Martes, Pebrero 18, 2014

Beki Paano Kayo Dumami?

                                                          Beki Paano Kayo Dumami?
                                                              (Lipunan o Karanasan)
                                                                  Jerico G. Lood

Masaya kaya siya? Sa palagay ko naman,Oo. Napag aralan niya ng kumilos ng maayos ayon sa kanyang kagustuhan. Noong una, alam ko nagulat siya ng magkakilala kayo at alam ko din na hindi mo agad siya tinanggap sa buhay mo. Marami siyang gustong itanong sayo kung bakit at san ka nagmula? Nagkapalagayan kayo ng loob at nagkasundo. Madalas kayong magkasama simula noon. Unti-unti kang nagbago simula ng dumating siya sa buhay mo. Kami,at ang lipunang iyong ginagalawan ay napansin ang pagbabagong nangyayari sayo. Marahil sa nakikita nila sa kilos at galaw niya, sa mga bagay na nangyayari sa kanya na hindi maipaliwanag kung bakit at paano? Sa paglipas ng panahon, naipon ang mga tanong sa kanyang isip..mga tanong na alam niyang sya lang ang makakasagot. Ang lipunang kanyang ginagalawan ang sumagot sa kanyang mga katanungan. Ang mga tao, ang kanilang malawak na imahinasyon ay nagbigay ng kanilang sariling opinyon sa mga bagay na napansin nilang pagbabago mo. Ang mga opinyon,kuro-kuro,kasabihan at pamahiin ay nakabuo ng bagong ideya sa isip niya. Ang lipunan, at ang mga taong nakapaligid sayo ay nang husga sa inyo batay sa kanilang panlabas na nakikita. Siya bilang isang indibidwal ay gagawa na paraan upang ang lipunan at tao ay magbago ang tingin at pananaw sa kanya maging sa katulad niya. Paano niya maipapaalam sa lipunan ang nagaganap sa kanya kung mismo ang tao ang may dahilan kung paano siya ginawa. Ikinulong ng tao..lipunan ang sarili mo sa kahong nilapatan ng bagong katauhan.

Ang mahigpit na hawak sayo ng lalaking iyon habang pilit niyang pinapagawa ang bagay na alam niyang hindi tama at labag sa karapatang pantao, ay nag dulot ng takot at kaba sayo. Sa edad na sampung taong gulang si Junior isang masayahing bata ay maagang namulat sa sekswalidad. Ang karanasang iyon na ginawa sayo ng kaibigan ng nakatatanda mong kapatid ay paulit-ulit na nangyari. Naisantabi mo na ang takot at kaba. Hindi mo na nagawang magsumbong dahil inisip mong walang maniniwala sayo sa kadahilanang ikaw ay bata pa.Inisip mo na baka magbago ang tingin sayo ng mga taong makakaalam ng nanggyari sayo. Habang lumalaki ka, ang pangyayaring iyon ay  nanatiling lihim. Ang karanasang iyon na paulit-ulit ay nagbigay kasiyahan sa pagkatao mo at hinanap ito ng katawan mo. Naging ilang ka sa mga kapwa mo lalaki at naging mas malapit ka sa mga babae. Pag tungtong mo sa high school ,nagkaroon ka ng maraming kaibigan at karamihan ay kababaihan. Si Alexis..ang matalik mong kaibigan. Lahat ng lihim nyo sa isat isa ay nasabi nyo na....tungkol sa mga crush at kung ano pang mga bagay. Ang tanging lihim mo na lng sa kanya ay yung nangyari sayo nung bata kapa...pero nahihiya kang sabihin sa kanya dahil baka mag iba ang tingin nya sayo.
Minsan isang araw habang masaya kayong nag-uusap...sinabi niya sayo na kahit na anong mangyari ang lihim na sasabihin niya ay kayong dalawa lang ang dapat makaalam. Siya,nanggaling sa isang respetadong pamilya. Panganay sa tatlong magkakapatid at nag iisang lalaki. Sinabi nya sayo na bawal malaman ng pamilya niya kung ano siya. Sinabi din nya sayo ang mga dahilan kung bakit hindi kaylan man pwedeng malaman iyon. Noong una naguluhan ako sa kwento niya at kung ano ba tlaga ang pinupunto niya.

Dahil sa nalaman mong bagay na iyon tungkol sa kanya ay naglakas loob ka na din sabihin kung ano ang iyong lihim. Dilat ang mga mata habang nakatitig sayo...sa mga labi mong patuloy sa pag sasalita. Ang mga matang iyon na nangungusap. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Iniisip mo na gumagawa na siya ng opinyon sa kinukwento mo sa kanya. Maaring mag iba ang tingin niya sayo...maaring hindi ka na niya gugustuhing maging kaibigan pa. Patuloy ka pa din sa pag sasalita na gunita mo sa isipan mo ang mga pangyayaring iyon. May mga tanong..paano kung hindi nangyari sayo yun...? paano kung noon pa lang ay hindi mo na inilihim yun..?, paano kung hindi ka natakot at sinumbong mo kung ano ang nangyari nuon. Wala kang maisip na sagot sa mga tanong na iyon. Malinaw pa din sa alaala mo ang mga bagay na iyon. Kaibigan ka niya huwag kang matakot kung ano ang sasabihin nya sayo. Nakayuko ka ng matapos mong ikwento ang lahat. Niyakap ka niya. Naramdaman mo ang haplos ng kanyang kamay sa iyong likod. Ang pakiramdam na iyon ay gumulat sa iyo. Naintindihan ka niya. Ang sandaling iyon,ang yakap niya sayo payapa at tahimik. Wala siyang binanggit na kahit ano. Naging bukas ang isip niya sa nangyari sayo. Katulad niya kung magiging bukas ba ang isip ng tao kung sakaling sasabihin mo ang nangyari sayo. Maiintidihan kaya ng lipunan? Maniniwala kaya sila na hindi ikaw ang may gusto sa nangyaring iyon. Sa kabilang banda, kahit na ganon ang nangyari may taong nakaintindi sayo. Isang indibidwal na hindi nang husga base sa panlabas na nakikita. Kinilala ka at nakinig sayo, sa mga bagay na inilihim mo at sa mga bagay na takot kang may makaalam
.
Pagdating ng kolehiyo, pumasok ka sa isang unibersidad na bukas ang pag iisip sa mga bagay na ''liberated". Marami kang nakilala at naging kaibigan. Pagkatapos ng klase ay nagmamadali kang makauwi, sa pagmamadali ay nakabunggo ka ng babaeng may mga dalang libro. Humingi ka ng paumanhin sa nagawa mo at sinabi mong hindi mo ito sinasadya at nangyari lang iyon sa pagmamadali mo. Tinanggap niya ang sorry mo pero agad ka ding nag paalam. Bago ka pa makarating sa tinutuluyan mo napansin mong kanina pa may nakasunod sayo. Huminto ka para malaman kung sino iyon. Si Ana, sinundan ka talaga niya. Siya yung nakabunggo mo kanina sa campus. Hindi na siya nahiyang lumapit sayo dahil tutal alam mo na naman din na sinusundan ka niya. Lumapait siya sayo dali pa din ang mga libro na kanina ay nahulog ng kayo ay magkabunggo. Gusto ka niyang maging kaibigan, may kung anong bagay sa isip niya na gusto niyang sabihin sayo. Nag uusap kayo habang naglalakad papunta sa tinitirhan mo na tanaw na ng iyong mata. Inimbita mo muna siya sa loob para makapag usap at magkakilala ng husto. Simula noon ay naging magkaibigan kayo. Madalas kayong magakasabay pumasok at maging sa pag uwi. Alam niya kung ano ka talaga. Kung ano ba talaga ang gusto mo. Marami siyang kaibigan na katulad mo. Sinabi niya walang pinanganak na bakla. Nagulat ka sa sinabi niyang iyon. Bumilis ang tibok ng puso mo...kinabahan ka at nagtaka kung bakit niya sinabi iyon. Paano niya nalaman ang bagay na inililihim mo? Nag patuloy siya sa pagsasalita.

Naglalakad kayong dalawa at masayang mag uusap ng bigla kang magulat sa sinasabi niya.May mga taong napilitang maging katulad niyo dahil sa saradong pag iisip ng lipunan. Walang taong ipinanganak na bakla. Tandang tanda niya pa ang kwento ng kaibigan niya na ngayon ay pinapakinggan mo.

Nakita kita hawak mo ang laruang manika ng kapatid mo. Masaya ka habang inaaliw mo ang kapatid mong babae na noon ay umiiyak. Mas gusto mo maglaro kasama ang mga babae ninyong kapitbahay. Kahit na madalas kang inaasar hindi mo na lang sila pinapansin. Tinanong mo ako kung tama ba ang ginagawa mo at kung may mali ba sa kinikilos mo? Pag uwi sa bahay, narinig mo na namang nag aaway ang iyong magulang. Sa isang tabi umiiyak ang iyong ina, masakit ang katawan sa pambubugbog ng iyong ama. Sandaling kinausap si ina at pagkatapos ay pumasok sa kwarto. Kinausap mo ma naman ako. Sinabi mo na ayaw mong maging katulad ni ama.

Pag pasok sa eskwelahan masaya kang nakikipag usap sa mga kaklase mong babae sa loob ng inyong kwarto, kilala ka na mas malapit sa mga babae at malambot kumilos. Tinanong ka ng mga kaklase mong lalaki. Bakit mas gusto mo silang kausap kesa sa amin? Hindi ka sumagot, natulala ka pero sandali lang yon. Habang naglalakad pauwi tinawag mo ako nagkwento ka at nagtanong. Bakit nga ba mas masaya kang kasamaang mga babae kesa sa lalaki?

Nagpatuloy ka sa paglalakad, sa di kalayuan may nakita kang grupo ng mga lalaki. Habang papalapit ka nalaman mo na binubugbog nila ang isa pang kabataang lalaki. Sa takot mo nag kubli ka sa likod ng puno, inisip mo na baka bugbugin ka din nila pag lumapit ka at pag tinulungan mo yung lalaki. Duwag! bakit nagtatago ka jan sa likod hahayaan mo na lang ba siya mabugbog don. Hindi mo ako pinansin at nag antay ka na lang hanggang makaalis ang mga kabataan. Tinulungan mo ang lalaki para makauwe sa kanila dahil sa sakit ng katawan,galos at pasa na dulot ng pambubugbog. Sa bahay agad kang naligo dahil nainitan ka sa paglalakad mula eskwelahan. Nagulat ka andon din ako sa banyo, kinausap kita bakit mo hinayaang mangyari yon? Alam ko natakot ka pero sana sunubukan mo muna. Sa banyo nakatulala ka sa salamin habang nagsisipilyo at nakatitig sa akin.

Lumipas ang taon lumaki ka na, matagal tayong hindi nagkausap. Ako na mismo ang kumausap sayo dahil malaki na ang pinagbago mo. Kinamusta kita dahil muka kang masaya sa suot mo sa katawan at ibat ibang kulay na nasa iyong mukha. Anong nangyari sayo bakit ngayon ka lang nagpakita sabi mo... Andito lang naman ako lagi kitang pinapanuod sa mga kilis at galaw mong hindi ko maintindihan sabi nya sa akin.

Nag madali kang sumakay ng jeep papunta sa trabaho. Sa loob ng jeep nakatingin sayo ang mapanuring mata ng lipunan, ang iba ay nakangiti na natutuwa, ang iba nakangiti na natatawa, meron ding dismayado na tila hindi masaya sa nakikita. Pero sa mga matang iyon may bukod tangi sa lahat. Mga matang malungkot, may pagdaramdam, masaya ngunit may suliraning itinatago. Pag sakay sa jeep bayad po sabi mo na ipit ang boses. Sa harap mo kasama ang ibang pasahero, may mag ina, isang teenager na babae suot ang kanyang uniporme, meron ding isamg matipunong lalaki na tila isang sundalo. At natatangi sa lahat isang matanda niluma na ng panahon ang kanyang balat. Makikita mo sa kanyang mata ang kalungkutan at kasiyahan sa kanyang ngiti. Nag katitigan kayo. "hindi mo na naman ako napansin dinedma mo ako, kaya bumulong ako...bakit ka nakatingin sa taong yan kilala mo ba sya?..ako kilala ko siya kagaya ko pinilit lang ng lipunan ang nangyai sa kanya hanggang sa nanahan na siya at mahalin ang buhay na meron siya. Para ho, hindi mo namalayan na malayo ka na at lagpas kana sa pinagtatrabahuhan mo. Pagbaba mo, naramdaman mong may kasunod ka. Bumaba din ang matanda na kanina pa nakatingin sayo suot ang hapit na damit dahil sa lapad ng kanyang balikat kahit na payat ito, hapit na pantalon sa patpatin niyang hita at binti at isang pares ng sapatos na may takong.

Sa kanyang paglalakad, napansin mo ang buong lipunan ay nakatingin sa kanya, maraming tanong sa isip may mga mapanghusgang tao na kanina pa nakatingin dahil sa di angkop na kasuotan ng matanda at hindi dapat sa katauhan niya. Katulad nila hinusgahan din kita, sa una kong tingin dahil sa kanyang kasuotan at sa kanyang kilos. Pag dating sa trabaho huli kana ng kinse minuto. Sumalubong at bumati sayo ang mga kasamahan mo kagaya mo din sila.."oo syempre kilala ko sila noon pa" lumipas ang buong araw sa trabaho at agad kang umuwi para makapagpahinga dahil na din sa pagod.

May sarili kana pa lang tahanan kahit maliit lang, nagrenta ka na lang dahil ayaw mo ng umasa sa magulang mo tutal kumikita kana naman sa trabaho mo. Sa iyong kwarto naka display ang mga litrato mo nong bata kapa.,mga laruang sadya mong itinabi dahil paborito mo itong laruin ng bata kapa. Pag upo sa kama nagpahinga ka muna, hindi ka muna nagbihis. Sa kaliwang bahagi ng dingding nakita mo ang salamin, kinuha mo ito at tiningnan ang sarili. Tumayo ka para kuhanin ang litrato mo na naka display sa lamesita. Tiningnan mo ito ng mabuti at tumingin sa salamin. "Mabute nakauwe kana, gusto mo ba ako makausap? Ok lang naman kung marami kang gustong malaman sayo at sa sarili mo.

Alam ko at alam mo na ang nilikha lang ng Diyos ay lalaki at babae. Dahil sa epekto ng mga nakapaligid sayo, sa mga tao na nakasalamuha mo pati na din sa sitwasyon ng pamilya mo at sa lipunang ginagalawan mo nag kakilala tayo ng hindi mo alam at basta na lang mahirap ipaliwanag pero dahil na din sa dikta ng lipunan. Lumaki sa pamilyang lagi sinasaktan ng ama ang ina kaya sinabi mo sa sarili mo na ayaw mong maging katulad niya na nanakit ng babae. Pag tinatanong ka noon at hindi ka makasagot kasi naguguluhan ka pa sa sarili mo kung ano ka talaga "identity crisis" siguro yan ang pakiramdam mo noon gusto mo hanapin ang sarili mo at kung bakit ka nagkakaganyan. Natatakot kang ipaalam ang totoo pero unti unti mong naintindihan ang tunay na ikaw. Kaya nong minsan kinausap kita ay iba kana ...nakita kita kung pano ka nagbago. Noong una nag alangan ka dahil dito sa lipunan sarado ang isip ng tao sa mga bagay na ganito. Nag padala ka sa agos ng lipunang ginagalawan mo. Hindi mo sila pwedeng sisihin kung bakit ka nagkaganyan,.pumayag ka sa dikta ng lipunan. Sa ginawa mong desisyon mas pinili mo akong makasama.Wala namang masama na naging ganyan ka, ang tanging bagay lang na magpapasama sayo ay kung gagawa ka ng ng hindi maganda na labag sa karapatang pantao mga bagay na magbibigay ng dahilan sa lipunan upang husgahan ka at magbigay ng maling pagtingen sayo. Lipunan ang gumawa sayo kinulong ka sa kahong binigyan ng bagong pangalan at sa paglipas ng panahon natuto ka ng mahalin at tanggapin ang sarili mo ang bagong ikaw. Sa loob ng kwarto hawak mo pa din ang salamin sa kaliwang kamay at ang litrato sa kanan..oo magkausap tayo.,kasama mo ako palagi. Nakatingin ka sa salamin habang sinasabi mo ang linyang ito. Oo alam ko at aminado ako...ako ay bakla.


Ngayon sa ating modernong lipunan may ibat iba ng katawagan sa amin. Bakla, shoke, bading, badap at ngayon ang beki mas tanggap ng lipunan at walang diskriminasyon.Unti unti na akong natatanggap ng lipunan. Dahil sa mga bagong imahe at personalidad na tumulong sa akin para ipakita ang sariling ako. Sa unti-unti nilang pag tanggap sa akin, sila na mismo ang kumilos upang mabigyan kami ng pansin at mawala ang diskriminasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento