I LAB SEX…
(marumi ba at masama ito?)
Kate Lungub
Bilang
isang kabataang tulad ko, lumalaki at
nagiging mausisa at pasan ko ang malaki at mabigat na tandang pananong sa aking
isipan.kaakibat ko lagi ang salitang “bakit?”sa aking isipan at nagtanong sa
kawalan. Hanggang ngayon iilan pa lamang ang may kasagutan. Kung baga sa sandaang
pursyento sampo palang ang nabigyan ng kasagutan at naging malinaw sa aking
isipan. Sa patuloy kong pagsisiyasat ang ilan dito’y aking natuklasan.Ano nga
ba ang naglalaro sa inyong isipan kung nababanggit ang salitang “SEX”?
Masama
ba ito o sadyang mkarumi an gating kaisipan.? Sa labing isa kong pamamalagi sa
paaralan hindi matapos- tapos na talakayan ang “ Reproduction”. Nakasaad sa aralin
na ito na nakakapagparami ang tao sa pamamagitan ng unyong sekswal at hindi
angkop na maging kapareha ng tao ang alin man sa mgga hoyop. Kahit na nakalahad
duon na parehong nasa “Kingdom Animalia” ni minsan hindi pwedeng magtalik ang
aso at pusa, tao at baka, balibaliktarin mo man ang pang-yayari hindi sila
maaaring makabuo . Kaya nga nilikha ng Diyos si Eba para makapareho ni Adan.
Dahil kinakailangan ng parehong uri para
sa unyong sekswal.
Sa mga Victorian ayon sa kanilang katuruan ang
pakikipagtalik sa kanila ay marumi at makasalanan. Ito nama’y batay sa kanilang
paniniwalang ang kabanalan ay possible lamang kung ang hilig ng katawan ay
Hindi pagbibigyan. May kakilala ba kayong mala Victorian ang pananaw sa buhay?.
At kahit sa ngayo’y laganap parin an gang tinatawag na “Asetisismo” o ang
pagpapakasakit at pagtangging bigyang- kasiyahan ang sarili. Marami rin ang
naniniwalang sa celibacy at ayon sa ganitong paniniwala ang tanging paraan ng
pagsisilbi sa Diyos ay nasa hindi pag-aasawa. Ngunit malinaw naman na itinuturo
sa Bibliya na ang katawan ay hindi masama at perpektong dinesenyo ito ng
maylikha. Na bawat parte nito ay may kanya-kanyang gawain at gamit. Kaya kahit kelan hindi nagging masama,
Sapagkat maging ang ating manunubos na si Hesu- Christo ay nagkatawang tao din.
Itinuturo di maging sa Bibliya na normal para sa Obispo ang pag- aasawa. At
kahit nga si Apostol Pablo ay may asawa.
Kung gayo’y susundin ba natin ang
pilosopiya ng Play boy? Ang pilosopiya ng playboy ay kabaliktaran lamang ng pag-iisip
ng Victorian. Ayon sa playboy “para ano pa
tayong may mga hilig sa katawan kung hindi rin lamang mapagbibigyan’’.
Natural lang dawn a pag- bigyan ang hilig. Ang katapatan ng pag- ibig ay walang
halaga at pwedeng magtalik ang sinumang may gusto. Ang tawag ditto ay “free
love” daw o malayang pag- ibig, pero sa
katunayan , ang ibig sabihin nila ay free sex o libreng pagtatalik. Sabi pa
kung gusto mong lumigaya sa pamamagitan ng pakikipagtalik, pwes, magpakaligaya
ka! Pero malinaw na ito’y isang ilusyon
lamang at isang paniniwalang walang batayan.
Ang plano ng Diyos sa atin ay ang masiyahan sa sex pero sa paraang
sumusunod sa kanyang patakaran. Ang pakikipagtalik ay gagawin lamang ng
mag-asawang may pagmamahal sa isa’t- isa.
Kung ang Victorian ay nagtataguyod ng sexless love, ang Playboy naman ay para sa loveless sex. Datapwat
itinuturo naman sa Bibliya na ang pag- ibig at pagtatalik ay hindi
pinaghihiwalay. Kung ang Victorian ay nagkamali
sa pagiging “banal” pero malungkot naman, natuklasan naman ng mga
Playboy na walang tunay na kaligayahan sa pagbibigay- layaw sa katawan. Ayon sa
banal na kasulatan, ang tunay na kaligayahan ay nasa kabanalan, at ang
kabanalan ay nasa pagtupad sa mag pag- uutos ng Diyos.
Walang masama kung ipahayag mo
man ang iyong pag-nanasang sekswal subalit sa iyong asawa lamang. At kung hindi
ka pa handing mag- asawa, maghintay ka. Kung tatanggi ka ngayon at mananatiling
malinis, higit mong ikagagalak ang katugunan ng Diyos para sa iyo. Hindi totoo
iyong sinasabi ng iba na ang paghihintay ay masama sa kalusugan. Ang tunay na katangian ng isang tao ay
nakikita kapag siya ay tumatanggi kung
kailangan. Kahit si Freud ay umamin na “ ang sibilisasyon ay bunga ng
pagsasakripisyo at pagtanggi sa layaw na udyok ng laman—kabilang na ang
simbuyong sekswal sa pinakaimportante. Ang lakas ng layuning sekswal ay
nababaling sa ibang mga layunin higit na mapapakinabangan ng lipunan.”
Noong nakaraang taon naging
matagumpay ang pelikula na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsy at Cristine
Reyes na pinamagatang “No other woman”. Sa palagay ninyo bakit kaya bakit kaya
nagging matagumpay ito? Ang aking kuro-kuro tungkol dito ay dahil sa
kapanahunan natin ngayon mabibilang nalang ang penikulang hindi nakakarumi ng
konsensiya. Dahil sobra na ang pelikulang kinasasangkapan ang sex para pilahan
ng takilya. Kaya kalimitan maraming Cristiyano ang hindi na lamang nanonood ng
sine. Ang mahalaga’y ang mapanatiling malinis ang konsensiya ng bawa’t
Cristiyano.
Subalit katuwiran ng iba educational naman daw
ang mga ito sapagkat may napupulot silang kaalaman. Para sa akin ay hindi,
dahil ang kahulugan ng edukasyon ay paghubog sa mga tao sa pamamagitan ng
pagtuturo sa kanila ng “mapapakinabangang kaalaman”. Unang una, karamihan sa
mga impormasyong nakukuha natin sa sine tungkol sa sex ay hindi iyon kailangan
ng kabataan. Pangalawa marami sa sinabing facts daw ay maituturo naman sa isang
paraang hindi katukso-tukso. At ang pangatlo halos lagi na lang ipinapakita ang
kawalan na kaugnayan ng pag-ibig at katapatan sa sex sa mga pelikula.Ang sex
education ay dapat simulan sa tahanan kung saan maituturing ang sex ay kaloob
ng Diyos at ang tunay na kasiyahan mula rito ay malulubos kung susundin lamang
ang mga tagubilin ng Diyos. Ito ay kailangan ding ituro sa simbahan. Ang mga
ministrog Cristiyano ay dapat matutong magbigay ng mga payo sa mga kabataan
tungkol sa mga bagay na ito.
Sinasabi ng nakakatanda sa atin
na ang kabataan daw ngayon ay masyado ng aggresibo.Sa edad na sampu ay may
girlfriend\boyfriend na sila. Na dapat napakalayo pa para sa kanila ito. Maaaring
pwede na kung totohanan mo nang iniisip ang pag-aasawa. Epekto nito sa paglipas
ng panahon pabata ng pabata ang nabubuntis dahil din sa maaga silang pumasok sa
sitwasyon na hindi napag-isipang mabuti o di kayay padalos- dalos na
pagdedesisyon at kalimitan nagrerebelde kung pinapayuhan ng magulang. Kung
mapapansin natin na ang mga maagang naexpose sa panonood ng pelikula tungkol sa
pag-ibig, na kadalasang naipapalabas duon ang mga bagay na may kaugnayan sa
pakikipagtalik tulad nalamang ng halikan. Nagiging bukas ang isipan ng mga
kabataan at nagiging pala-isipan na masaya exciting ito para sa kanila at
kinakailangan din nila itong maexperience ang ganitong mga pangyayari lalo na
at hindi naman nalalayo sa kanlang edad ang gumaganap sa nasabing penikulan.. Mga kabataan kasi mahilig
maki- uso at mangyopya na hindi pinag-iisipan at nakakalimutang kumunsulta sa
kanilang mga magulang.
Palibhasa ang kabataan ngayon ay
uhaw sa mga bago at hindi pa
nasusubukan. Kaya nga dapat magging maingat ang mga magulang, na hindi dapat
kasama ang supling sa panonood nila ng mga pelikulang, lalo nat itoy hindi angkop
para sa mga bata. Kaya nga kung mapapansin natin ngayon bago mag simula ang
isang pelikula o teleserye pinapaalalahanan ng MTRCB ang mga magulang na sa panonood ay may patnubay at gabay ng mga
ito ay kailangan (PG). At kapag itoy may kaugnayan sa pakikipagtalik (SPG) o
striktong patnubay at gabay ng magulang. Hindi dapat pinapayagan ang batang
manood lalo na kung puno ng kalaswaan ang papanoorin.
Ang maririnig mo ngayon s mga
kabataang makikitid ang utak na kailangan daw muna ng karanasan sa sex bago ang
pag- aasawa. Palusot lang ba ito, na ang totoo ay hindi nila nagawang pigilan
ang udyok ng laman. Hindi nila alam na mas triple ang exciting ang mararamdaman
na mararanasan kung pagkatapos lang ng kasal dapat makipagtalik at hindi lang
yun magiging kalugod-lugod ito sa paningin ng iba lalong-lalo na ang Panginoong
Diyos. At wala silang batayan mula sa siyensya ang nagsasabing higit na mabutig
katalik iyong marami ng karanasan sa sex bago pa man mag- asawa. Mas malamang
na ang mga taong na ang nagkaroon ng pagmamalabis sa sex sa kanilang nakaraan ay inuusig ng
kanilang konsensiya kaya lalong magiging mahirap ang wastong pakikipag-ugnayang
sekswal sa kanilang asawa. Pag- aralan muna natin ang theorya bago dumating ang
araw ng kasal, at gamitin natin ang ating natutunan pagkatapos tayong makasal
sa isang kaparehong pinili ng Dios para sa iyo. Kaya nga hwag kang mag- hanap
hintayin mong ang ang Dios ang mag dikta kung kaylan ka dapat dumating sa
puntong iyon. Ang kailangan mo lang mag-hinatay.
Ang sa akin lang naman ang hindi
tamang paggamit at kalabisan sa pakikipagtalik, ay maaaring magdulot na
ikakasama ng iyong kalusugan. Tulad lang yan ng gamot na kung masobrahan ay
nagdudulot ng pagka overdose na masama sa katawan ng tao at nagdudulot ng
kamatayan. Kung nakikipagtalik ka sa kung sino- sino , ang pinakamasaklap na
maaari mong kahihinatnan ay kamatayan. Sa paraang ng pagkakaroon mo ng mga
sakit. Ang akin lang naman ay dapat na
gamitin natin sa tamang paraan ang pakikipagsex. Masasabi mo pa bang nageenjoy
ka kung kirot at hapdi na ang iyong tinatamasa. Kaya hinay hinay lang po tayo
hah,… At usong uso ngayon ang cybersex oh! wag kanang magmaang maangan
siguradong binging bingi ka sa kakarinig niyan alam ko, yun lang ay kung
nanoonood ka ng balita o nagbabasa ka ng pahayagan. Sa dami na ng nahuli pwede
ba wag mo ng dagdagan.At nga pala kung nanonood ka nga ng balita parami na ng
parami ang mga rape victims at hindi lang yon pabata ng pabata ang nagagahasa,. Ganyan ba ang tamang paggamit sa Sex. Kung
ang mga bagay na nabibili pagkain man yan o gamot makikita mo lagi may
instruction how to eat, cook and how to use it properly. Ganun din naman ang
sex. May mga bagay bagay na dapat mong isaalang alang bago ka gagawa ng
hakbang. Kaya nagiging marumi at masama ang sex dahil sa kaparaanan ng tao. Kung ang tao ay hindi
abusado, kung ang tao ay nagiisip at higit sa lahat, kung ang tao ay marunung
gumamit sa kaloob ng Diyos tiyak kong wala ng issue pang lalabas kaugnay sa
sex. At lahat tayo’y magsasabing I LAB SEX….(jan ka nabuo eh)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento