Martes, Pebrero 11, 2014

SHARE, LIKE o FRIENDS?

SHARE, LIKE o FRIENDS?
Giela Jumalon
May mahigit 10 taon na mula ng dumating sa buhay natin si Friendster na nakakapag grab ng pictures, minsan pa nga nanghihingi pa ng “testimony” sa mga kaibigan para magkaroon ng ibang laman ang profile. Hanggang sa dumating ang iba’t-ibang klaseng themes na kapag magaling at matiyaga kang maghanap ay makakakuha ka ng unique na background ehh. Tapos dumating si Multiply, Myspace at si Facebook na sa una ay hirap na hirap pa akong gumawa ng account dahil kaylangan mo munang iverify sa yahoomail mo bago tuluyang magamit ang Facebook. At di pa sila nakuntento may twitter pang sumunod na kung meron ka ay mala-artista ang peg mo, hanggang nasundan pa ni Google Plus, Instagram at kung anu-ano pa.

Unti-unting nagbago ang makakaintindi at paggamit natin sa Social Media mula sa pagpapahayag ng damdamin, pagpopost ng ginagawa, kinakain, pupuntahan. Ginagamit na din ito para mapakita ang ibubuga natin sa buhay gaya nalang ng gadgets,bagong sapatos, damit, bag na branded. Pati na rin kapag nakakain ka sa mamahaling restaurant ay ipopost agad-agad minsan yung mismong pagkain pa yung ilalagay, sabi nga ni bitoy sa isang gag show “bakit?! Mabubusog ba kami sa mga pinost niyo?! Paki explain.” anyways balik tayo, nagagamit na rin ang Social Media sa mga negosyo at sa pagpropromote ng mga produkto na nagpadali ng buhay ng marami saatin lalo na yung mga taong abala sa trabaho at walang oras para pumunta pa sa mall.


Mayroong 21,759,280 na Pilipino ang gumagamit ng Facebook nuong 2011 at kinilala rin ang Pilipinas bilang isa sa mga “Social Media Capital” sa buong mundo nuong 2012. Imagine! What a great achievement! “..choss..!!” Maraming  Pilipino ang natutulungan ng makabagong teknolohiyang ito mapabata man o matanda kaya nga masasabi ko itong “triple P” pinalawak, pinadali, at pinatipid.

Ang social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon na nagdulot ng mabuting bagay para saatin. Marami tayong nawitness na pangyayari nuong isang taon na halos lahat ay nainvolved ang Social Media gaya nalng ng halalan, mga kalamidad at iba pa. Ngunit sabi nga ng marami saatin ay “ang sobra ay nakakasama rin.”
Nagiging problema lang naman ito kapag mas pinipili mo mag computer kesa sa mga tunay mong barkada dahil sila ay sinasabihan ka ng masasakit na salita may kasama pang batok habang sa mundo naman ng Social Netwoking Sites puro “LIKE” ang matatanggap mo kahit walang sence yung post mo. Hindi rin naman maaalis saatin ang mag pahayag ng damdamin sa sarili nating account ngunit kung  inaabut ka ng mahigit 15 minutong pag iisip ng ipopost mo, tapos iniisip kung ano nalang ang sasabihin ng ibang tao tungkol saiyong post, gaya nalng ng ipopost mong quotation pero iniisip mo na baka matamaan yung ex mo o kaya baka hindi magustuhan ng tropa mo. Hello!! Account mo kaya yan! Bat yung ibang tao yung iniisip mo?!?! Ang isipin mo dapat ay kung ano man ang nakalagay jan ay ikaw ang responsible kaya laging tandaan  “think before you click.” O kaya naman ipopost mo yung pagiging sawi mo sa pag-ibig para kahit papano mabawasan yung sakit ng puso mong duguan, subukan mo kayang kausapin si papa Jack baka sakaling damayan ka pa niya!
Meron pa! tayong mga Pilipino ay natural na pala kaibigan at makikita rin yan sa Social Networking Sites natin, yung tipong kaibigan ng kaibigan ng pinsan ng kuya ng ate mo ay kaibigan mo na rin sa FB mo. O kaya naman yung mga friend ng crush mo ay pinagaadd mo na rin! Hindi natin alam na makakasama pala satin yun dahil ayon saking pananaliksik, mas marami tayong kaibigan sa Social networking sites ay mas lalo tayong naiistress kasi mayroon tayong iba’t-ibang ugali at uri ng kaibigan merong jologs, konyo, gangster, kikay at sakto lang kaya maguguluhan tayo kung pano umarte sakanila.

Ilan lamang po yan sa mga dahilan ng pagkaadik natin sa Social Media na kung hindi maaagapan ay pwedeng mapunta sa malalang karamdaman. Alam niyo ban na maituturing na ring mental disorder ang pagkaadik sa Social Networking Sites.
Ang social media ay isa lamang sa naglalaawan na iba na ang henerasyon ngayun lalang-lalo na sa mga kabataan pero sana wag nating kalimutan na meron tayong tunay na kaibigan na masasabihan at masasandalan sa lahat ng problema. Maaaring hindi nila “like” yung mga pinagsasabi o pinaggagawa mo sa buhay pero nakaTAG ka sa puso nila habang buhay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento