Linggo, Pebrero 23, 2014

Ang dalagang ina

ANG DALAGANG INA
Marie Angelie Romero

            Tingin ng ibang tao ako ay isang tarantado, suwail, walang kwentang anak, walang utang  na  loob, at masamang impluwensya. Sabi ng iba sinira ko ang tiwala ng magulang  ko, sinira ko kinabukasan ko. Halika makinig sa aking kwento.

            Maraming may gusto sa akin dahil ako ay maganda at mabait. Lahat ng katangian ng kaibigan nasa akin na. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko. Isang beses lang ako umibig, umibig nang tapat, nabulagan at niloko.
            Hindi ko plinano ang nangyari dahil iba siya sa lahat ng nakilala kong lalaki. Nakikinig  siya sa akin tuwing ako’y umiiyak dahil samga  problema ko sa magulang, lagi niya akong  pinapatawa at pinasasaya tuwing magkasama kami. Iba siya dahil nagumpisa kami bilang magkaaway.  Lagi kaming nag-aasaran tuwing kami’y nagkakasalubong. Inis  ako sa kanya dahil  mayabang  siya  pero aminado ako marami ang nagkakagusto sa kanya.
            Mapagbigay siya sa akin. Laging may chocolates, flowers at kung anu-ano pa. Nabaliw  ako sa kanya dahil siguro sa sinasabing “THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU  LOVE.” May mali man sa pagiging close naming ay wala akong  nagawa kahit alam kong  may nagmamahal na sakanya at may anak na sila.Sabi niya hindi niya ito mahal at pilit na lumipat sa kanila noong malamang kami  na.

            Pumasok ako sa buhay nya hiwalay na sila. Lahat ng pagsisinungaling ginawa namin para lang magkita kami. College ako noon, siya naman ay nagtatrabaho na. Umabot ng taon ang relasyon  namin kahit tutol ang lahat ng tao sa amin. Nabuntis  niya  ako  sa  unang  pagkakataon  na  nagsama kami nang magdamag. Nirespeto niya ako sa tagal ng panahon at sa  pagkakataong  ito  ayaw na naming maghiwalay sa isa’t-isa.

            Nagkamali ako noong ilang buwan na ang dinadala ko. Akala ko ipaglalaban niya ako  pero na duwag siya dahil may anak sila ng babaeng pinaghihiwalay kami. Sa nangyaring  ito,  hindi ko alam  kung  ano  ang  gagawin  ko dahiltakot siya sa magulang  ko. Nagtago  siya  dahil sa mga maling balitang sinasabi sa kanya. Wala akong nagawa kundi sundin ang magulang ko. Lumaki ang tiyan ko pero hindi ko kinahiya ang kalagayan. Masakit man sa damdamin at sa kalooban ko halos gustokongmagpakamatay dahil sa sinapit ko. Sinunod ko ang  mga magulang ko na kahit minsan hindi ako pinabayaan.  Pilit kong pinasasaya  ang  sarili  ko  kahit  alam kong malaking kahihiyan ang aking pinasukan.Sa araw ng panganganak ko, nakita ko siya sa ospital…

            Hindi kami nagkausap dahil sukdulan  ang  galit ng magulang ko sakanya. Magulo  isip ko, pero masaya  ako malusog ang aking anak  at  para sa akin sapat  na  siya. Sa  tulong  ng aking magulang napalaki ko ang aking anak  ng maayos. Minsan narinig ko siyang sinasabihan  ng  isang  bata  “PUTOK  SA  BUHO,  BASTARDA”.  Nagalit ako sa bata at pinagsabihan. May ama siya at Hindi siya PUTOK SA BUHO.

            Ang  sakit  marinig yon, inosente  at  walang  kamuwang  muwang  pa. Ilang  taon  ang  kinilala  ng  anak  kong  “FATHER  FIGURE”  ay  ang  aking  ama.
            Sa mga tulad kong nagmahal ng maaga, isipin  muna ang magulang, ang kinabukasan  niyo  bago  sirain  ang  buhay.
Pag-aaral ang unahin para walang pagsisisi sa bandang huli. Wag maging rebeldeng anak dahil  sa huli sila rin ang tatakbuhan mo.
  Sa mga nagmalasakit para sa akin…
Salamat sa lahat, pasensya na at di ako nakinig sa mga payo niyo  lalo  na  sa  magulang  ko.  Salamat at minahal niyo parin ako at hindi  pinabayaan, maraming maraming  salamat.

            Para sa mga batang nagmamahal ng wala pa sa tamang edad, laging making sa inyong magulang at wag magiging pasaway at magrebelde. Wag sayangin ang pagkakataon, mag aral ng mabnuti habang may panahon dahil minsan lang tayo mabigtyan ng ganitong pagkakataon.

            Maging mabait at wag sumagot sa magulang kapag napapagalitan. Tandaan na ang pagalit ng mga magulang ay para sa inyong ikabubuti.

            At para sa mga nanghuhusga sa aking pagkataon, nais kong malaman ninyo na walang perpektong tao, lahat ng tao ay nagkakamali dahil tao lang tayo. Nais kong malaman ninyo na kung nagkamali man ang isang taong tulad ko, hindi tama na lalo pa ninyo akong itulak sa putikan. Nagkamali man ako, wala namn akong pinerwisyo at binigyan ng kahihiyan kundi ang mga magulang ko lamang, ang mga magulang ko na nakaramay ko sa pagpapalaki sa aking mga anak at hindi nagsawang dumamay sa akin pagkatapos ng lahat lahat ng mga nangyari. Kung wala kayong magandang masasabi ay kung maaari ay wag nalamang kayong magbigay ng mga masasamang komento. Sa ganoong paraan ay mas makakatulong pa kayo sa isang tulad ko.

            Sa ngayon, hindi man buo ang aking pamilya, masaya ko parin pinalalaki ang aking anak sa tulong ng aking mga magulang.

            Nung una ay hindi pa naiintindihan ng aking anak ang mga bagay bagay na nangyari sa amin, ikinahihiya nya ang kanyang pagkatao ngunit noong sya ay nakatungtong na sa ikatlong baitang ng kanyang pagaaral ay kanya na itong naintindihan. Unti unti niyang natanggap ang kanyang pagkatao.

            Paminsan minsan ay nagtatanong sya tungkol sa kanyang ama at sinasagot ko naman ng maayos ang kanyang mga tanong ng walang halong paninira at galit. Sabay naming natutunang  tanggapin na wala na ang kanyang ama.

            Mahirap magpalaki ng anak ng mag isa lamang kaya habang sya ay lumalaki, tinanim ko sa kanyang isip at puso na kinakailangan niyang magsumikap hindi para sa akin kundi para sa kanyang magiging kinabukasan, para sa kanyang magiging pamilya. Itunuro ko sa kanya na hindi na nya dapat gayahin yung kung ano man yung nangyari sa akin. Ikinatutuwa ko ang malaking pagsangayon sa akin ng aking anak.

            Nag aral sya ng mabuti at sa tuwing magtatapos ang klase ay lagi siyang nakakakuha ng mataas na marka.

            Nung nakatapos ang aking anak ng high school, akin syang ipinasok sa isang unibersidad na kangyang napiling pagaralan. Bachelor of Science in Electrical Engineering ang kanyang kinuhang kurso. Nakapagtapos sya with flying colors at akin naming ikinatuwa ng lubusan iyon.

            Masayang masaya ako para sa aking anak. Ipinagmamalaki ko siya. Sya ang buhay ko. Sa kanya umiikot ang mundo ko kaya naman worth it talaga ang mga naging pagsisikap at paghihirap ko para lang makapagtapos sya.

            Ngayon, akin na siyang pakakawalan sa mundo na puno ng paghihirap, kampante na ako na siya’y magiging maayos dahil yakap yakap niya ang mga bagay na aking naituro sa kanya buhat ng kanyang pagkabata hanggang sa siya’y lumaki.


Ingat aking anak, mahal na mahal kita. Nawa’y maging maayos ang iyong buhay. Lagi mong tatandaan na kahit anung mangyari ay nandirito lamang ako sa iyong tabi. Hindi kita pababayaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento