Martes, Pebrero 11, 2014

Opo nga ba Father?

Opo nga ba Father?
Mharlyn Torres Linchangco
Nanay, tatay gusto ko tinapay. Ate, kuya gusto ko kape. Ang dating  laro noong mga bata pa tayo. Kumpleto rekados na kasi, may nanay na, tatay, ate, kuya pa .Happy family lang ang dating. Pero paano nga ba bumuo ng isang masayang pamilya? Paano ito sisimulan ng dalawang taong nagmamahalan? Ano nga ba ang mga sangkap para sumarap ang samahan? Haynako! Ang dami kong tanong!. Tara explore na lang tayo. Vammonus! :P
One day isang araw, paglabas ko ng bahay naming ay may naimagine ako. Feel ko nasa farm ako ng mga bata. Sobrang putok kasi yung populasyon ng mga bata samin. Sa paglalakad ko, Shingg! May lumipad ng kaldero akong nakita! Shit! Astig! May pakpak na pala kaldero ngayon. Ay mali! May naghagis pala na babae sa asawa niya. Ang rinig ko nambababae daw si mister! Hmm, ang lansa nun ah! Kawawa naman si misis. Tingin ko ang lalim ng pinanghuhugutan ng babae. Tsk! Dapat ang mag-ASAWA pinaguusapan ang problema, hindi yung brutalan. Ay teka! Hindi pala sila mag asawa, mag-PARTNER lang sila sa buhay. Ang chika kasi live-in lang sila hindi kasal. Ano nga ba pinagkaibahan nun? Tara throwback muna tayo. Nung panahon ng mga tanders dapat bago mag sama ang dalawang nagmamahalan, kasal muna bago sama. Dito nga sa Pilipinas parang batas yun eh! Dapat kasal talaga muna. Big deal sa lahat ang marriage. Ano nga ba yun? KASAL, isang pagiisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Pagtatali ng puso sa harap ng mga saksi(Hindi literal na pagtatali ng puso ah!)sakramento at basbas ng ating panginoon. Sabi nila ang kasal daw ay isang pundasyon ng dalawang nagmamahalan. .Hindi naman pwedeng isang pitik lang eh pwede mo ng magawa ito. Mahabang proseso at mahabang listahan din ng gastusin. Gown, Venue, Church, Reception, Theme color pa. In short, gastos talaga. Isang dahilan din to ba’t yung iba ayaw ng magpakasal. Ay may mura palang kasal at very affordable! =) yung kasalang bayan, kaso madalang na lang talaga maganap yun. Sabi ng mga napagtanungan kong mga kasal na sobrang saya daw at ang sarap sa feeling kapag kasal ka na. Eh bat nauso ang divorce at annulment? By the way, yun nga pala yung proseso ng paghihiwalay sa legal na pamamaraan. Sa sobrang curious ko nagtanong-tanong ako. Halos lahat pare-pareho ng sagot. Dahil nga daw kailangan ito at nakasanayan na. Mga sagutang ganun feel ko hindi pa din tayo malaya. Karamihan din kaya nangyayari lang ang kasal sa dalawang partido eh kasi kabilugan na ng buwan. Nung mga tipong nakalunok ng pakwan. Nakakaasar lang talaga isipin na yung iba pinagpipilitan lang magpakasal dahil sa mga ganitong eksena. Ano to matulak lang gogow na! tapos pag napagod ayawan na. Nung iba naman no choice kasi pamilya niya na nagdedecide kung kanino siya ikakasal. Nung isang napagtanungan ko keri lang naman daw na live-in na lang para less hassle, Live-in yun yung pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan sa ilalim ng bubong at ginagawa ang mga Gawain ng mga mag asawa, Sa madaling salita parang naglalaro ng bahay-bahayan pero in serious mode. Ano nga ba pagkakaiba ng kasal sa live-in? Eh parehas din namang nagmamahalan diba? Ayun nga sa live-in kasi walang basbas ng diyos na nagbibigkis sa kanila. Sa iba ang dating ng live-in imoral. Ang hard ano po? Maka-imoral wagas, eh umiibig lang din naman sila. May nabasa akong kwento share ko na din sa inyo. Taon na rin daw ang pagsasama nila at sa totoo lang ang tatag ng pagsasama nila. Samahang husband at wifey talaga ang peg. Kung ano yung mga pangyayari at mga ginagawa ng mga mag-asawa ganun din sila. Ang pagkakaiba lang talaga live-in partner lang sila kung tawagin. Lagi silang masaya sa bawat minuto ng kanila buhay, samahang bestfriend, tropa, nanay, tatay at kapatid na ang turingan nila. Nice talaga! Tapos parang kape lang ang forte 3 in 1. Wala silang kaibigan masyado at tanging silang dalawa lang palagi ang nagdadamayan. Mag-away man sila pero minimal lang at nasosolve din aga. Pero ang ramdam ni girl kahit parang picture perfect na, may kulang pa din. Yun! Hindi kasi napag-uusapan ang kasal. Alam niyang hindi siya niloloko o anuman ng partner niya. Kaya naglakas loob na siyang magtanong kung bakit wala pang kasalang napaguusapan. Yun pala ayaw talaga magpakasal ni boy. How sad! =( Nakakalungkot mang isipin, may mga ganung tao talaga na ayaw magpatali. Pero kahit ganoon nung sitwasyon nila, nangibabaw pa din ang pagmamahalan nila at hindi yun naging hindrance para maghiwalay sila. Happy pa din! =) Sa totoo lang hindi naman na bago yang live-in sa lipunan natin. Usong-uso nga yun eh! Paano ginagawang hobby ang sex, pati kabataan, Nako! #1 sila diyan. Masarap talaga sa umpisa yan. Mapapa hmm, ahh ka :p Pero pag andyan na yan wala na di alam gagawin. Para sa kanila laro na lang talaga ang pag-aasawa. May isa pang dahilan ang live-in. Yung mga nasa 3rd sex society. Dito sa Pilipinas kasi bawal sila magpakasal. Imoralidad tingin ng mga tao. Kaya wala silang choice kundi maglive-in na lang talaga. At ang pinaka-hard, nung mga taong kasal na pero natagpuan ang tunay na pag-ibig sa iba. Kaya kapit na lang sila sa kabet system. Sa totoo lang sobrang daming dahilan kung bakit naglilive-in and dalawang magkasintahan at hindi ko na ito maeenumerate. Minsan may magandang dahilan kung bakit  sila nagsasama, pero kadalasan delubyo lang ang resulta. Dito samin para talagang may factory ng mga bata sa sobrang dami nila. Syempre inalam ko kung bakit. Ayun bingo! Isang dahilan ang live-in o` pagsasama ng maaga. Mga taong nagmamadali sa mga pangyayari sa buhay nila. Mga maagang nabuntis, mga single moms (o inano lang). Masakit isipin na basta-basta na lang iniiwan ang mga dakilang ina. Paano alam nilang hindi sila hahabulin nito kasi nga hindi kasal pwede pa daw maghanap ng iba. Isa lang ito sa  masamang epekto ng pakikipag-live-in. Nung iba ang dahilan kaya daw nagsasama muna sila eh para daw makilala muna ang isat-isa ng mabuti para daw sa huli walang pagsisi kapag nasa punto na bet na nilang magpakasal. Pero teka?! Pwede mo namang alamin ang ugali kahit hindi magkasama ah. Kung totoong pagmamahal ang handog mo, kaya mong iaccept lahat ng pangit sa kanya. Nung mga tipong kapag umutot ka walang tunog pero sobrang baho (silent killer :p), mabaho paa mo, may putok ka, pag-gabi kung makahilik wagas. Tapos kapag tumae ka kailangan mong pasingawin yung banyo ng mga 2 oras para mawala yung amoy. Kung lahat  ng mga yan matatangke mo, Ay puta! Tunay na pag-ibig na nga ituu!. Mga ganyan dapat ikasal na yan! Tas bigyan na din ng jacket! Sa mundo, wala namang madali eh, ultimo nga sa pagsaing may proseso. Parang kasal. Lahat may kaakibat na mga consiquences Ang kasal hindi yan arcade na pag hinulugan mo ng token eh game na tas pag na dead wala na. Dapat ito ay pag-iisipan ng 100 times bago ka mag-desisyon. Para sa huli maenjoy mo. Kailangan girl scout and boy scout always ready.

            Ang kasal at live-in ay sobrang layo sa isat-isa. Parehas man sa konseptong nagmamahalan. Iba pa din kapag may kasiguraduhan. Kapag kasal ka secured ka financially lalo na pag bigtime asawa mo.` Tsaka may assurance ka na ikaw lang talaga. walang iba. Pero ang totoo? Di mahalaga ang mga yan. Pinaka-mahalaga eh kung paano niyo ihahandle ang fidelity at till death do us part. Kung paano kayo tutupad sa sinumpaan niyong pangako sa harap ng diyos. Kung sa iba formality lang ito at papel lang, pero sa mata ng iba at ng diyos ito ay sagrado. Isang sumpaang sagrado at panghahawakan habang-buhay. Ang kasal hindi ibig sabihin nito ay SAKAL, kundi ito ay LAKAS ng dalawang taong tunay na nagmamahalan upang makabuo ng isang masaya at kumpletong PAMILYA. Kaya kung dumating ka man sa harap ng altar, dapat hindi “Opo nga ba Father?” kundi dapat ang masasambit mo ay walang pag aalinlangan na “Opo Father. MAMAHALIN KO SIYA KAHIT ANO PA SIYA”  at sa huli sabay sabing “Yan lord, HE`S THE ONE” =)

1 komento:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin