Martes, Pebrero 11, 2014

KAPAG PINIGIL LALONG NANGGIGIGIL

“KAPAG PINIGIL LALONG NANGGIGIGIL”
Arielle Joyce F. Espejo
            BABALA: BAWAL BASAHIN ANG SANAYSAY NA ‘TO. Pero dahil makulit ka at masarap ang bawal at higit sa lahat pinoy ka, babasahin mo ‘to. Tama ba ko? O mali ka? “Bakit masarap ang bawal?” Katanungan mula sa isang brand ng alak. Ano nga ba ang mahiwagang kasagutan sa likod ng katanungang ito? Pasaway na alak, binigyan pa tayo ng problema.
            Ang mga bata, kapag sinabihan mong “Wag! Bad yan.” Itinutuloy pa din nila? Bakit kaya? Simple lang, “CURIOUSITY” Pinagbabawalan mo sila, syempre mapapaisip at magtataka sila kung bakit, kaya ginagawa pa din nila. Isa pang bagay, sabihin mong wag silang kumain ng kendi at kung anu-ano pang matamis, gagawin at gagawin nila, minsan nga pagtataguan ka pa wag lang sila mapagalitan.
            Kung di ka pa gumagawa ng bagay na “bawal” di ka pinoy, eh? Pinoy nga lang yata yung nakita kong pinagbawalan mo na, tutuloy pa din (pwera lang sa ibang lahi na makulit talaga). Kaya nga “IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES” eh. “BAWAL UMIHI DITO”, kung saan pa yung mga lugar na may ganyang signboard, dun pa yung pinaka-mapanghe.  “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO”, dun pa yung parteng pagtatapunan ng mga tao, eksakto pa sa arrow nung signboard (mapang-asar). Di mo first time makakita ng damo, pero nakakagigil talagang tapak-tapakan kapag may nakalagay na “KEEP OFF THE GRASS”. Habang naglalakad sa isang sikat na park, “Uy roses, makapitas nga para sa girlfriend ko.” Di natin sya masisisi, susuwayin nya yung placard na “DON’T PICK FLOWERS” kung tag-tipid sya o wala lang talagang anda.
            Sa mga tindahan naman sa labas ng schools may mga naka-paskil na, “NO SMOKING” Pero mas mausok dito at doon mo din matatagpuan lahat ng estudyanteng nag-ditch sa klase, kung minsan nga may mga nag-iinuman pa, at ang mas malala, may mga nagwe-weeds pa (ang saya diba!) Pumasok naman tayo sa loob ng eskwelahan, sa bawat pader may naka-lagay na “NO VANDALISMS”, pero napapalibutan ito ng mga salitang “bhosxk chicqana”, “III-Rizal is the best!”, “I luv u hon qoh”, “Nena, walang panty”, feeling ng mga estudyante freedom wall ‘to, lahat ng hinaing dito binuhos, nagmimistulang public diary ang pader na bagong pintura ng Boysen. Sa bawat corridors naman ng school, nakalagay ang “NO LOITERING”, pero sige pa din sa tambay ang mga estudyanteng walang klase. Tara! Pasok tayo sa library, shet! Bakit parang may nagpa-party kahit may naka-paskil na “SILENCE PLEASE!” Uy, ayun yung librarian oh, patuloy sa pag-suway kahit mukha ng tanga, (ganyan kase sa dati kong school, ginagawa nilang clubhouse yung library, tambayan nila ‘to pag late at kadalasan dun tumatambay kapag tinamad pasukan ang isang subject.)
Kadalasan naman nating mababasa sa mga bangketa eh yung “BAWAL MAGTINDA DITO”, medyo katanggap-tanggap pa yung pagsuway dito, dahil napakahalagang sangkap sa negosyo ang lokasyon, masisisi ba natin sila kung doon dagsa ang tao? Ikaw kaya ang magtinda ng mga gulay sa gitna ng bukid, wish ko lang makabenta sila maski isang kilo.        
Pagdating naman sa kalusugan, dito! Dito mas madaming pasaway. Kapag meron kang rashes o minor skin condition (TARAY!) o sa mas madaling salita bungang araw at kurikong, at sinabihan kang wag ito kamutin o kutkutin, dito ka pa mas gigil na gigil kamutin to gamit ang kuko. Para naman kay nanay, tatay, lola ‘t lolo, sinabi na ni doc na bawal sila sa ganito at sa ganyan, sige pa din! Masyado silang nagpapabata. Bakit ba kasi ang sarap ng mga mamamantika? Pero, may mga dahilan yung ibang tao kung bakit nila ginagawa ang bawal, sampol na dito yung malalakas mag-yosi na biglang dinapuan ng sakit sa baga, di natin sila masisi sa kadahilanang di ‘yon ganoon kadaling pigilin. Kapag sinabi naman ng teacher nyo na “EYES ON THE BOARD, LEND ME YOUR EARS” dun naman kating kati yung dila mong mag-kwento tungkol sa crush mo. (Ayiie, landi!)
Di lang naman sa panahon natin naumpisahang gawin ang mga bawal eh, teka, may sampol ako dito: Ayon sa isang kuwento sa mitolohiya, isang babae ang binigyan ng isang kahon at sinabing huwag bubuksan iyon at dahil siya ay nagtataka sa bilin minabuti niyang buksan ang naturang kahon. At sa pagbukas niya ng kahong iyon lahat ng negatibong bagay ay lumabas, galit, pagkainggit, kasamaan, sakit. Umiyak siyang nagsumbong sa kanyang asawa at pinakita niyang muli ang kahon. Sa pagbukas niya rito isang bagay ang lumabas mula kung saan . Wala siyang nagawa at magsisi man siya hindi na muli pang nakapasok sa loob ang mga bagay na umalpas na. Marahil isang katangian ni “Pandora” ang nasa sa atin din. Madalas tayong mag ekspiremento sa buhay. Testing ‘ika nga. Sa bawat pagpasok natin sa buhay na kung saan tayo ay nag-eeksperimento, hindi natin napapansin na maraming buhay ang naapektuhan.
Sa kasalukuyang panahon, di ko alam kung bakit madaming bawal, pero sa pagkakaalam ko, isa lang talaga ang bawal, ang kumain ng forbidden fruit. Iisa lang pala ang bawal, bakit di parin nasunod? Bakit di napigilan ni Eba na kagatin ang prutas? Kasalanan ba talaga niya? O pakana ito ng kupal na ahas? Dapat ba ay binantayan siya ni Adan? Nagblush ba sila noong first time nilang narealize na sila’y naka hubad? Nagkaroon ba ng kuliti si Adan?
Teka nga, 3rd page palang to, 5 pages pala hinihingi ni sir. Marami pa tayong pag-uusapan tungkol sa bawal, kung bakit naman kase kapag tayo’y pinipigil lalo nangigigil? Hindi lang basta marami ang bawal, may responsible places ‘to, kagaya na nga ng mga nauna kong nasabi, meron sa kalusugan, paaralan, kalsada at kung saan-saan pa.
Dako tayo sa “PAG-IBIG”, bakit kapag bawal na sige pa? Sampol: “PAKIKI-APID”, daming movies na puro ganito ang topic, mas masarap ba pag may asawa na? (yung totoo?) May isa pa, yung pre-marital sex? Diba, sobrang ipanagbabawal ‘to, pero sadyang mapangahas ang mga kabataan, di pa kasal, tumitirada na, kaya ayan, anong resulta? Batang ama, batang ina, kawawang mga bata, maagang namumulat sa responsibilidad nang dahil sa masarap na bawal.
Bago ko tuldukan ang sanaysay na ‘to, nandito ang ilan sa mga kasagutan ng taong tinanong ko tungkol sa “masarap na bawal”:
Kaya masarap ang bawal kase hindi ito pwedeng gawin. mas madaming sinusubukan gawin ito kase gusto nilang maiba ,sumikat,mapansin,hangaan o kahit ano pa. May mga tao naman na gusto lang nilang subukan magkakaiba man tayo ng gusto sa mundo pero bawat isa ay may dahilan kung bakit nila ginagawa ang bawal.” –ROMEL RAYMUNDO
Kase ung kangkong naging kamatis” –MARCO SIMBULAN (Sya yung may pinakamagandang sagot ano po? :D)
“Kasi yung fact na alam natin na bawal ito, nacucurious tayo at na tetempt na gawin o subukan ito. Also may thrill kapag ginagawa mo na kasi nga bawal. Masarap ito because of the feeling na alam nating bawal ito pero nsa isip natin ay okay itong gawin, in addition may behavior ang tao na kapag nakita nyang ginagawa ng iba ay cool kaya may chance na gumaya sya.” –RHEA CHRISTINE HERANGCO
 “Ano ba naman yang topic mo! Kasi challenging, yun na ‘yon.” –CAROLINA GARCIA
“May thrill kasi sya pamangkin!” –MARILEN GARCIA
“Kasi mas may thrill gawin ang bawal kesa sa hindi. Exciting!! At mas gusto natin yung adventure e. And specially EXPERIENCE SEEKER kasi tayo.” –LALAINE NICOLE DAWAL
Pansin ninyo mga sagot nila? Napakasimple, parang yung linya lang ni Kim Chiu sa latest movie nya, “Isn’t it amazing? Isn’t surprising? Isn’t exciting? ISN’T IT?” Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala, isa ko sa biktima ng masarap na bawal, sa sobrang pagmamadali ko, tumawid ako agad kahit may nakapaskil na, “BAWAL TUMAWID DITO, NAKAMAMATAY”, malas ko lang.. Kaya eto ko, nag-hihintay pagbuksan ni San Pedro ng gate. Hays. Cool no? So gagawa ka pa ba ng bawal? >;)

 Sa panahon ngayon, napakaraming bawal, kaya di pwedeng di mo masusuway maski isa sa kanila. Sabi nga nila, parang raffle daw, “the more entry, the more chances of winning.” 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento