Martes, Pebrero 4, 2014

"Bakit nakakaadik ang yosi?

Bakit Nakaka-adik ang sigarilyo?
Mia Sarah Bernadette Baltazar

“Yosi pa?”

            Bakit napakaraming tao ngayon ang nahuhumaling na manigarilyo? Bakit napakaraming kabataan ang nalululong dito? Ano bang mayroon ito at bakit ito hinahanap ng masa? Bakit patuloy itong ginagawa sa industriya kung ito ay nakakasama sa ating kalusugan? Ano-anong pwedeng sakit ang maaring maidulot ng bagay na ito? Maraming katanungan ang bumabalot sa isang stik ng sigarilyo. Ika nga nila habang humihithit ka ng sigarilyo umuunti ang buhay mo.
            1. Ano ang kinalaman ng paninigarilyo sa altapres­yon?
Malaki. Ang usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng mga ugat at napag-alaman din na ito ay nakapagpapakipot ng mga ugat. Dahil sa bara o pagkipot, napupuwersa ang puso na bumomba nang mas malakas kaysa dati upang dumaloy ang dugo sa mga ugat.
Dahil dito, tumataas ang ating presyon. Ang mga ugat na naaapektuhan ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi o organo ng katawan tulad ng utak, baga, bato (kidney) at pati ang puso mismo ay nadadamay.
2. Bakit mahirap ihinto ang paninigarilyo?
Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina at ito ang sanhi kung bakit nawiwiling gumamit ang maraming tao nito. Ang nikotina ay isang kemikal na may nakakaengganyong epekto sa ating utak. Ang isang humihithit ng sigarilyo ay nakadadama ng kakaibang “high” – parang tumatalas ang isip at nakokondisyong magtrabaho. Maihahalintulad nga ang sigarilyo sa mga pinagbabawal na gamot.
3. Ano ba ang benepisyong makakamit kung ihihinto ang paninigarilyo?
Marami po. Tiyak na hahaba ang iyong buhay dahil gaganda ang lagay ng iyong kalusugan. Makakaiwas ka sa mga komplikasyon sa katawan tulad ng mga sakit sa baga (emphysema at kanser), stroke, at atake sa puso. Makakatipid ka rin sa pambili ng sigarilyo at mailalaan ito para sa ibang mga gastusin.
4. Ang pagtigil ba sa paninigarilyo ay makapagpapalakas ng katawan?
Oo. Kung wala na ang nakasisirang epekto ng sigarilyo sa mga ugat, magsisimula na itong kusang maghilom. Lalakas ang inyong puso, utak at bato dahil gaganda ang daloy ng dugo. Pati sex-life niyo ay titindi rin. Ngunit ang prosesong ito ay mabagal kaya mas mainam kung maititigil nang maaga ang paninigarilyo upang hindi na umabot pa sa lubusang pagkasira ng mga ugat.
sigarilyo-at-mga-larawan-nb16274.jpg
Ang mga sangkap sa sigarilyong / Components ng sigarilyo.
1. Acetaldehyde - pangunahing metabolic produkto ng ethanol sa proseso ng conversion sa suka acid. Ito ay isa sa mga ahente na responsable para sa hangover. Acetone - nasusunog nakatutunaw.
2. Hydrocyanic acid - lubhang nakapipinsala syanuro (hinaharangan ang pagtanggap ng oxygen sa dugo).
3. Acrolein - Component na nagiging sanhi ng masamang hininga sa iyong bibig.
4. Alkitran - nakakalason at carcinogenic substansiya na tumutulong sa pagbuo ng addiction. Siya hinaharangan ang Airways.
5. Ammonia - ginagamit sa kimiko mapanganib na mga produkto para sa paglilinis.
6. Arsenic - Component mataas na damaging - purong lason.
7. Benzopyrene - carcinogenic substansiya na tumutulong sa proseso ng combustion - ay gumagawa ng sigarilyo ay hindi malinaw.
8. Butane - kulay, amoy ngunit mataas na nasusunog.
9. DDT - Pesticides.
10. Dietilnitrosamina - sanhi ng pinsala sa atay.
11. Penol - karboliko acid na irritates at erodes aming mauhog membranes. Kung swallowed o inhaled ay nakamamatay! Bilang karagdagan sa pagiging unti-unti din ang nakakaapekto ang aming central kinakabahan sistema.
12. Formol - pormaldehayd.
13. Malakas na metal - lead at kadmyum. Isa ng sigarilyo ay naglalaman ng 1 hanggang 2 MG, sa gayon ay ang average na buhay ng mga sangkap ay 10 sa 30 taon, binabawasan ang kapasidad ng baga. Bukod sa iba pang mga problema rin maging sanhi ng: dyspnea, baga fibrosis, sakit sa baga, hypertension, baga kanser, prosteyt, bato at tiyan.
14. Methanol - metil ng alak ginamit bilang fuel para sa mga rockets at kotse.
15. Karbon monoksid - Gas nasusunog at balisang radioactive.
16. Naptalina - puting mala-kristal na substansiya, pabagu-bago ng isip, na may amoy antitraça.
17. Nikotina - isang alkaloyde na ito ay ginagamit din bilang insekto. Kahit na amoy ay ang aktibong sahog sa tabako, mga sangkap na nagiging sanhi ng addiction at kanser sa baga.
18. Nikelado - Warehousing sa atay at bato, puso, baga, buto at ngipin - nagreresulta sa kanggrenahin ng paa, magdulot ng pinsala sa myocardium atbp. 
19. Pyrene - Carcinogenic haydrokarbon - Ginamit bilang pampalasa.
20. Polonium - Labis na radioactive.


            Sa panahon ngayon marami ang sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo at nagpanukala ang pamahalaan na taasan ang buwis ng alak at sigarilyo,tinatawag itong Sin Tax na kung saan daragdagan ang presyo sa mga konsumer. Ito ang ilan sa nagging reaksyon ng taong bayan sa gamit ang Facebook.

Charles Josef Tayag kung hindi kayang itigil ang pagtinda nang sigarilyo, taasan na lng ang presyo nito pra atleast ma-minimize ang mga naninigarilyo kc dhil sa sobrang mura pati mga bata naninigarilyo na dahil kayang kaya lng nilang bilhin...
 Csdrive Extention Mas maganda taasan ang tax.. Para kunti nalang ang mga maninigarilyo at mga uminum nang alak.. Para kunti nalang ang nag kakasakit ... Thumbs up po ako dyan sa panukala nila .. God bless
Mylene C. Sioson SIN TAXES. Why not close the factory of Tobacco and Liquor Company, if this is really meant for securing or concern for the people, rather than increase the taxes when we all knows it will not stop this old habit just like that. Why make money out of that.
Edison Floresca Dapat nga eh tanggalin na yang mga sigarilyo na yan. Dulot lang lung cancer. Pati alak, pag lasing na nagiging masama. tsk tsk...
Joshua Razon Wow ha grabe ang goverment anu kau gus2 nio na2man mangurakot sa taong byan iba2nio muna ang mga blihn hnd puro kurakot anu slbi ng goverment kng puro kurakot lng ang alam


Aaron John Mendiola-Dela Cruz I think na tama lang na taasan ang tax sa sigarilyo at alak...kasi naman maraming tao na ang nalululong sa ganyang bisyo...ako i must admit na naninigarilyo ako dati pero itinigil ko...because the Bible says that our human body is the temple of God...so kapag sinisira natin ito dahil sa walang kwentang bisyo na yan eh sinisira din natin ang templo ng Diyos...instead na magbisyo ipunin na lang para may madudukot tayo in case of emergency...
https://www.facebook.com/pages/Bandila/112364625447378

            Ang sigarilyo ay isang bisyo na mahirap pigilan dala ito sa mga sangkap na nakapaloob rito, ngunit sa sobrang kaadikan natin ditto maraming sakit ang pwede nating makuha sa bagay na ito tulad ng

Kanser sa Baga: ay isang malignanteng pagbabago at paglaki ng mga tisyu ng baga. Ang mga sintomas po ng lung cancer ay. Kadalasan ay may ubo , Kinakapos ng hininga ,Ubong may kasamang plema na may sinyales ng dugo dito , Masakit pag humihinga o pag umuubo , Walang ganang kumain, Pagkapagod ,Bumababa ang timbang 
Ang hindi po masyadong common na sintomas ng lung cancer na kadalasang nakikita sa, Pamamaos ng boses,  Hirap lumunok,  Namamaga ang mukha at ang leeg , Masakit ang ilalim ng tadyang sa bandang kanan(galing sa baga) ,Pangangapos ng hininga dulot ng tubig sa paligid ng baga.
Sakit sa Puso: Isang sakit kung saan mas delikado ang puso na at pwede itong sanhi ng pagkamatay.

Emphysema: Ang sakit na ito ay isa rin sa kadahilanan ng paninigarilyo. Ang sintomas nito ay pagkahirap huminga.

            Ang paninigariyo ay hindi nagdudulot sa atin ng kabutihas bagkus dinadala pa tayo nito sa tiyak na kamatayan. Kaya dapat na itong tigilan at puksain at ihinto na ng mga Industriya ng sigarilyo upang mabawasan na ang mga taong namamatay ng dahil sa isang stik ng sigarilyo.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento