Martes, Pebrero 11, 2014

Kaarawan

Kaarawan
(Bakit ba natin ipinagdidiriwang ang ating kaarawan?)
Yumie Paghubasan
Kaarawan ito ay ang araw ng kapanganakan ng isa o ang anibersaryo ng araw na yaon. Sa ibang lugar, ang anibersaryo ng kapanganakan ng isang tao, lalo na ng isang bata, ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isang salu-salo at pagbibigay ng regalo.
Ang sari-saring kaugalian ng mga tao sa pagdiriwang nila ngayon ng kanilang kaarawan ay may mahabang kasaysayan. Pinagmulan nito ay nag-uugat sa daigdig ng salamangka at relihiyon. Ang mga kaugalian ng pagbati, pagreregalo at pagdiriwang noong sinaunang panahon, pati na ang kandilang sinindihan ay nilayon upang ang nagdiriwang ng kaarawan ay ipagsanggalang mula sa mga demonyo at upang matiyak ang kanyang kapanatagan sa susunod na taon. Ang kaugalian ng mga cake na may sinding kandila ay nagsimula sa mga Griyego. Ang mga kandilang sinindihan ay pagkakaloob ng mga kahilingan at parangal at pagbibigay galang sa sanggol na nagdiwang ng kaarawan.







Bakit nga ba natin ipinagdidiriwang ang ating kaarawan? Dahil nga ba ito ay common na o ito’y atin ng nakaugalian? Marami tayong pwedeng dahilan kung bakit natin ginagawa ito. Isa na dito ang pagpapasalamat natin sa Panginoon na umabot tayo sa taon na ito. At paraan din ito para maalala natin na may bagong taon na naman na nadagdag sa ating buhay na bigay ng Panginoon. Nagpapasalamat din tayo sa mga bagay na meron tayo and also on what we have accomplished. Ipinagdiwang natin ito dahil ito yung araw kung kalian tayo nabuhay sa mundong ito. At ito’y isang special na araw para sa atin because it is the only day of the year that we can call “our day”.
May bonggang party man o wala, may cake man o wala, may regalo man o wala o kahit ano pa, pwedeng-pwede tayong magdiwang ng ating kaawaran. Tulad nalang ng pagpunta sa simbahan at taimtim na magpasalamat sa poong maykapal. O di kaya ay magsaya ka kasama ang iyong pamilya o nang iyong mga kaibigan. Pwede pa ngang magdiwang kahit mag isa ka lang, depende sayo kung anong gusto mong gawin.
To recall our birth is to recall a new beginning. No matter how things went yesterday, or last year, we always have the capacity to try again. Dahil kahit pa bigo tayo noon, pwede pa natin ipagpatuloy ang mga misyon natin. And our birthday also is a refresher, a chance for regeneration-not just materially, but spiritually that connects our outer life ang our inner life.
Isang araw lang ito sa loob ng isang taon kaya dapat lang na magdiwang tayo dahil naniniwala ako na another year on this earth is worth celebrating. Kahit anong lahi ka pa, alien ka man o anong nilalang at kung saan ka man nanggaling ito’y ating ipinagdiwang. At history na din ang pagcelebrate ng birthday. There is no better way to celebrate a birthday than to commit a special act of goodness. Dahil sabi nga “such an act of kindness gives God great pleasure” kasi nakikita niya ang nilikha nyang tao na gusto niyang maisilang on a particular day. At syempre nagbibigay din ito ng greater joy sa ating mga magulang. Lalo na yung una nila tayong makita. Pero meron din kasing mga magulang na hindi masaya kasi ika nga nila “bunga ng pagkakamali”. Eh pakialam ba natin, basta magsaya tayo sa araw ng ating kapanganakan.
At diba masarap din sa feeling pag may bumabati sayo ng maligayang kaarawan? Dahil parang nagpapaalala ito na may bagong taon ka naman para mabuhay. And it is enough to say you are thankful; it is for better to show it by doing a kind deed, something that you did not do yesterday. At syempre masaya din tayo dahil God allows us to continue forward.
Pero mas pinaghahandaan talaga ang mga 1st,7th,16th, at 18th/21st birthday. Lalo na sa 1st birthday natin, dahil itong taon na to una tayong nasilayan ng ating mga magulang, specially kung panganay ka, usually bonggang handaan ito diba? Plus, it’s the day that we entered the world so. Sunod, 7th birthday, kasi dito tayo nagpeprepare sa mga basic na pag-aaral natin. Pwede kana ring lumabas ng bahay makipaglaro sa mga kapitbahay. Then 16th birthday, ito yung tinatawag na “sweet 16” lalo na sa mga babae. Kasi dito mas nagiging sweet ka at  matured na teenager. Marami na tayong alam sa mga bagay-bagay na hindi pa ayon sa edad natin. Lalo na ang mag kabataan ngayon, kahit sa murang edad nila alam na nila ang mg ganitong bagay. Dito rin tayo para bang dalagang-dalaga na kumilos pero minsan nag-iinarte na parang bata. ”Not a girl, not yet a woman” itong stage na ito. At ang panghuli ay ang 18th/21st birthday, dito nagiging dalagang-dalaga ang mga babae at binatang-binata na ang mga lalaki. Nagiging independent na tayo at mas matured na mag-isip. Dahil syempre marami na tayong napagdaanan at natutunan sa ating buhay. At sa edad na ito pwede na tayong bumuto. Tas diba requirements pag nag-aaply tayo ng trabaho ay kailaingan 18 and above.
May mga taong ayaw magcelebrate ng kanilang birthday. Dahil siguro may mga pangyayaring ayaw nilang maalala. Kasi minsan sa mismong kaarawan ng tao may mga nangyayaring hindi maganda. Kaya siguro yung ibang tao kahit dumaan ang kaarawan nila ay parang ordinaryong araw lang din. Meron din iba na ayaw ipaalala na kaarawan nila because they don’t like to be reminded of how old they are. Siyempre ganun naman talaga tayong mga tao diba. Pero anong magagawa natin kung ito naman talaga ang totoo, tumatanda talaga tayo. At tsaka, paano kaya natin malalaman kung ilan taon na tayo kung hindi natin ipagdiwang ang ating kaarawan. And it is our chance to remember the day that a major event occurred. At its time to give thank and to celebrate the fact that we have grown another year.
We celebrate birthdays to commemorate the day we were born. It has been a big thing among people for years, at yung iba pa nga they go all out while others don’t pay no mind to their birthday. Tulad nalang siguro ng ibang mga Muslim. May ibang mga Muslim kasi na hindi nagcecelebrate ng kanilang kaarawan. Aba kung ganun, hindi nila binibigyan ng importansya ang araw ng kanilang kapanganakan. So parang ordinary days lang sa kanila pag sumapit na ang kanilang birthday. Hindi nila ineenjoy ang araw nila. Eh pagkakaalam ko kasi lahat naman tayo nagdidiwang. Depende lang siguro yan sa kanila. Kasi may iba-iba tayong tradisyon kung paano natin ipagdiwang ang ating kaarawan. Pero usually kasi pag birthday ay may kainan o kaya’y party. Kahit swimming man ang trip mo, may kainan parin, kahit nga kung hiking man ang gusto mong way para icelebrate ito syempre may pagkain parin kasi gugutumin naman talaga tayo. Lalo na tayong mga pinoy, mahilig sa kainan. Kahit ano man ito o saan man ito gaganapin basta pagkain gora tayo jan. Kung gusto mo ng inuman for the whole day, aba pwede rin naman at may pulutan yan diba, kaya hindi parin talaga mawawala ang pagkain. At tsaka pag bata ang nagcelebrate syempre mga bata din ang invited. Yung iba kasama ang mga parents ng mga bata kasi syempre bata kailangan bantayan, baka sumobra sa paglamon at baka mapaano pa. At baka din magpasaway ang bata, tas imbes na mag entertain ng mga bisita ang mother ng celebrant aba ay maging tagasaway pa siya kung sakali,nakakaluka naman kung ganun diba. Kaya mommy o daddy bantay-bantay din pag may time . Dito naman tayo sa mga older celebrant, pag ito naman ang nag celebrate, all in one to, mapabata man o matanda. Pwedeng-pwede ka dito, kung invited ka nga lang. Nakakahiya naman kasi papunta-punta ka tas hindi ka naman pala invited. Kaya bawas-bawas din sa pagiging makapal ang mukha a. Joke lang! ikaw naman, nasa sayo lang yan kung gaano kakapal ang mukha mo. Kung gusto mo talagang pumunta tas hindi ka naman invited, magdala ka nalang ng regalo para sa celebrant. Pero kung pagkain lang naman pala ang habol mo, naks naman! Lupet mo pre, matakaw lang? yan tayo eh, o eh ganun talaga.
Pero yung iba cinecelebrate nila ito sa mga nangangailangan ng tulong. Lalo na yung artista, sila lang naman kasi ang kilala kong ganun, pero alam kong marami naman kaso hindi nga lang sikat. Ay basta ang importante, nakapagpasaya sila ng tao sa kahit konting bagay lang. Naipagdiwang nila ang kanilang kaarawan ng masaya at maayos na paaran. Kanya-kanyang trip kasi yan, kung gusto mo sa moon magdiwang, go lang ng go. Hindi ka naman namin mapipilit kung saan at kung anong gusto mong gawin sa araw ng kaarawan mo. Pero kung sa tingin mo nga lang na posibleng mangyari yan. Kasi kung imposible, ngee! Daydreamer lang nag peg? Ngunit tulad nga ng sabi ko, di kita mapipilit, no matter what susuportahan kita.
Nakakalungkot nga lang minsan kasi may may maganda ka ng plano para sa birthday mo tas biglang maging drawing nalang. Yun bang hindi totoo, yung parang hindi natuloy parang ganun. Kumbaga kung promise “pangakong napako”. Kasi nga maraming kachurvahan na dahilan kung bakit hindi natuloy ito. Katulad ng may nangyaring hindi maganda, may aksidente yung mga ganun-ganun pero ito talaga worst, nagkataon na walang pera. Yung walang-wala talaga, grabe saklap nito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naging “sad birthday” imbes na “happy birthday”. Hindi naman talaga natin maiiwasan ito, we can never tell kasi. Pero kung BDO ka, pwede mo mamagic ito kasi “you can find ways” oh see, basta think positive always.
Pero yung sakin talaga, ewan ko ba kung bakit, kung bakit kada birthday ko,Oo tama nga ang nabasa mo, birthday ko hindi birthday ng kaibigan ko eh mas mas lalo namang hindi mo birthday. Kasi nagkakataon talaga na walang pera. Hindi ko nga alam kung paano nangyari basta paulit-ulit nalang ang eksena pag palapit na ng palapit ang kaarawan ko. Tulad nalang noong 16th birthday ko. Ang dami-dami kong plano noon, ang gaganda ng imaginations ko tungkol sa 16th birthday ko. Yung bang pag-uwi mo sa bahay sosorpresahin ka ng mga kapatid mo. Wala kasi yung parents ko noong time na yun kaya mga kapatid lang.Kasi ganito yun, yung excited na akong umuwi sa bahay galing sa school kasi nga akala ko na isusurprise talaga nila ako. Syempre 16th birthday ko yun kaya dapat espesyal. Pero oo, nasurprise talaga ako, walang handaan, tas nag away-away pa noon ang mga kapatid ko,ang gulo-gulo ng bahay grabeh! Di ko nga napigilang hindi umiyak, buti nalang dumating bestfriend ko, binigyan niya ako ng regalo tas ayun kumain kami ng pancit canton imbes na spaghetti dapat. Pero wala talaga eh, hindi nga ako naigreet ng parents ko, kahit text man lang, wala as in wala. Kay nga napaisip ako noon na ang malas-malas ko naman. Hindi ko man lang nailibre mga classmates ko,hindi ko man lang naitreat bestfriend ko, hindi ko man lang nagawang pasayahin ang sarili ko sa araw ng birthday ko. Kasi imbes na “sweet 16”naging “bitter 16” talaga. Pero syempre iniwasan ko ng mag-isip na malas ako kasi porket walang handaan, porket hindi mo naitreat mga kaibigan mo, eh malungkot na birthday mo. Nasa sa atin lang talaga yun, on how we call our birthday that “its our day”. Basta’t magpasalamat lang tayo sa Panginoon and reflect upon how we are fulfilling our calling. And it’s a celebration that congratulate’s us of our age. What I mean is we celebrate our birthday because we have lived another year. At magpasalamat sa Panginoon sa mga naaccomplished nating mga paghihirap, kabigatan at iba pang nangyaring hindi maganda sa loob ng isang taon. Syempre ipinagpapasalamat rin natin yung mga happiness.

Also we celebrate our birthdays because it is the reminder of God’s unconditional and unfailing love for us. Kada birthday natin the Lord reminds us that we must be thankful and grateful dahil He has given us another year to serve and live for Him. Another year to be happy and live our lives according to God’s perfect plan fo us. Higit sa lahat ipinagdiriwang natin yung mga oppurtunities na ibinigay sa atin ng Panginoon na minsan lang mangyari sa buhay ng tao. Of course para sa Life na isang beses lang ipinagkaloob na ating Panginoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento