Martes, Pebrero 11, 2014

Tara, Mura Dito

Tara, Mura Dito
Leah Tenchavez

Mahilig tayo sa mura. Kung gaano man tayo kahilig sa mga mumurahin na bagay, ganun din ang pananalita natin. Iba't ibang klase ng mura. May mga murang halatang bad word, may mura na halatang walang ibig sabihin. Tamang nasabe lang. Mayroong may halong lambing kung magmura na parang maiisip mo bigla kung dapat bang mag-thank you pagkatapos. Tulad ng kapag sinabihan ka ng "tang ina ka, ang galing mo" mapapaisip ka pa kung magpapasalamat ka ba o magagalit dahil minura ka pa.Pasintabi po sa mga konserbatibo.

Nakakainis, nandito na naman ang kaklase kong wala na yatang ibang kinain kundi mura dahil iyon ang araw araw na inalalabas ng bibig niya. Malayo pa lang alam kong parating na siya,paano't naririnig ko na ang boses niyang pumuputakte sa mura at tawanan nila ng mga kaklase kong pinuputakte niya rin sa mura. Ay takte talaga. Ayan na siya..parating na."Syeeettt!! ang init sa labas!" nakaupo na siya.Pati ba naman pag-upo niya ay nakakapagmura siya."Uy tang*na mo bat di ka namamansin?" ayan na, namura nako. "Tae ano yan?? report mo??" eto pa ang isa na kararating lang din.Umagang umaga napapaulanan nako ng mura.Bwisit talaga."Ay g*go reporter nga rin pala ako!" sabi ng isa na lumapit na rin sa amin."P*tang Ina mo gumawa ka na!" grabe iyon ang pinakamatinding mura na narinig ko mula sa kanya sa araw na iyon.Takte hindo ko na talaga kaya,nagdudugo na tenga ko."Tanga! hindi report to, critical essay ko to.Tang*na iingay niyo!" sumigaw nako.Eh rinding rindi nako eh. Pag labas ko ng bahay hanggang dito sa kinauupuan ko laging umuulan ng mura sa paligid ko. Pati tuloy ako napapamura na din dahil sa kanila.Hindi naman talaga ako nagmumura eh.Ayokong ayoko nga ng mura pero ngayon madalas ko na siyang nagagawa..ano kasi eh..dala ng inis, hindi maiwasan..pag nakakapagmura ako kahit papaano nakakagaan sa pakiramdam.

Araw-araw naman nakakarinig ako ng mura.Noon naaasiwa talaga ako.Tingin ko kasi sa mga nagmumura,masamang tao,yung tipong laging buryo sa buhay,laging ang hamon ay away.Ganun ang tingin ko marahil kadalasan ang mga naririnig kong nagmumura ay mga matatanda,yung mga mamang malalake ang tiyan at may hawak hawak na bote sa isang kamay at sinisigawan ang taong nasa malayo na tila hindi na siya naririnig pero sigaw pa rin siya ng sigaw at nagpapa-ulan ng...mura.Yung dis oras ng gabe eh may sumisigaw ng malulutong na mura na mas malutong pa sa pinakamalutong na chicharon.Noon, makakarinig ka lang ng mura sa mga matatanda kapag galit na sila.Yung alam mong galit na galit na talaga.Yung kulang na lang sasabog na sila dahil namumula na sila sa galit.Pero ngayon, ang mura ay patok na rin sa kabataan,hindi nalalaos,araw-araw trending,subalit ang nakakagulat ay hindi lang sa galit pinapairal ng mga kabataan ngayon ang pagmumura,kahit sa biruan,asaran at kulitan nagmumura sila,parang for better and for worse..till death do us part ang peg.

Ang alam ko, hindi kasama sa pambansang wika ang pagmumura,ang mga mura na naririnig natin ngayon ay hindi naman sinasalita noon,wala namang nakasulat sa kasaysayan na nagmura si Manuel L. Quezon noong itinalaga niya ang wikang pambansa habang iwiniwika ang tagalog.Wala rin akong nabasang nagmura ang ating mga bayani dala ng sobrang galit nila sa mga mananakop.Kahit sa librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinuri pa namin noong hayskul, wala akong nabasang katiting na mura dito kahit bwisit man lang bagamat punong puno ito ng galit at paghihimagsik. Kaya't paano nagkaroon ng lugar sa mga pinoy ang pagmumura? Parang kasangkapang pandayuhan na dumating sa bansa na tinangkilik naman ng lahat ng pinoy lalong lalo na ng mga kabataan sa ating panahon. Ang mga pinoy nga naman talaga mahilig sa made in china.
Sabe nga nila,gaya-gaya tayong mga pinoy,laging sunod sa uso,kung ano ang napapanahon sinusubukan natin kaagad.At hanggang ngayon taglay pa rin natin ang Colonial Mentality na halatang halata naman sa tingin sa atin ng iba na gaya gaya. Kaya't malamang na nagaya lang din natin sa mga dayuhan ang kabalbalan ng bibig natin ngayon.Mga pinoy kasi,gusto laging magmukhang astig kaya't kahit masama, kahit malinaw na labag sa kaututsan ng Diyos na ang pamumura ay kabastusan sa nagkaloob sa iyo ng kakayahang magsalita,ginagaya pa rin natin.
Mura at mura.Magkasingtulad ng tunog at pagkakabigkas ngunit magkaiba ng kahulugan.Ang isa ay nangangahululugang "cheap" at ang isa naman ay "cuss".Ayon sa blog ni Abby Maravilla na Ang lumang Pluma: "Cheap lang ang minumura".Kung iispin nating mabuti,hindi talaga nagkakalayo ang dalawang salitang ito,sa halip konektado pa sa isa't isa.Kung tutuusin ang mga kaya mo lang din namang murahin ng harapan ay iyong mga kapantay mo. kapag mayroon ka namang mataas na posisyon ay parang isang malaking kasalanan ang pagmumura mo at malaki ring pagkakasala sayo kung mumurahin ka na lang ng basta basta diba?
Ngunit ang mura ay wala namang pinipiling tao,kung ano ang antas mo sa buhay, wala yan basta't natutunan mong magmura,mapapamura ka talaga. Naalala ko ang manager namin noon sa dati kong pinapasukan,kapag nagagalit yun ay papa-ulanan kami ng murang mas malutong pa sa kakaprito lamang na chicken skin.Kahit ang pinakamataas na namamahala sa lugar na iyon ay hindi rin tinanggihan ang pagmumura.
Kung mayaman nga nakakapagmura ng malulutong paano pa kaya ang mga may simpleng buhay tulad natin na araw araw ay may nakakasalubong ng kamalasan sa daan.Bilang estudyante, na bumabyahe araw-araw,andyan yung sasakay ng jeep at bigla na lang may mumurahin yung drayber ng g*go sa kabilang jeep.O kaya naman yung mga barker na pagdaan mo sa kanila ay makakarinig ka ng pagmumura,pero sinasabe lang nila ito ng mahina dahil ang minumura nila ay yung drayber na pa-tres tres lang ang bigay sa kanila. Minsan pa, pagdating mo sa eskwelahan at nakatiyempo ka ng propesor na matanda na, talagang maaabutan ka ng mura.
Ngunit ang napapansin ko,bakit kapag nagmumurahan kayo ng mga kabarkada mo ay parang wala lang? parang hindi nakakainsulto kahit malutong pa na P.I yan.Nagmumura kayo ng mga kaibigan mo kahit saan. Kahit nagbibiruan lang kayo o nag-uusap ng masinsinan kailangan may murahan. Para daw mas masaya, para daw mas epektib. Parang pagsasabi ng "Pakyu ka!" sabay tawa. Parang ang pagmumura para sa kabataan ay simpleng gawain na lamang,sasabihin kung kailan namin gusto,minsan nga wala kameng rason bakit kami napapamura,bigla na lang lumalabas sa bibig namin.
Nakakapagmura kami kapag nagagalit. Nakakapagmura din kami kapag masaya kami. Nagmumura kami kapag nahihirapan na kami. Nagmumura din kami kapag sobrang dali lang ng pagsusulit.  At kapag kami ay nagkukomento sa isang bagay, nagmumura kami.

Ang sarap magmura..ito malamang ang pangunahing dahilan kung bakit marame ang gumagawa nito. Bata,matanda,babae,lalaki,mayaman ka man o mahirap at kahit anung lahi ka pa, hindi mo maiiwasan ang magmura. Hindi ganap ang iyong pagkatao at walang kulay ang buhay mo kapag hindi mo nasubukan magmura. Sa dami ba naman ng hamon sa mundong ito..tignan natin kung hindi ka talaga mapamura. Iba sa pakiramdam ang pagmumura,parang sobrang lamig na coke na hagod na hagod ang lalamunan mo kapag uhaw na uhaw ka. Yung galit mo mailalabas mo lahat sa mura. Yung pagkakataon na sobrang galit ka na at tanging isang malutong na Putang Ina na lang ang masasambit mo at yun di mo na kailangan ipaliwanag kung gaano ka kagalit kase sinabe na lahat ng pagmumura mo.
Habang nasa pampublikong lugar ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na obserbahan ang mga taong nasa paligid ko na kilala kong madalas magmura. Nakakaenganyuhan nila ang magmura sa iba't ibagng kadahilanan. Napansin ko na kadalasan, ito ay impluwensya ng barkada o ng komunidad na kinalakihan nila. Narito ang iba't ibang kadahilanan ng kanilang pagmumura ayon sa aking obserbasyon:
Nagmumura ang mga katabi ko sa klase kapag nagagalit o naiinis sila, halimbawa kapag may naiwang id o project,napapa-shet sila.
Nagmumura naman ang lider namin para kumuha ng atensyon, pag nagmura ka kase napapatingin sayo yung mga tao, kahit ako, nagmumura na ako kapag sobrang ingay yung tipong wala nang nakikinig.
Naalala ko noon ang talamak na murahan sa dati kong pinapasukan, para sa kanila, hindi naman isyu ang pagmumura. Nakasanayan na lang nila ito.
At ang napansin ko naman sa mga tambay na kabataan sa amin, kapag nagmumura ka, ang magiging tingin nila ay siga ka, di basta-basta, kaya siguro nagmumura sila.
Ganito naman ang pananaw ni James V. O'Connor na isang eksperto sa wika: "Ang mga taong palamura ay karaniwan nang palaaway, mapamuna, mapanghinala, magagalitin, mahilig makipagtalo, at mareklamo." Sinabi pa ni O'Connor na ang mga hindi naman nagmumura ay "karaniwan nang kalmado, hindi pumapatol sa nakakainis na mga bagay na napapaharap sa kanila araw-araw". Ibig sabihin na ang gawain nating mga pinoy na magmura ay nakadepende sa kung anong ugali meron tayo.
Kahit ang ating banal na bibliya ay may pangaral din tungkol sa mga kabalbalan ng ating mga bibig. Sabihin na nating nagmumura ka dahil nahahawa ka lang sa iba. Pero ang pagtulad sa kanila ay nagpapakitang sumusunod ka sa karamihan at wala kang sariling paninindigan.
Talaga namang karaniwan na sa mga pinoy ang pagmumura, nagmumura ka, nagmumura ang mga magulang mo, kabarkada mo, pati titser mo. Para sa kanila wala namang isyu dito dahil bukambibig lang ito. Kahit saan nakakarinig tayo ng mura, siguro mga sensitibo lang naman ang ayaw sumubok nito.Sabi ng iba, okay lang na magmura basta't nasa tamang edad kana at alam mo ang mga pinagsasabi mo.
Pero sa panahon natin ngayon, sobrang dami ng kabataan ang maririnig mong walang patawad kung magmura, kahit sa harapan pa ng mga matatanda, keri pa rin nila. Grabe na ang evolution ng mga mura. Merong paksyet na pinagsamang fuck at shit. tang-ina na pina-ikling version ng putang-ina, isa sa pinakabrutal na kabalbalan ng mga pinoy. At ang buwisit naman, na ayon sa dating palabas ni bitoy na bilib ka ba, ang Bo ay wala, ang Wi ay damit at ang Sit ay pagkain sa wikang chinese na kapag pinagsama-sama ay mangangahulugang walang damit at pagkain.
Nung hayskul ako, "fuck you ka" ang madalas na gamitin ng mga kaklase ko, ginagamit namin ito kahit nagbibiruan lang. Shit naman ang ginagamit ng iba, parang nagpapakacool. Parang kidlat iyon na biglang lumalabas sa bibig natin. Tapos yung gadamit o damn it naman ang gamit ng mga pasosyal.
Trending sa mga kabataang pinoy ang pagmumura. Bawat galaw may kasamang mura. Bawat pangyayari at nararamdaman, nagmumura. Kadalasan kapag masaya, nagmumura kapag inlove." shet! mahal ko na ata siya.." kapag heart broken,napapamura din tayo tulad ng "tang-ina talaga, ang sakit ng nararamdaman ko huhu.." minsan nga ini-status pa natin sa mga social sites. Kapag nagugulat tayo o sobrang natatakot, yun sunod-sunod ang mura natin tulad ng "Ay gago! tang-ina anu yun?" Dahil sa pagmumura, gumagaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman namin, sa pagmumura kami umaasa na mabuhos ang lahat ng nararamdaman namin kesa naman umiyak na lang kami ng umiyak.
Sa totoo lang, hindi na tinatago ng mga pinoy ang kabalbalan ng bibig nila ngayon. Bulgar na bulgar na kung ito ay sabihin, talamak na rin kasi ang pagmumura sa media. Tulad na lang ng mga explicit lyrics ng Eraser heads sa kanta nilang "Lintik na pag-ibig". Isa ring halimbawa rito ang sikat na kanta ng Parokya ni Edgar na Pare ko: "O Diyos ko, ano ba naman ito, diba tang*na, nagmukha akong tanga.. pinaasa mo lang ako..letseng pag-ibig to.." o diba punong puno ng pagmumura. Hindi lang sa musika laganap ang takteng pagmumura na yan, mababasa iyon sa gawa ni Bob Ong na Macathur. Kung walang mura ang mga linyang ito, malamang walang dating, walang impact effect sa mambabasa. Sabi nga ni Patrick sa isang sikat na sikat na cartoon show na Spongebob "Its a sentence enhancer. You just springkle it all over the sentence to give it a little spice!" Kung iisipin nating mabuti, halos lahat ng mga murang ito ay hind nagmula sa wikang tagalog kundi mga wikang dayuhan bilang ebidensyang naiwan sa mahigit 300 taon nilang pananakop sa atin.
Kailangan nating magmura paminsan minsan para mawala ang stress o mabawasan ang bigat ng pakiramdam natin. Madalas natin ito marinig sa linguwahe ng totoong buhay. Kasama sa anger management na kailangan mailabas natin ang galit para hindi maipon..nakakagaan kasi talaga ng pakiramdam ang pagmumura.Pansin niyo pag nakakapag-mura tayo nakakapagtimpi tayo.
Nakahalo na sa kultura natin ang pagmumura,nagiging expression na nga lang eh. Lahat kase ng damdamin kayang-kaya natin lagyan ng mura. Sa lipunan natin ngayon, kugn ano ang hindi kaaya-aya yun ang sikat. Pag nagustuhan ka nila at cool ka, tatawagin ka ng kung anu-ano.Kaya madaling makasanayan ang pagmumura.
Kung open-minded ang mga tao sa paligid natin, pwede tayo magmura, pero kung hindi, pwede din naman tayong hindi magmura. Mahalaga din kasi na inilulugar natin itong pagiging impormal natin minsan. Para hindi tayo maging cheap sa ibang tao tignan. Sa isang tao kasi mahalaga pa rin ang reputasyon at respeto sa sarili.
Pero sa kinatatayuan ko ngayon, kung saan nakapaligid sakin ang mga kaibigan kong bisyo na ang pagmumura, nakakaenganyo talaga ang magmura, mas masaya ang barkada dahil alam namin totoo kami sa isa't isa. Mas maganda ng harap-harapan kaming nagbabarahan kesa naman sa matinong usapan na may kasama namang plastikan.

Tang ina diba? J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento