Isa Ka Rin Ba Sa Kanila?
Emerlito De Guzman
Negro! Chaka! Bobo!
Pandak! Bakla! Tomboy! Baboy! Kapre! ; san ka nag-aaral ? Ano trabaho mo? May
Business ba kayo? Eh kompanya? May wifi ba sa bahay niyo? Saang kilalang bansa
ka na nakapunta? Anong brand ng cellphone mo ? ….
Ilan
lang yan sa mga nakakainsultong mga salita at tanong na ayaw marinig ng ibang
tao. Masakit at nakakapanghina ng loob daw kasi !.. Ikaw? Nakaranas ka na ba ng
panghuhusga? O baka naman ikaw ang nanghuhusga ? natanong ka na rin ba ng mga
nakakainsultong mga tanong? Anong pakiramdam? masakit ba ? sino-sino ba sila ?
Madami ba sila ? Isa ka rin ba sa kanila? hayaan mo ! hindi ka nag iisa, dahil
andito ak, ISA RIN AKONG SUSPEK at BIKTIMA.
Marahil
nagtataka ka ka kung anong pinagsasabi ko. Huwag kang mag-alala ,hindi ako
baliw na manunulat. Isa lang akong manunulat na nabaliw sa mga panlalait na
aking naranasan. Alam ko sa simula pa lang ay nakuha mo na ang mensaheng gusto
kong ipahatid. Siguro nga isa ka rin sa amin, nasaktan, umiyak , o di kaya
nama’y nainis sa sarili dahil sa kahihiyan. TAMA! hindi talaga ako nag-iisa!
Madami TAYO! Alam ko nakaranas ka na nang ganito at siguradong mararanasan mo
pa ito kaya halika, samahan mo ako sa paglalakbay sa mundo ng puno ng
“DISKRIMINASYON”.
Sa
lahat ng bagay may diskriminasyon, sa babae at lalaki, sa matanda at bata, sa
sexy at mataba, sa mahirap at mayaman,
sa pangit at maganda, sa matalino at bobo, o sa maputi at maitim. LAHAT
NGA DI BA ??
Marahil,
hindi mo alam kung ano ang aking tunay na estado ng aking buhay. Sa totoo lang
, ayokong makipagplastik sa iyo, gusto kong magpakatotoo sa lahat ng tao. Ang
sakit kayang mabansagang “BAKLA, SHOKLA, BEKI, PUGITA, LAMPA, SKELETON, KABAYO,
NEGRO, GANDA ! ay ? pasensya na ! nadala lang .. yung huli totoo yun .. Peksman
!! sabi nga nila, “Sanayan lang yan”. Halos
araw-araw ko kayang nararanasan ang panlalait at panghuhusga ng mga tao,
kadalasan nga manggagaling pa sa mga malalapit sa akin, sa pamilya, kaibigan,
at pinakamasakit ay sa dati kong jowa! OO ! nagkaroon ako ng jowa ! Huwag kang
tumawa, nakakasakit ka ka hah ! J oh ano ? itutuloy ko pa ba ? J OO sa jowa ko, hindi ko alam kung
jowa ba talaga ang tingin nya sa akin o tutor lang nya. Ikaw ba naman kasi
gumawa ng mga nakakanosebleed na assignments at projects niya. Hindi ko na lang
sya papangalanan ngunit mahal ko talaga si “FREDERICK” nung mga araw na yun!
Pasensya ulet,nadala lang.. Minsan binabalewala nya lang ako kapag kasama
naming dalawa ang mga tropa niya, at isang araw nalaman ko na lang sa kaibigan
niya na nanliligaw din sa akin na ginagamit lang ako ni Frederick at pag
nakatalikod ako ay kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi niya sa mga
kaibigan niya tungkol sa akin. Kaya yun,
hindi rin nagtagal ay nakipaghiwalay ako sa kaniya . Huwag mo ng isipin yung kaibigan
nyang naliligaw sa akin, hindi rin kasi sila nagkakalayo ng ugali ni Frederick.
Oo, nagpakatanga ako ! hindi lang isang beses kundi maraming beses! Pero, huwag
kang mag-alala natuto na ako ! Bakla man ako, alam ko naman sa sarili kong matino
at may maipagmamalaki ako.
Teka,
teka, teka ! medyo napapalayo na ata tayo ,
pasensya na , masakit kasing maging “iba” sa “iba” ! pero ngayon alam mo
na !
Tulad
nga ng sabi ko, sa lahat ng bagay sa mundo ay may diskriminasyon, isa na diyan
ang pangpisikal na anyo ng isang tao. Simula’t
sapul ang unang titignan ng ibang tao sayo ay ang pisikal mong anyo. Kapag
ang babae kaharap ay gwapong lalaki ang tawag ng mga babae sa mga lalaki
“SOULMATE”,pero kapag panget na lalaki ang kaharap ng mga babae ang tawag ng mga
babae sa mga lalaki “STALKER” at kung
minsan nama’y mapaghihinalaang “SNATCHER”. Kung mapapansin nyo sa paghahanap ng
trabaho, mas pinipili ang mga maganda at gwapo o kaya nama’y mga sexy at bata
pa. Ano naman kaya ang mangyayari sa mga hindi napili? Iiyak ? Maghihiganti ? Magpapakamatay? .. nakakaloka
! hindi ko yan kakayanin. Hay masyado talagang malupit ang mundo at sana hindi
ka isa sa kanila.
Kung
sa relihiyon naman ang pag-uusapan, may mas maganda akong halimbawa diyan.
Bakit kapag ang isang muslim ay nakagawa ng masama ang tag ng headline sa mga
dyaryo, radyo, at sa telebisyon ay “MUSLIM NAKAPATAY”, “MUSLIM NAGNAKAW”, nahuli
sa ganito, ganyan.. etc.. etc .. pero bakit kapag ang ibang relihiyon ang
gumawa hindi nila masabing; INC nakapatay, Protestante nanghalay, Kristiyano nandukot. Napakaunfair di ba? Nasasabi ng ibang tao ang salitang muslim
dahil hindi nila alam ang ibig sabihin nito. Kung alam nila na ang ibig sabihin
ng salitang Muslim ay naniniwala kay Allaj o “Believer” sa ingles ay hindi nila
gagamitin ang salitang muslim. Sabi nga nila alamin muna ang katotohanan bago
manghusga , at huwag kang manghuhusga kung hindi mo pa alam ang katotohanan.
Kaya sa pangalawang pagkakataon , tatanungin ulit kita, Isa ka rin ba sa kanila
?
Marahil
sa mga sandaling ito ay nauunawaan mo na ang ibig sabihin ng salitang diskriminasyon. Bakit ba ganito ang
buhay ? mas pinipili ang nakalalamang… kahit pa alam nilang nakakasakit na .
WALANG PANGGALANG at PAGMAMALASAKIT sa kanyang kapwa! MAPANGHUSGA! MAKASARILI !
sarili lang nila ang kanilang iniisip basta’t sumaya sila Ok na! ni hindi nila
inisip na may nasaktan na sila sa kanilang kasikiman, at sana hindi ka isa sa
kanila. SANA !!
Paniguradong
naranasan mo na ang mahusgahan. Eh ang manghusga? Naranasan mo na rin ba ?. Oo,
walang taong perpekto, minsan ay nakakasabi tayo ng mga masasakit na salita
tungkol sa ating kapwa. Simula nung araw na natuto akong maging malakas laban
sa mga panlalait na aking naranasan ay biglang bumaliktad ang aking mundo. Kung
dati ako ang hinuhusgahan , ngayon ako na ang nanghuhusga. Pinilit kung pigilan
ang panghuhusga sa aking kapwa, ngunit patuloy paring lumalabas ang mga
salitang hindi kaaya-aya pakinggan patungkol sa aking kapwa. Ilang beses ko ng
tinanong ang aking sarili, “Masama ba ako?,
Tama ba itong ginagawa ko?, Nakakasakit na ba ako sa kapwa ko ? o baka
naman ayaw ko na talagang maulit ang mga panlalait na aking naranasan. Hindi ko
alam kung paano ko babaguhin ang lahat ,hindi ko rin alam kung paano mabuhay ng walang nasasaktan o naaagribyado.
Pinilit kong mabuhay ng payapa at walang nasasaktan, lagi akong humihingi ng
tawad sa Panginoon sa mga sala na aking ginawa,dahil alam kong hindi nya ako
pababayaan.
Pero
bakit ba hindi natin mapigilan ang diskriminasyon? Bakit nga ba ? Sa aking
sariling karanasan, ako’y naging mapanghusga dahil sa mga maimpluwensyang mga
tao sa aking paligid at ang media. Masaya ako sa mga taong malalapit sa akin
kahit na hindi ko alam kung makakabuti o makakasama ba sila sa akin. Isa na rin
ang media na syang nag udyok sa akin na mabuhay sa mundo ng diskriminasyon. Ano
nga ba ang dapat nating gawin upang mapigilan ang diskriminasyon? Alam kong
naghahanap ka rin ng kasagutan sa katanungang ito, at ang tunay na makakaalam
ng kasagutang ito, ay IKAW ! Ikaw ang pumili kung sino ka, Ikaw ang nagdesisyon
kung saan ka nararapat, at tanging ikaw lamang ang babago kung anong klaseng
pamumuhay ang gusto mo. Sa mundo ng diskriminasyon, kailangan mong magiging matatag,
huwag kang maging duwag dahil Ikaw lamang ang makakatulong sa sarili mo ,
matuto kang tumayo sa sarili mong paa at huwag mong kakalimutan na kaakibat mo
ang Diyos sa bawat hamon ng iyong buhay.
Lahat
ng tao ay ipinanganak na Malaya at may pare-parehong dangal at karapatan. Tayo
ay binigyan ng budhi at kakayahang mag-isip at dapat makitungo sa isa’t isa. Hindi
man natin mapigilan ang diskriminasyon, pero madaming paraan para mabawasan
ito, at ito ay magsisimula sa IYO.
Isa
ka rin ba sa kanila?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento