Mary Ann Canlas
Kalayaan, kaligayahan at kalungkutan, iisa nga lang
ba talaga sila? Halika’t iyong pakinggan ang natuklasan kong kasagutan sa aking
katanungan.
Sabi nila, kapag daw ang aso ay itinali ng sobrang
higpit, magpupumilit at ipipilit talaga nitong tumakas o kumawala sa kanyang
pagkakatali. At kapag sobrang luwag naman ay maaari rin itong makawala.
Nag aaral ako nong ako’y labing pitong taong gulang
pa lamang. Nasa uang taon ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo. May mga
masusungit at mahihigpit, mabait at maunawain ngunit disiplinadong mga guro.
Gayun paman, masarap paring mag aral at matuto dahil gusto o namna ang kursong
kinuha ko. Pumayag ag magulang ko na mag aral ako sa isang magadang unibersidad
na kalakip noon ay ang dagdag nyang pagkayod sa pagtatrabaho para sa aking pang
matrikula.
Final exam, highest ako sa test.. “friend pa blow-out
ka naman!” nagkayayaan kaming mga magkakaklase, ako pa nga ang taya. Inuman
lang daw sa bahay ng kaklase kng lalaki. “Panu yan, hindi ako marunong uminom
ng alak? Ni hindi pa nga ako nakakatikim nun, ayaw kasi ni nanay.”
“Sige guys uuwi nako, baka galit at nagaalala na sa
akin ang nanay ko. Basta kahit anung mangyari walang magsasalita ha? Promise
nyo sa akin yun ha?”
Umaga na noon nung ako ay mag umpisang imuwi buhat sa
bahay ng aking kaklaseng lalaki. Sa aking paglalakad ay nakakramdam ako ng
sakit ng ulo at ng aking katawan.
“San ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi? Baki
hindi ka nagsabi sa akin? Hind mo ba alam na nagaalala na ako sa iyo? Akala ko
kung na pano ka na!”
“Nay galing lang ako sa bahay ng kaklase ko. May
ginawa lang kami.”
“Anung ginawa nyo doon? Bakit hindi ka man lang nag
sabi sa akin?”
“Nay kailangan ba lahat ng gagawin ko ay sasabihin ko
pa sa inyo? Wala na ba akong karapatang gawin kung ano ang gusto ko? Wala na ba
akong karapatang maging malaya? Nay wag mo naman akong sakalin!”
“Anak nanay mo ako! Nag aalala lang ako sa iyo!”
Tinalikuran ko na ang nanay ko.
Alam kong galit siya pero alam nya bang mas galit at
masama ang loob ko sa kanya? Ni hindi man lang niya ako hinayaang gawin ang mga
bagay bagay na gusto ko.
“friend grabe naman pala talaga yang mama mo no?
Super O. A. ! kung gusto mo dito ka ana muna sa men?”
Ako maglalayas? Hindi ba hirap ang mararanasan o
kapag ginawa ko iyon?
Unang linggo ng aking paglalayas, sobrang saya! Inom
dito, gala doon at gmik sa kung saan saan. Super sarap palang maging malaya.
Yung tipong walang tanog ng tanong sa mga bagay bagay na aking ginagawa. Yung
tipong waang nagdidikta sa akin.
Ika lawag linggo. Teka medyo paubos na pala ang pera
ko ha? Medyo malaki laki rin kasi ang nagagastos ko kapag nag iinuman kami.
Minsan nga ay sagot ko talaga lahat. Tuwang tuwa sa akin ang mga kabarkada ko
kapag nanlilibre ako. Masaya rin namn ako.
Ika isang buwan na, enrollment na para sa mga susunod
na semestre, wala na akong pera, pano yan? Uuwi na ba ako kay nay o
magtatrabaho na lang ako?
Fast food crew, saes lady, serbidora at janitress,
grabe hindi man lang ako natanggap? 17 pa lang daw ako, underage, undergraduate
and without experience. Shit panu ako kakain? kung mag aaply na lang kaya ako
bilang katulong sa bahay ng kaklase ko? Pwede?
Natanggap naman ako bilang isang kasambahay ng
kaklase ko ngunt kasabay noon ay ang hindi na pagtanggap sa akn ng mga
kabarkada ko.nanlaming na sila sa aki. Marahil siguro ay dahil hindi ko na
masabayan o masakyan ang mga trips nila o di kaya’y dahil sa wala na akong
pera.
Mahirap pala pero sige kaya ko pa naman. Ayoko ng
umuwi sa amin, masaya pa ako sa kalayaang meron ako.
Makalipas ang ilang buwan, “Ano? Buntis ka?” sigaw ng
kaklase kong lalaki sa akin. Pinalayas niya ako kalakip ang limang libong piso niyang allowance.ayaw niya
daw kasing magalit ang kanyang ama at baka daw isumpa siya noon pagnagkataon,
ako kaya? Galit na galit na kaya sa akin ang aking mama? Isinumpa na kaya niya
ako? Nararapat na nga siguro na wag na akong umuwi sa amin tutal naman ay may
pera na ako. Palalagun ko ang limang libong piso ko.
Sakto! May Casino! Halika swerte! Yakapin mo ako!
5ooo- 10ooo- 20ooo- 25ooo- 20ooo- 6ooo- 0. 25ooo ko!
Asan ka na? Ano ng nangyari sa iyo?
Paano na ako kakain? Paano na kami kakain? Paano na
ang anak ko? Paano kami mabubuhay?
Hapon na noon nung ako ay makapagpahinga. Naupo ako
sa isang duyan sa isang parke. Napansin ko ang isang batang talon ng talon. Sa
pagtalon niya ay nahulog ang kanyang tiapay na hawak.
Gutom na ako. Anung gagawin ko? Dadamputin ko na ba o
hindi yung pagkain na nahulog nung bata o hindi?
Hindi pala nakamamatay ang maduming pagkain?
Ilang buwan na ang nakaipas buhat nong ako ay
maglayas sa bahay ng aking ina. Kamusta na nga ba ako? Anu na kaya ang lagay
ko?
Heto ako ngayon, nagiisa, naglalakbay sa kalye ng
avenida, kumakain ng basura at nangmamalimos sa mga taong magkakasama. Punit
punit ang suot at puno ng grasa at dumi ang aking katawan. Mukha na akong hindi
katanggap tanggap. Mukha na akong mapag iwanan ng mundo.
Sobrang bilis ng mundo para sa akin. Dinadan daan
lang ako ng mga tao. Ngunit isang araw, sa isang poste sa may avenida,
natagpuan ako ng isang taong nagparamdam sa akin ng pagbagal at paghinto ng
aking mundo. Isang taong labis akong mahal. Sya ang nagaruga at nagpalaki sa
akin. Lahat na halos ng mga tao’y tinanggihan ako’t hindi pinansin ngunit iba
siya sa lahat.
Habang ako’y naka tulala sa may poste, may isang
babaeng lumapit sa akin.
“Anak? Anak ikaw ba iyan? Ako ito ang iyong nanay!
Halika’t umuwi na tayo.”
Umuwi? Ina? Anak? Iyan ang mga binitawan niyang mga
salita.
Niyakap niya ako habang humahagulgol siya sa
kakaiyak. Noon ko lang muling naramdaman ang kanyang mahigpit at mainit na
yakap. Muli niya akong tinanggap.
Pakiramdam ko’y isa akog tupang naligaw ngunit muling
natagpuan at nakabalik sa aking pastulan.
Ako’y nagkamali. Hindi pala sila iisa. Ang Kalayaan,
Kasiyahan at Kalungkutan.
Sa mga tulad kong teenager, nawa’y magsilbi itong
aral sa inyo. Mahal na mahal tayo ng ating mga magulang. Sana’y atin din silang
mahalin, sundin at galangin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento