Kristine Joy Aguilar
Isa ang
Pilipinas sa mga bansang may malaking populasyon at sa pagdaan ng panahon ay
patuloy ang paglobo nito.Isang salik dito ay ang pagsabak ng mga kabataan sa
premarital sex nang hindi gumagamit ng natural at artipisyal na family planning
na nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae na may edad na
13-18. Ang sanhi nito ay ang kakulangan sa kaalaman sa mga tamang gawain dahil
mababa ang antas na pinag-aralan. Ang mga kaibigan ang kadalasan nag-uudyok sa
mga kabataan na gumawa ng maling desisyon,kasama na din dito ang premarital sex
na nagsasanhi ito ng maling landas. Ang kahirapan din ang sanhi ng problema sa
pamilya na siya namang nagdudulot ng pagrerebelde ng kabataan.Ang
internet,telebisyon etc. ay dahilan ng pagkamulat ng kaisipan ng mga kabataan
sa sex,hindi ito maiiwasan dahil patuloy ang paglaganap ng impormasyon ukol sa
sex. Ang emotional blackmail ay ginagamit ito ng mga kalalakihan sa kababaihan
kung saan napapatunayan ang pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang
pagkasira ng kinabukasan ay ang mga maagang nag-bubuntis ay maaring magdulot
nang sapilitang pagtigil ng kabataan sa pagpasok sa paaralan,Ang sapilitang
paghinto ng pagaaral ay nagdudulot ng pagkasira ng magandang kinabukasan.
ANO NGA BA ANG SEX PARA SAYO?
Marami nang
kabataan ang nahuhumaling sa sex. Ayon sa pananaliksik ,isa sa tatlong kabataan
ang ginagawa ito. Pero ano nga ba ang sex? Ano ang nakukuha nila sa premarital sex?
Ang premarital sex ay isa sa kinasasangkutan nang mga kabataan na magkarelasyon
kahit hindi pa sila kasal.Curiosity ang nagtutulak sa mga ito upang gawin ang
mga bagay na hindi pa dapat gawin. Sila na mismo ang humahanap ng paraan upang
masagot ang kanilang mga katanungan.Ngaun karamihan sa mga kabataan ay ang maagang
pagpapakasal dahil din sa premarital sex.Pero may maganda bang maidudulot ang
pakikipag sex? Ang iba sinasabi ito ay nakakatanggal nang stress. Ang iba ay
nagpapapayat daw ang pakikipagsex.
DAPAT NA NGA BA IPATUPAD ANG EDUKASYON
SEKSWAL?
Satingin koang
pagkakaroon ng edukasyon sekwal ay hindi naman makapagpapalala sa sitwasyon ng
Pilipinas. Para sa akin, maaaring magkaroon ng konting posibilidad na maghatid
ito ng masamang epekto sa mga kabataan. Subalit, depende na ito kung paano ito
naintindihan ng isang tao. Naniniwala akong, mas malaking posibilidad na maghahatid
ito ng mabuting epekto. Mas mabuting matutunan ng mga kabataan ang mga
bagay-bagay patungkol sa pagtatalik. Malalaman nila kungano ang kahahantungan
ng kanilang buhay kung sakaling gawin nila ito. Naniniwala akong magsisilbi
itong gabay sa ating lahat.
Ngunit ang iba
ang hindi nais na ipatupad ito dahil ang Edukasyon sekswal na iyan ay maraming
kabataan ang namumulat kung ano at papaano gagawin ang pakikipagtalik dahil na
rin sa mga natututunan ng mga ito sa paaralan.
Ang pagtuturo ng
sex education sa elementarya at high school ay hindi pa ganap na tangap ng
publiko. Sa kadahilanang marurumihan daw ang isip ng mga ito kesyo hindi pa daw
ito napapanahon upang ituro sa kanila.Ang kapangahasan ang bunga ng kuryosidad,
kuryosidad na unti unting pumapatay sa sa pagkatao ng mga kabataan. Kuryosidad
na nagbubunga upang tangkilikin ang mga pornopograpiyang materyales na nag-uudyok
sa kanila upang gawin ang premarital sex.
Ang pagkakaroon ng awareness programs tungkol
sa edukasyon sa sex at kung papaano mahahawakan ang adolescent period ng mabuti
ay makakatulong ng malaki para matigil ang pagkakaruon ng maagang pagbubuntis
at ang pakikisuong ng mga kabataan sa premarital sex.
SAAN NGA BA DAPAT MAGSIMULA ANG
EDUKASYON SEKWAL?
Ang pagtutupad
ng Sex Education sa ating mga paaralan, ay isang napaka-sensitibong bagay. Pero
kailangan parin itong magsimula sa kani-kanilang mga Tahanan, bagamat napaka
"awkward" man kung inyong sabihin ngunit sa mga Magulang pa rin kung
paano ito ituturo sa kanilang mga anak. Dahil, mas may kapangyarihan ang mga
Magulang kaysa sa mga Guro.Naniniwala ako na ang magulang ay may malaking
responsibilidad sa edukasyon ng ating kabataan pero hindi nangangahulungang
aalisin na natin ang paaralan para dagdagan at palalimin ang kanilang mga
itinuturo. Hindi natin inaalis ang responsibilidad sa mga magulang na magturo
sa kanilang mga anak. Tungkulin ng bawat isa at lipunan na sagutin ang parang
inosenteng katanungan ng mga bata sa larangan ng sekswalidad..Ngunit, ang
paaralan ay isa sa pinaka-epektibong pamamaraan upang maging bukas tayo sa
usapang "Sex". Aminin man natin na lahat tayo ay nagigising kapag ito
na ang ating pinaguusapan. Ngunit, laging tandaan na ang Guro ay may malaking
responsibilidad sa pagtuturo ng Sex Education. Nasa Guro kung paano niya ito
maitatalakay NANG HINDI KATAWA-TAWA, dapat sa isang SERYOSO at MAINGAT na
pagtatalakay o usapan sa loob ng kanyang klase.
Ngayon
mainit na ipinagbabatehan ang RH BILL ngaunit ang simbahan ay tuto ditto. Ano nga
ba ang RH BILL? Bakit kailangan ito ipatupad? Ang Reproductive Health
Bill ay isang panukala na isa pa ring mainit na isyu sa ating bansa hanggang
ngayon. Hindi magkasundo ang ating pamahalaan at simbahan sa pagpasa ng
panukalang ito. Hindi sumasang-ayon ang simbahan sa mga nais ipatupad ng
RH Bill. Ang gusto ng RH Bill ay ipaalam sa mga mamamayan ang tamang
reproductive health care at tapusin ang isyu ng maagang pagbubuntis at
pagkalat ng mga sakit na nakukuha at naikakalat sa pamamagitan ng pagtatalik.
Gagawin nitong legal ang paggamit ng contraceptives at pagtuturo ng sex
education. Ngunit hindi sumasang-ayon ang simbahan dahil nakasisira daw
ito sa moralidad ng mga mamamayan. Dahil ayon sa bibliya sinabi ni
jesus na "go and multiply". Paano ito dadami kung gagamit ka ng
contraceptives? At higit sa lahat ang bawat tao ay may karapatang mabuhay,
...Iba-iba man
tayo ng pinaniniwalaan pero isa lang ang tanong riyan, dapat bang ipatupad ang
sex education?
“Believing that true love waits, I make
a commitment to God, myself, my family, my friends, my future mate, and my
future children to a lifetime of purity including sexual abstinence from this
day until the day I enter a biblical marriage relationship.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento