MGA DAHILAN NG PAG-AASAWA
Almira T. Patigdas
Almira T. Patigdas
Sa mundong ito walang tao ang walang kasama sa
kani-kanilang buhay. Lahat ng tao ay naghahangad na magkaroon ng matatawag na
pamilya at asawa. Hindi matatawag na pamilya ang mag-asawa lang at walang
kasamang mga anak. Matatawag lang itong isang pamilya kung sa isang bahay ay
may mga anak at magulang. Lahat ng tao naghahangad ng ganitong buhay. May ibang
tao na mas ginusto pa nila ang mag-isa sa buhay, at walang asawa at anak dahil
walang gastusin sa buhay at walang kailangang alalahanin. Pero kung mag-isa ka
lang sa buhay mo, tingin mo ba magiging masaya kaba? May tutulong ba sayo at
mag-aalaga sa pagtanda mo? Sa tingin mo may ibang tao ba na tutulong sayo kung
may mangyaring masama sayo? May ibang
tao din na ang hinahangad ang magkaroon ng pamilya at mga anak na mag-aalaga sa
kanila sa pagtanda. At gusto din nila magkaroon ng asawa para may mapagtuunan
ng pansin at mapag-abalahan sa araw-araw. Ang iba naman na ang ginusto na
magkakaroon ng asawa at anak. Isa itong biyaya na binigay ng Diyos ang
pagkakaroon ng anak, para may makasama sa buhay hanggang sa pagtanda. Ang isang
tao ay naghahangad ng magandang buhay at masayang pamilya. Lahat gagawin para
sa kanilang pamilya, ibibigay lahat ang makakaya para mailagay sa maayos na
pamumuhay ang pamilya. Sa una palang, inaasam-asam na nang isang tao ang
pagkakaroon ng asawa, para may mabalingan ng ibang pagtingin sa buhay. Ang
pagkakaroon ng pamilya sa buhay ay isang napakabuluhan sa sarili.
Alam naman natin na sa mundong ating ginagalawan ngayon
ay halos konti na lang na kabataan ng matino. Sa panahon ngayon, sa edad na 15
ang kabataan ay nagiging Ina na. Ang mga kabataan ngayon ay nagmamadali sa
pag-aasawa. Madaming kabataan ang nagka-ganyan dahil sa napariwara sila sa
kanilang mga buhay. May iba naman ay galing sa wasak na pamilya kaya walang
magulang na nag-aasikaso at wala na silang mapupuntahan na karamay. Wala silang
mapagsabihan sa kanilang problema kaya ninais na nilang mag-asawa na lang para
may makasama sa buhay. Mayroon ding tao na hindi na gusto ang pag-aasawa dahil
sa pagbibigay nitong abala sa kanilang buhay. Gusto nilang mag-isa sa buhay at
walang alalahanin. Ang pag-iisa sa buhay daw kasi ay napakasayang buhay dahil
nagagawa mo na lahat ng gusto mo at mabibili mo ng kailangan mo sa buhay. Wala
kang pag-lalaanan ng oras kundi sarili mo lang alalahanin mo at kung may gusto
kang puntahan walang pipigil sayo.
May naka-usap akong isang tao tungkol sa tanong na “bakit
nag-aasawa ang tao?” At ano ang tunay na dahilan kung bakit nag-aasawa ang
isang tao? At ang pahayag niya ay “ang pag-aasawa ay isang napakasayang
karanasan sa buhay ng isang tao.Dahil dito mo makikita at masubok ang kakayahan
ng isang tao. Kung paano niya dadalhin ang kanyang pamilya sa pagharap ng mga
problema at mapangalagaan ng maayos. Dito mo mararanasan ang lahat ng sakit at
kasiyahan na mangyayari sa iyong buhay. Ang pag-aasawa kasi ay nagbibigay ng
pagsubok sa buhay, dahil dito mo mararanasan ang hirap at pait na mangyayari sa
buhay mo. Matututunan mo kung paano magpalaki ng mga anak ng maayos, paano mo
maalagaan at maibigay ang pagmamahal na hinahangad nila. Kasama mo sa buhay ang
iyong mga anak at asawa sa hirap man o ginhawa. Ang mag-asawa ay nagtutulungan
at nagmamahalan lalo na kung magkakaroon na sila ng anak. Dahil mas lalo nilang
patatatagin ang kanilang samahan. Magpupursege ang mag-asawa para maibigay ang
pangangailangan ng kanilang mga anak. Ang mga anak ang siyang nag-aalaga sa
magulang pag ito ay tumanda na.
Nang maka-usap ko din ang isa sa kaibigan ng tita ko
tungkol sap ag-aasawa, para sa kanyaang pag-aasawa ay para mag-gabay sa kanya
at nagmamahal sa kanya. Sabi niya na ang pag-aasawa ay ang daan para maging
makulay ang buhay at mabigyan siya ng importansya. Sa pag-aasawa kasi makikita
mo ang taong nagmamahal sayo at nagbibigay ng halaga sa buhay mo. Katulad sap
ag-aasawa ko, nakita ko ang taong tunay na nagmamahal sa akin. Naranasan kung
maging espesyal sa buhay ng ibang tao. Nasabihan akong mahalaga ako sa buhay
niya at hindi papayag na wala ako sa buhay niya. Ang sarap sa pakiramdam pag
may nagsabi sayo na isang tao sayo. Dito ko nakita ang pagbibigay importansya
sa isang tao. Sa buhay na aking nakalakihan, hindi ko naranasan ang pagmamahal
ng pamilya. Hindi ko man lang naramdaman na naging mahalaga ako sa buhay nila
at naging parte ng aming pamilya. Kaya naisipan kung mag-asawa nalang
nagbaka-sakali ako nab aka maramdaman ko sa ibang tao ang pagmamahal. Kaya sa
pag-aasawa naranasan kung maging espesyal sa buhay ng isang tao. Nakadama ako
ng pagmamahal na galling sa ibang tao. Para sa akin ang dahilan kung bakit
nag-aasawa ang tao para maranasan ang pagmamahal na hindi mo naramdaman sa
iyong pamilya at pagiging espesyal na
tao.
Sa tingin mo lang sa pahayag na ito kung bakit nag-aasawa
na ang tao, maiisip mo na agad ang sagot. Natural lang sa buhay ng tao ang
pag-aasawa. Madali lang sabihin na wala namang tao sa mundo ang hindi hinangad
ang pagkakaroon ng asawa. May ibang tao kasi na hinahangad nila mag-asawa dahil
gusto nilang magkaroon ng anak. At para din hindi na sila pipigilan ng kanilang
magulang para makipag-kita sa mga jowa nila, kaya pinasya nila na mag-asawa
nalang. Nangyari ang mga ganyan sa mga kabataan ngayon. Sa panahon ngayon ang
mga kabataan ang nagpalaki ng populasyon sa bansa. Dahilan lang sa kanilang
gusto na mag-asawa mg maaga para wala ng magawa ang kanilang mga magulang kung
saan man sila pupunta. Kung susuriin natin ang galaw ng ating populasyon
ngayon, ang kabataan ang may pinakamataas na bahagdan sap ag-aasawa ng maaga.
Madalas sabihin ng mga kabataan na dahil sa kanilang mga magulang kung bakit
nagawa nilang mag-asawa ng maaga. Hindi sila makagawa ng gusto nilang gawin at
maka-punta sa gusto nilang puntahan. May isa akong kaibigan na ganyan ang
nangyari sa buhay niya. Nag-asawa siya ng maaga at nabuntis ng maaga dahil sa
mga ginagawa ng kaniyang mga magulang sa buhay niya. Sa gulang na 18 nabuntis
siya dahil sa kaniyang magulang na kahit sa labas lang ng kanilang bahay ay
nagagalit, Wala naman siyang ginagawang masama at nakipagkuwentuhan lang siya
sa kanyang mga kaibigan na mga babae. Kahit galling sa paaralan, pag naka-uwi
ng wala sa oras yung nanay niya ay hindi na matigil sa kadadaldal. Noong nasa
15 palang siya ganyan na ang kanyang mga
magulang. Kahit may gawain sa paaralan, hindi siya pinapayagan baka kasi daw
san siya magpu-punta. Kaya nung 18 na siya nagpasya siyang mag-asawa na. Hindi
na niya kinaya ang ugali ng kaniyang mga magulang. Ang kaniyang magulang ay
walang nagawa sa desisyon niya na mag-asawa na. Sabi niya sa magulang niya na
kahit hindi madali ang pag-aasawa ay dito na niya nakita ang pagmamahal at
naging Malaya siya. Dito din niya nagawa ang lahat ng gusting gawin niya.
Iba-iba ang dahilan ng bawat tao kung bakit sila
nag-aasawa. May iba dahil sa kanilang mga magulang na mahigpit at ang iba ay
naghahanap ng pagmamahal at magbibigay ng halaga sa buhay nila. Hindi madali
ang pag-aasawa, dahil hindi lang sarili moa ng iisipin. Matuto ka ding magmahal
ng ibang tao at magpapahalaga sa buhay ng kapwa tao. Dito mo rin mararanasan
ang kasiyahan at kalungkutan sa buhay ng mag-asawa. Mali man o tama ang pasya
mo, ang pag-aasawa ang pinakamaka-buluhan na mangyari sa buhay ng isang tao.
Bilang isang tao sa mundo, pinapangarap natin ang mag-asawa at may makasama sa
buhay, na pwedi mong mapagsabihan ng iyong problema at kung kailangan mo ng
karamay sa buhay hanggang sa pagtanda mo. Yung mamahalin ka hanggang sa pumuti
man ang buhok mo at mag-aalaga sa iyo sa hirap at ginhawa sa buhay. Ang pagkakaroon
ng magandang pamumuhay kasama ang pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento