Biyernes, Pebrero 14, 2014

Ang istorya ko, istorya mo din!!

Introduction

Sa nararanasan nating mga problema minsan idinadaan natin ito sa inom na akala natin magiging lunas sa ating mga problema. Pero alam niyo bang may malaking maiidudulot na pagkasira ng ating buhay ang pag-inom ng alak? Oo sa pamamagitan ng alak magkakaroon ka ng lakas ng loob sa gusto mong gawin. Eh pano pag napagisipan mong kitilin ang buhay mo gugustuhin mo pa bang uminom ng alak na nakakapag palakas ng loob sa mga mahihinang tao na inaakala nilang walang tutulong sa kanila kundi sarili lang nila?


Ang istorya ko, istorya mo din!!
Janet Batubatan
Lahat naman tayo nararanasan ang kalupitan ng problema, hindi ka na tao kung wala kang problema. Oo masakit kapag hindi mo natanggap yung pangyayaring hindi mo inaasahan na mangyayari pala sayo. Ganyan ang buhay natin eh..!! minsan masaya, minsan hindi, minsan gusto mo ng magalit, minsan gusto mo nalang iiyak nakung saan walang taong makakakita sayo tanging sarili mo lang. Pero wag mong iisipin na pasan mo ang mundo na feeling mo nasa iyo na lahat ng problema syempre oo may pagkakapareho tayong lahat pero may pagkakataon na mas malalim pa yung nararanasan ng iba kesa sa atin.
Sa panahon ngayon halos sa mga nakikita ko sa ngayon lalo na sa mga kabataan lalong lalo na sa mga estudyante ang hilig uminom lalong lalo na yung feeling broken hearted sa mga karelasyon nila. Minsan maituturing lang na kasiyahan para sa kanila. Gustong makalimot na hindi naman malimot-limot. Ganyan istorya ng mga estudyante eh..!!
( Unang istorya niyan ) yayayain ka tapos yung itsyura niyan ang lungkot lungkot sasabihin niyan lalong lalo na sa mga lalaki ( Tol inom tayo kahit konti lang gusto ko makalimot kahit konti lang ) tapos pag nandun na! Ayun na!! Iinom, tapos konting iyak, tapos maya-maya feeling lasing na lasing yung feeling na hindi na makakatayo pero pag mag-isa na lang yan naku!! pagdating sa bahay niyan lalo na kapag nandyan yung magulang kala mo walang nangyari.
Kabataan nga naman!! Pero para sa iba ang pag-inom ay isa lamang libangan at makikita mo to sa mga tambay sa kanto pero alam niyo bang may pakinabang ang mga tambay ? Yung feeling na nawawala ka tapos di mo alam kung nasaan ka na pero tanong ka lang sa mga tambay tingnan mo makakarating ka sa paroroonan mo. Tama ako diba? Minsan ang inaakala mong wala ng kwenta eh magagamit mo pa sa magandang paraan..!! Yan ang mga tambay superhero ng mga nawawalang tao.
Marami sa atin ang ganun inom lang ng inom kala mo pagdinaan nila sa ganung paraan mawawala na. Anu yun magic? Amazing !! Alam mo nagpapakatanga ka lang kung gusto mo masunog yang baga mo uminom ka ng asido para diretso na. Pero joke lang yun. Life Goes On ipagpatuloy mo lang yang buhay mo. Maraming paraan na pwede mong mailabas ang lahat ng problema mo. Ayon sa aking narinig mula sa kwento ng aking kapatid habang nagbabasa siya sa Baywalk may babaeng tumayo sa gilid niya at bigla itong sumigaw na  “ hinding-hindi na ako magpapauto sayo hayop ka , kahit anong gawin mo hinding-hindi na ako babalik sayo” and then nung pagbaba niya sa bato bigla siya nagsalita ng “yes” then bumalik na siya sa sinasakyan niyang taksi at isa itong paraan ng paglabas ng hinanakit at ito ay ang pagsigaw sa ating kalikasan na kung saan ang ating kalikasan lang ang nakakarinig. At  para naman sa akin kapag akoy nagkakaproblema ang lagi kong ginagawa naglalaro ako ng paborito kong sport na “Badminton” dito sa larong to binubuhos ko lahat ng lakas ko pero minsan iniiwasan ko rin tong  gawin kasi hindi ko napapansin nakakasakit na pala ako sa hindi ko mapigilang galit. O kaya kapag hindi ako nakakapagbadminton idinadaan ko sa mga tugtog na kung saan ako lang ang makakarinig sa pamamagitan niyon gumagaan yung pakiramdam ko.
Para sa lahat hindi pa katapusan ng mundo para mag-alala ka ng sobra sobra. OA mo ha!! Tatandaan natin na meron tayong Diyos na sumusubaybay sa atin, tinitingnan lang niya kung gaano tayo katibay sa mga binibigay niyang pagsubok. wag tayong Bitter! May solusyon sa lahat. And Hellloo? Pwede mo kayang mailabas yang problema mo siguro naman may mga kaibigan tayo anu po? Ilabas mo lang kung anu man yang sama ng loob mo gusto mo pati yung masamang amoy labas mo na.
Pero Bakit nga ba kapag ang isang tao ay problemado idinadaan sa inom hindi nalang magpray?
Ayon sa aking nahagilap na impormasyon ito ay nakikita o kung baga gusto lamang nilang maranasan yung mga nakikita nila sa ibang tao. Palibhasa gaya-gaya putomaya!! Sa iba naman gustong makalimutan yung  mga masalimuot na pangyayari sa buhay nila. Di naman nawawala!! Korni daw kase kung maituturing ang pagdarasal kaya ayaw nila, ganyan naman lagi eh..!! Pero para sa akin ito lang ang tamang paraan para mapatawad tayo sa lahat ng ating kasalanan o ito lang ang tamang paraan para maihatid natin ang ating dasal sa ating panginoon at kung paano niya ito masosolusyonan. Ganyan katindi si Lord kahit gaano pa siya kalayo sa atin binibigyan niya parin tayo ng solusyon kung ano ang dapat nating gawin.  Kaya tayo wag tayong mang-iwan, na kaya na natin ang mag-isa ng walang kasama, wag tayong magbulag-bulagan na wala tayong kasa-kasama sa paglalakbay natin. Pano pag napahamak ka sino magliligtas sayo? Sino magiging night and shining armor mo kapag may nangyaring masama sayo? Basta ako I always have a God na laging magliligtas sa akin sa tuwing ako’y napapahamak na ako rin ang may gawa.

Ito ang istorya na pwede mo ring maging istorya. Na balang araw maraming mangyayaring pagbabago sa buhay mo na hindi mo aakalain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento