Bakit dalawa ang butas ng ating ilong?
Lalaine Asinero
Awoo!
Awoo! Oyeah zup zup kumusta kana tropa? Gusto mo ng istooooorya? Oohh cge ito na nga, ihanda
ang iyong mga mata at tenga para sa mga nag-aaaalab na istoooorya , yoow !
Ooooooooooops! Wait
lang, bago ko muna simulan ang aking istoooorya may tanong muna ako ito oooh-
hmmp! Bakit kaya dalawa butas ng ating ilong natin noh? Pwede naming isang lang
hahah pero ang pangit naman kung ganon magmumukha tayong tao jan ..hahaha ang
mga gorilya nga dalawa butas ng ilong nila tayo pa kaya diba ? arff arff- oh
cge , ito na talaga istooooorya nato promise! Honesto , promise!
Alamin muna natin ano
ang alamat ng ating ilong, saan nga ba ito galing? Isa, dalawa, tatlo –
sssssshhhhhhhhhhhhsssshhshhh!
Sa malayong lugar ng Tamala
ang mga tao dito ay masaya nagkakaisa at masayang namumuhay. Payak ang kanilang
pamumuhay maging ang kanilang pag-uugali. Ang kanilang mga pagkain ay kanilang
nakukuha sa paligid maging ang mga hayop at mga sariwang prutas at gulay na
kanilang napipitas sa paligid. Sa tuwing tag-sipol sila’t nag-alay ng kanilang
mga pagkain sa kinilang bathalang si ‘Milong’. Siya ang kanilang paniniwalang Diyos
na kung saan siya ang dahilan ng mga pagpapalang ito. May naninirahang
mag-asawa sa lugar na sina Mang Tino at Mang Pinay.
Isang araw nagulat ang
mga tao sa kinilang nayon dahil sa narinig nilang balita. “Asawa ko!” sigaw ni
Mang Tinona may tuwa at galak. Lumipas ang mga buwan si Mang Pinay ay nagsilang
ng isang batang masigla at malusog. Isinunod ito sa pangalan ng kanilang Diyos
na si Milong dahil naniniwala sila na siya ang may bigay nito. Sa paglipas ng
mga taon natutong mamulat si Milong sa kiyang kinalakihan na lugar. Sa hindi
inaasahang pangyayari napansin niya ang isang hayop na kung tawagin ay baboy.
Napansin niyang may kung anong bagay ang nasa mukha ng hayop na ito. Hinabol
niya ito ngunit biglang nawala.Dali-dali siyang umuwi ng bahay at nakita niya
ang kanilang ama. Itay! Itay! May na pansin po akong hayop na may kong anong
bagay ang nakalagay sa kanyang mukha na ang nakita sa gubat ng ako’y namasyal.”
Ikaw talaga anak kung ano-ano ang nakikita mo”- satsat ng kanyang ama. Wala
siyang nakuhang sagot mula rito. Walang lumipas na araw na hindi niya ito
naiisip lagi siyang pumupunta sa gubat upang muli itong masilayan. Sa kanyang
paghahanap siya ay napagod at nakatulog. Nanaginip siya at sa kanyang panaginip
ay nagpakita ang bathalang si Milong, itinanong niya ito. “nais ko pong malaman
kung anong hayop ang nasa mukha ng hayop na aking nakita, mula po ng makita ko
ang hayop na iyon ay nabatid kong may kulang sa aking mukha nais ko pong
magkaroon ng ganoong bagay na sambit niya”. Ngiti lamang ang sinagot sa kanya
ng bathala. Nagising si milong sa kanyang pagkakatulong. Umuwi siya na may
lungkot sa kanyang mga mata.
Isang umaga, nagulat
ang mga tao dahil may kung anong bagay ang nahuhulog mula sa langit bumagsak sa
lupa. Lumabas si Milong at naalala niya ang kanyang hiling sa bathala. Napansin
iyang kaparis ito ng nasa mukha ng hayop na kanyang nakita sa gubat. Walang
pag-aalinlangan ay inilagay niya ito sa kanyang mukha. Napansin ito ng kanyang
mga kanayon.Ginaya nila ito si Milong at simula noon ay tinawag nila itong
“ilong” ng mga tao. Mapapansin na ang mga tao sa ngayon ay may iba’t-ibang
hugis ng ilong dahil nahulog ito sa langit. Kaya’t may mga ilong na sarat,
pango at matangos. Sumasabit ito sa mga sanga ng kahoy sa mga ilog at sa mga
bato at lupa.
So alam muna tropa kung
bakit pango ka? Este bakit nagkaroon ka ng ilong. Tuloy natin ang istooooooorya
kung bakit iba-iba ang hugis ng ting mga ilong..
Maraming hugis ang
ilong ng tao, maraming mga isinagawang sa pag-uuri at paglilipon ng mga hugis
ng ilong.
Noong unang panahon
biglang nag-trip ang panginoon na magpaulan ng ilong para sa sangkatauhan.
Nangyari ang lahat sa tanghali tapat sa harap ng kubo ni Aling Bakat.
Dumalo ang
kanya-kanyang representative ang bawat bansa sa buong mundo. Andun ang mga
Amerikano, French, Intsik,Hapones at kung sinu-sino pa. Handa na ang lahat
maliban kay Totong. Si Totong ang nag-representa sa ating bansa. Nakapila ang
lahat ng lumahok ngunit si Totong ay natulog kaya’t natulong muna ito. Tinawag
na ng panginoon ang mga tao at dali-daling nagsitumpukan sa harap ng kubo ni
Aling Bakat. Sinimulan na ang pagpapa-ulan at nag-unahang makakuha ang
representative ng bawat bansa. Nag-unahang makakuha ng maayos at magandang
ilong ang mga taga ibang bansa at halos
naubos na ang lahat. Masayang nakakuha ang mga tao nang biglang magising
si Totong. Gulat si Totong ng malamang tapos na pala ang pagpapaulan at nang
pumunta siya sa tapat ng kubo ni Aling Bakat nakita niyang may natira ang ilong
sa lansangan. Nagulat siya sa nakita niya ang mga ilong na natira ay ang mga tinapak-tapakan na ng mga taga-ibang
bansa. Walang nagawa si Totong kundi damputin ang mga ito at angkinin.Salamat
kay Totong pango ang ilong natin.
Hahahaha kilala na
talaga tayong mga Pilipino na pango ang ilong natin, Okey lang yan! Pango man
tayo hindi naman pinagkait ngating panginoon ang kagandahan at kapogi-an,
agree? Hahaha palakpakan naman jan.
Hala! Teka nga medjo mahaba
na kwento natin pero hindi ko pa nasabi ano ang ibig sabihin ng ilong o nose,
aiiii hindi ko pala alam, alam mo ba, tropa? Kwento mo nga hahahha joke lang!
syempre staypot kalang jan ikaw muna pagsisilbihan ko ngayon, Cge ito na
!
Sa larangan ng
anatomiya,ang ilong ay isang tubo o bukol sa katawan ng mga vertebrate na
bumabahay sa butas ng ilong, na tumatanggap at naglalabas ng hangin para sa
paghinga habang katuwang ang bibig.
Biglang tulay-ugnayan sapagitan
ng katawan at ng panlabas na mundo ang ilong at ang mga kaugnay na istruktura
ay madalas na nagsasagawa ng mga karagdagang tungkulin ukol sa paglilinis ng
pumapasok na hangin at pinaka ang tungkol sa muling panunubig mula sa hangin
bago ito ilabas.
Ooooh see! Yun nay yun
tropa, ang kahulugan ng salitang ilong, ilong ha! Hindi talong !ano ba naman
yan kung saan-saan lumalakbay isip mo, hhahaha PEACE po .
Oh my geed! Tropa may
nakita akong booooger man !lol ,eww yucks naman .. hahaha sipon mo tropa ooh ,
tumutulo na nasa bibig na , yan sticky pa naman pwedi nayang pandikit, ipunin
mo nga yan gawin nating glueee ! hahha ang sarap mong pagtripan tropa ! hmmp ,
kasi ang lakas mo sa akin may trivia ako sayo… tungkol sa sipon o uhog at ang
madalas mong pangungulangot –
Ang uhog o sipon ay
malapot na bagay na binubuo ng mga musino, selula, asin, at tubig na pantakip
sa at pampadulas na lamad na musuka o membrano ng mukosa.ito ang madulas at
mamasa-masang dumi na nging kulangot o tumigas at natuyong uhog (booger) na
natatagpuan sa kahabaan ng lamad na mukosa ng ilong.
Ang pangungulangot ang
gawaing pagbunot ng kulangot sipon o dayuhang bagay mula sa ilong gamit ang
daliri. Tinatawag na rhinotillexomania ang di-mapigilang pangungulangot.
Hindi pa ako tapos
tropa punta naman tayo sa mga ilong ng mamalya, alam moba tropa na nasa lahat
ng hayop ang aso ang pinaka may matalas na pang-amoy kaya kung hindi
kapanakapagligo, maligo ka muna kasi naamoy ko na, eew! Ang baho..hahaha joke
lang tropa, wag mong damdamin.
Sa karamihan ng mga
mamalya ang ilong ang pangunahing organong ginagamit pang-amoy. Habang
sumisinghot ang hayop, dumadaloy ang hangin mula sa ilong at sa ibabaw ng mga
istrukturang kung tawagin ay mga turbinate sa loob ng puwang na pang-ilong. Ang
turbulensiya na sanhi ng kaguluhan ang nagpapabagal sa hangin at gumagabay
ditto patungo sa epitelyong pang-olpaktoryo.
Ang ilong naman ngating
mga katropapipz na elepante ay ganito ang alamat ….
Noong unang panahon ang
ilong ng elepante ay di katulad sa ngayon. Ang kanilang ilong ay bilog na
kasinlaki lamang ng butas. May isang elepante na laging nagtatanong ng
sino?bakit?saan?paano?ano?.. ang kanyang tatay,nanay,ate,kuya,tiya at tiyo ay
galit na sa kanya at binigyan siya ng isang malakas na sampal. Isang araw ang
batang elepante ay may bagong tanong, “nanay, ano ang hapunan ng buwaya?”,
tanong niya sa ina. “pumunta ka sa ilog at tanungin mo siya”, sagot ng ina at
sinampal siya para suwertihin. Dali-daling nagtungo sa ilog ang batang
elepante.nang dumating siya sa ilog ay may nakita siyang nakalutang na troso.
Bumuka ang isang mata
ng troso at kinidatan siya nito. (ito pala ay hindi troso). Gulat na gulat ang
batang elepante.”mawalang galang po!, ano po ang hapunan ng buwaya?”, tanong ng
batang elepante. “lumapit ka at ibubulong ko sa iyo”,sabi ng buwaya.
Lumapit ng malapit ang
batang elepante. Bigla siyang kinagat ng buwaya sa ilong. Ibig kumawala ang
elepante at sila’y naghilaan nang naghilaan hanggang sa makaalpas ang batang
elepante.nabinat nang husto ang kanyang ilong at ito’y hindi na bumalik sa
dati. Ang batang elepante ay may mahaba ng ilong.
Nang siya’y umuwi
sinampal niya ang kanyang tatay,nanay,kapatid,tiyo at tita ng kanyang mahabang
ilong. Sila naman ngayon ang nagtanong ng tanong.”saan mo nakuha ang iyong
magandang ilong?”tanong nila. Nang ikuwento ng batang elepante ang ginawa ng
buwaya lahat sila’y nagtungo sa ilog at ipinakagat ang kanilang ilong.
Arf,arf ang haba nang
istooorya kotropa noh? Wait lang lapit na okong matapos relax ka lang jan .ano
gusto kiss este pagkain? Hahaha ,tuloy muna natin ang aking istooooryaa… kilala
mo ba si Pinocchio tropa, yung may pinakamahabang ilong na kung
magsisinungaling siya ay lalong humahaba ang kanyang ilong.. aii,teka may
Filipino version na tau jan noh? Si Honesto ! Honesto Galang kakaiba rin yung
sa kanya kasi kapag siya ay magsisinungaling din mamumula ang kanyang ilong
parang mga reindeer ni Santa claus, Rudolf da rednose reindeer !hahaha , dami
talagang istooorya ng ilong pero ito lang masasabi ko kung bakit dalawa ang
butas ng ating ilong,ito yung sagot: dalawa daw yung
butas kasi kung nililinis natin yung isa makakahinga pa tayo gamit yung isa
pang butas , astig di buh? Hahha tama naman talaga, hanga talaga ako kay Juan,
kaya idol na idol ko to si Juan ee….
Yun nasagot ko na kung
bakit dalawa butas ng iyong natin, cge tropa, hanggang dito nalang ako kasi
nosebleed na ako sa kagwapohan moo… salamat sa oras tropa, hanggang sa muli,
lalabs yoooo again , muuuahh !
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento