Martes, Pebrero 11, 2014

BAKLA AT TOMBOY



BAKLA AT TOMBOY
Abigail Abejuela

Girl, boy, bakla, tomboy. Pelikulang naghatid ng ngiti sa ating mga labi,na pinangungunahan ni Vice Ganda. Lingid sa ating kaalaman na siya ay isang o maga lalaking nagbibihis babae at kilos Maria Clara. Ngunit minsan ba naisip natin kung saan nagmula ang “bakla at tomboy”? Samantalang nakasaad sa banalna aklat na babae at lalake lamang ang nilikha ng Diyos. Marahil nakapagtataka,nakakapagtanong,nakakalilto ang isyung ito. Ang mga bakla at tomboy ay nabibilang sa mundo ng homosekswal. Ito ay pagnanasang sekswal ng indibidwal sa kanyang parehong kadarian dulot nito ang pagbabago ng kanyang pag-uugali, kilos, pananalita maging sa pananamit natulad ng ng katiwasan niyang kasarian. Sinasabing ang isang tao ay maaring maging bakla o tomboy dahil sa impluwensya ng kanyang kapaligiran na unang nagsisimula sa tahanan hanggang sa lipunana knyang ginagalawan.
       Hindi na malaking isyu ngayon sa bansa ang kasarian o sexual preference ng isang indibidwal. Tanggap na ito ng lipunan, bagamat meron pa ring ilang grupo o sektor ang hanggang ngayon ay hindi matanggap-tanggap ito.Dahil nga sa meron pa ring pagkokondena at hindi pagkatanggap sa kanila, maraming kaso ng mga bading at tomboy ang nananatiling nakatago.  Hindi lang sa hanay ng mga ordinaryong tao kundi maging sa mundo ng politika, showbiz, law enforcement at maging sa simbahan. Isang patunay ang negosyanteng si Joel Cruz na nagmamay-ari ng Aficionado perfume. Dahil sa halimuyak ng kanyang pabango isa na siyangngayong bilyonaryo at talaga namangtinatangkilik ang kanyang produkto hindi lamang dito sa pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang nagmamay-ari naman na pinasikat na salon sa bansa ni Ricky Reyes ay isa pang patunay. Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Vice Ganda? Hindi ba’t palong palo ang kanyang mga banat at halos magawit ang mga panga natin sa kahahalaklak? Si Aiza Seguera na tinuturing child super star noong dekada’80 ay patuloy nating hinahangaan bilang artista at mang aawit.
       Sa mga bansang gumagamit ng Ingles, karaniwan at katanggap-tanggap ang salitang "gay" upang tukuyin ang isang homoseksuwal. Sa Pilipinas, "bakla"' ang karaniwang katumbas ng homoseksuwal, ngunit sumasakop din ang salitang ito sa ibang oryentasyon seksuwal na sa istriktong kahulugan ng salitang homoseksuwal(na eksklusibong atraksiyon sa katulad na kasarian) ay hindi kabilang dito. Kabilang sa tinatawag na bakla ang mga biseksuwal (silahis), transeksuwal, mga kilos babae, at minsan ay ang mga malamya kumilos. Tumutukoy sa taong may magkatulad na atraksiyon sa parehong babae at lalaki ang biseksuwal. Samantala, transeksuwal ang tawag sa mga taong tinuturing ang kanilang sarili na kabaligtad ng kanilang kasarian. Ang oryentasyong seksuwal ay nararamdamang atraksiyong sekswal samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian ay paghahayag ng nararamdamang kasarian na kinabibilangan. Bukod sa salitang bakla, ang mga binabae(babaeng kumilos) na kinabibilangan ng mga transeksuwal at nagdadamit babae(crossdresser) ay tinatawag ding "binabae", "bading", "siyoke", "sirena", "beki" at iba pa. Ang mga bakla naman na kumikilos lalake ay tinatawag na "paminta" mula sa pa-men o pa-min na nangangahulugang "nagpapakalalake". Ang tomboy na iba ang kahulugan sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos ay ginagamit sa Pilipinas para sa mga lesbiyana o mga babaeng may atraksiyon sa kapwa babae at sa mga lalaking transkekswal (ipinanganak na babae). Kaya maraming natatanong kung namana ba nila o gusto lang nilang maging bakla at tomboy?

        Sa tingin gusto lang nila hindi naman namamana ang maging bakla at tomboy. Ba’t kaya hindi nila matanggap pinanganak silang babae at lalaki ba’t kailangan pa nilang magpalit ng kasarian anong magagawa nila ginawa sila ng Diyos na ganun ang kasarian nila. Hindi mo rin naman sila masisisi kung gusto nilang maging bakla at tomboy hindi mo rin naman masisisi ang Diyos kung bakit ka ginawa na ganun yung kasarian mo, hindi mo rin madidiktahan ang Diyos kung ano ang binigay na kasirian sayo pasalamatan na lang. Kaya maraming simbahan ang tutol sa same sex marriage dahil ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae, hindi ang babae ay para sa babae at ang lalaki ya para sa lalaki, oo sa mata ng tao ay okay lang yun pero sa mata ng Diyos hindi kaayaaya tignan. Pero kailangan pa rin natin silang intindihin dahil ayun ang gusto nila, pero marami ring na nagpaparetoke para maging babae at lalaki sila pero meron din namang bakla at tomboy na hindi binabago ang parte ng katawan nila, hindi naman daw kailangan baguhin ang parte ng katawan para maging babae at lalaki, basta alam ng mga tao na bakla ay tomboy sila kahi papano naman daw ginagalang pa rin nila kung ano ang binigay ng Diyos sa kanila atleast daw naramdaman nila na kung pano maging babae at lalaki. Hindi naman kailangang pandirian sila kahit papano naman tao pa rin naman sila. Kahit iba man ang kanilang kasarian may damdamin din silang nasasaktan. Pero sana kung ayaw nilang mabastos wag nilang gawing kabastosbastos yung sarili nila puwede namang kumilos sila ng tama na alam nilang hindi sila mababastos. Ako sa akin hindi ko rin gusto na may nakla at tomboy sa mundo pero para sakin naman buhay nila yan kaya wala akong magagawa kung gusto man nilang maging bakla at tomboy. Kahit anong bago nila sa parte ng katawan nila mag palagay man sila at magpabawas man sila ng king anu-ano sa katawan nila wala pa rin magbabago babae at lalaki pa rin sila. Hindi na rin naman mapipigilan ang damdamin nila. Siguro nalulungkot ang Diyos dahil sa parami ng parami ang pagiging bakla at tomboy ngayon sa mundo. Pano kaya kung gawin din satin ng Diyos ang ginawa niya sa Sodoma at Gomorra na winasak niya ang lungsod na yun dahil sa pagdami ng bakla at tomboy at patuloy na paggawa ng mga ng mga kasalanan ng mga tao dun sa lungsod. Pano kung wasakin din ng Diyos ang mundong ginagalawan natin dahil sa pagdami ng bakla at tomboy ani kayang mangyayari satin? Nilikha ng Diyos ng maayos ang mundo at nilikha din yayo ng Diyos na maayos sana man lang ipagmalaki at ipangalandakan natin ang ibinigay na kasarian sati ng Diyos. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento