsimulang umangat ang ating katauhan at unti-unti nang nagbago ang pananaw
sa buhay. Ngunit ngayon kanya-kanya, nag aagawan sa ibat-ibang mga bagay dahil
sa kahirapan ng buhay, maraming gulo, at masyadong indibidwalisado. Siguro
dahil ganap nang sosyalisado ang paggawa ng modernong ekonomiya.
Ang
mga” kabataan daw ang pag asa ng bayan” ngunit ngayon taliwas na ito sa nakasanayan,
dahil sa pag kukulang ng gobyerno maraming kabataan ang hindi na nakakatapos ng
pag-aaral at maagang nag kakaroon ng mabibigat na pasanin sa buhay. Maraming
nangangailangan ng paaralan sa ibat ibang lugar sa ating bansa ngunit iilan
lamang ang may sapat na kagamitan dahil ito sa corruption sa gobyerno.
Ang
ating kalikasan ay napaka ganda, ngunit maraming tao ang umaabuso nito at
sumisira para lang mapag kakitaan kaya ito din ang sanhi ng pag baha at pag
init sa mundo.marami ng pinagbago ang ating likas na yaman noon ang mga gubat
ay masagana sa puno at malilinis pa nag mga ilog,ngunit ngayon kalbo na ang mga
bundok at kulay putik na ang umaagos na tubis sa mga ilog.
Isa
pa sa problema ng lipunan ay nag ating populasyon na nakakaapekto sa ating
ekonomiya kaya karamihan sa mga bata ay hindi man lang nakakatapos ng elemmentarya
dahil sa walang sapat na pera upang mapag-aaral ng mga anak, kaya pag dating ng
araw ay walang mahanap na maayos na trabaho kaya mas lalong lumalala ang
kahirapan sa ating lipunan. Kaya maraming tao ang nakakagawa ng mga bagay tulad
ng pagnanakaw at pag-aadik upang matakasan ang problemang dulot ng kahiran sa
buhay.
Ngunit
kung matututo lang mag tiyaga at magsikap ang bawat isa malalabanan o mapupuksa
ang kahirapan sa ating lipunan magiging masagana ang bansa, wala ng taong mag
hihirap at maguguton dahil wala ng makain at kung magiging maayos ang pag
papatakbo sa gobyerno. Sa kabila ng pag hihirap marami paring tao ang masaya
basta kasama ang pamilya at nananalig sa panginoon kahit na nahihirapan na sa
buhay nakukuha parin nilang ngumiti at mag pasaya ng ibang mga tao, dahil ito
nadin ang paraan nila upang malimutan ang kanilang mga problemang nararanasan
sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento