Bakit
nga ba mahirap para sa iba na mahalin ang isang batang may kapansanan o special
child?
(Bata bata isa kang himala)
Jolina Camitan
Bakit
kaya marami sa ating mga pilipino ang hasler sa paggawa ng bata.? Na kapag
gumawa kala mo the flash sa bilis. Na parang mga tuta sa dami, yung tipong muka
na silang baiting ng hagdan dahil sa pagkakasunod sunod ng laki. Sa bawat pag
dami ng anak hindi maaalis sa isip mo na tila may karera ba sa pilipinas ng
padamihan ng anak na sa bawat pagtatapos ng taon isang munting sanggol din ang
sisilang sa pagsalubong ng bagong taon. Yan tayo eh lahat gagawin ma push lang
yung gustong gawin kahit na alam nilang may isang bata na naghihintay na
mabigyan ng pansin dahil alam niya na kahit minsan hindi niya makakamit ang
pagmamahal , kalinga, at tiyaga ng pagaalaga sa ibang mga magulang na ayaw ng
anak na special, dahil siya ay isang special. Espesyal na kahit kailan hindi
itinuring ng iba na biyaya at himala kung hindi isang kabayaran sa pagkakasala
at sumpa.
Kaya itong munting essay ko ang
tutuklas ng misteryong bakit nga ba mahirap para sa iba na mahalin ang isang
batang may kapansanan o special child.? Dahil ito ang bumabalot sa sa pagkatao
ng mga batang nangungulila sa aruga, at pagaalaga ng mga taong hindi marunong
magmahal ng katulad nila. Dahil para sa kanila ang batang espesyal ay sumpa at
kahit kailan hindi nagging biyaya.
Kun sino pa ang mas nangangailangan
sila pa ang iniiwan.
Sa
paglipas ng taon at henerasyon maraming sakit ang nagkakalat at natutuklasan sa
ating mundo, sakit na kayang kumitil ng buhay. At dahil sa mga sakit na
nagkakalat sa mundo kahit munting sanggol ay maaaring magkaroon nito. Sa dami
ng sakit sa mundo, isang sakit uri ng sakit ang nangangailangan ng matinding
atensyon na manggagaling sa mga magulang ng bata. Isang sakit na hindi na
malulutas at yun ay ang pagiging isang special child na kung saan mas mahabang
pasensya ang dapat mong taglayin. Maaaring sa ibang tao ang pagkakaroon ng anak
na ganito ay mistulang isang himala na ipanadala ni bathala upang mahalin at
arugai. Maaaring ang iba’y buong pagmamahal, pagaaruga at pagtitiyaga ang
kayang ibagay para sa isang batang biyaya. Ngunit bakit ganun kung gaano kataas
ang tingin ng ibang mga magulang sa kanilang anak na espesyal siya naming
kanainis at kina puot ng iba para sa kanilang anak. Hindi maalis sa isip ko ang
palaisipan kung bakit maraming tao ang ayaw ng batang may kakaibang kilos, gawi
at pananalita o sa medaling salita espesyal.? Sa inyong palagay bakit nga ba?
Hindi ba parang ang samang tingnan at pakinggan na pati sarili mong anak ay
pilit mong itinatakwil dahil lang sa sakit na hindi naman niya ginusto. Ano nga
bang dahilan sa likod ng lahat ng ito.
Mahirap
man tanggapin ngunit kailangang gawin dahil isang biyaya ang ipinagkaloob ni
bathala na dapat alagaan at arugain. Maraming dahilan kung bakit ayaw nilang
tanggapin o kung bakit hindi nila kayang mahalin ang kanilang anak. At marami
rin naming dahilan na hindi katanggap tanggap.
Ibat
ibang dahilan na pinagsama sama. Isa sa mga dahilan ng lahat ng ito ay dahil sa
bata pa daw silang nagasawa kaya’t hindi pa nila alam kung paano harapin ang
lahat ng problemang dumarating sa kanilang buhay. Kaya’t hindi pa nila alam
kung paano bubuhayin ang bata dahil sa kanyang kalagayan. Dahil hindi nila
kayang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng bata at para rin sa kanila isa
lamang iyon sa mga bangungot at karma sa kanilang pagkakamali na dumating sa
kanilang buhay.
Pangalawang
dahilan ay wala daw silang sapat na back ground tungkol sa sakit na katulad
nito kaya’t baka hindi nila mabigyan ng sapat na alaga tiyaga at pansin ang
katulad nila dahil ang mga tulad nila ay mahirap ayunan ang mga mood na
kanilang nararamdaman.
Marahil
rin din sa likod ng pagbubuntis ng ina ay may isang maitim o malagim na
karanasan na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan.At ang bata ang bunga ng
lagim na iyon. Kaya wala siyang dahilan para mahalin ito.
Ang
iba naman ay namulat sa mga maling pananaw ng ibang tao kaya’t mas ginugusto na
lamang nila na patayin o ipalaglag ang bata.At dahil sa gamut ito’y nagkaroon
ng sakit at dahil sa sakit na iyon nagging mistulang display na kahit saan mo
ilagay maaari dahil pilipat lipatin mo mo man wala paring papansin.At saka
mahirap sa lahat ay yung isang salita na kahit kanino ay bumabalot ang salitang
TAKOT
na kahit minsan ay hindi mawala sa ating tabi.Natatakot sila na baka paglipas ng taon ay walang
tumanggap sa kanilang anak .Na baka
maging libangan lamang ng tuksuhan.Dahil sa mga bagay na pilit na dapat
ibigay ay maraming natatakot magmahal ng
isang special child.Maraming ayaw lumapit at ayaw makisalamuha sa kanila dahil
lang naman sa mga maling paniniwala na ating kinagisnan sa ating kapaligiran.
Hindi
man maalis sa tao kung bakit hindi sila magawang mahalin hindi man sila arugain
dahil yun sa mga bagay at dahilan na kanilang ibinabahagi.At dahil din sa mga
dahilang iyon may mga bata na hanggang ngayon ay nagungulila at naghahanap ng
aruga,kalinga,pagmamahal at tiyaga na kanila dapat nakakamtan sa mga taong
dapat kanilang karamay at kasama sa
paglutas at pagharap sa sakit na kanilang dinaramdam.Dahil sa oras na
kanilang pagbabaliwala isang bata ang lumuluha na halos sumigaw at magmakaawa
para lang sa pagmamahal at pangangailangan ng katulad nila.
Sa
buhay ng tao walang pinipili ang mga
sakit na maaaring sanhi ng matinding troma
na bumabalot sa pagkatao mo o ito ay nagmula pa sa iyong mga magulang ng ikaw ay nasa kanyang sinapupunan pa lamang.
Mahirap man isipin at tanggapin ngunit dapat paring gawin dahil sa mata ng mga
tao at sa mata ng Diyos dugo’t laman mo parin ang nagbigay buhay sa batang
espesyal na ipinagkaloob ng panginoon. Kaagapay mo ang Diyos sa pagharap sa mga
pagsubok na kakaharapin mo. Kaagapay din siya sa pagtupad ng misyon na dapat
mong gampanan para sa ikabubuti ng bata. Espesyal man o hindi may
karapatan paring lumigaya at maramdaman
kung paano magmahal ang isang magulang na nagbigay ng buhay sa kanilang
pagkatao. Mawala man ang lahat ng alam nila pagmamahal ang tanging susi sa
pagkukulang na dapat noon pa naramdaman na nila.
Mahirap
man silang intindihin madali naman sila mahalin dahil maraming bagay ang
mayroon sila na kahit kailan hindi makikita sa iba. Yan ang buhay ng isang
special child. Hindi man matanggap ng iba dahil sa mga karanasan na minsan ng
dumating at nagbigay takot sa kanila, ay mayroon parin naming magulang na
handing yumakap at magmahal sa kanila.
Mahirap man o mayaman normal man o espesyal
karapatan ng isang na malaman ang bawat dahilan ng mga bagay sa kanilang
ginagalawan. They deserve an explanation and also they deserve an acceptable
reason.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento