Lunes, Pebrero 17, 2014

KASAL O SAKAL



KASAL O SAKAL
Raphaela R. Clores


            “Gago ang isang lalaki kung matagal na silang magkarelasyon ng girlfriend niya tapos hindi niya rin papakasalan,” linya sa isang Ingles na pelikula na napanood ko. Oo nga noh? May punto sya doon. Sa isang relasyon importantante nga naman ang pagpapakasal. Yung tipong sampung taon na kayong magboyfriend-girfriend tapos hindi man lang kayo maguusap tungkol sa kasal? Sa isang banda, ang pagpapakasal sa panahon ngayon ay PAGPAPASAKAL “daw.” Oh, nalito ka ba? Tama ang basa mo. PagpapaSAKAL. Tama ba na ang ideya sa panahon ngayon tungkol sa pagpapakasal ay isang klase ng pagpapatiwakal? O ang pagpapakasal ay isang sagradong bagay sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan at gusting magkaroon ng basbas ng simbahan bago magsama sa iisang bahay? Halika, pag usapan natin para mas maintindihan.
            Ano nga ba ang unang pumapasok sa ating isipan sa tuwing naririnig natin ang salitang kasal.? Gastos? Kainan? Get together ng pamilya? Excurcion?Well ,ayon sa Katesismo, ang Kasal ay isang pagtitipan ng lalaki at babae na magsasama bilang mag-asawa sa buo nilang buhay na may pag-ibig sa bawat isa. Ang dulot ng pag-iisang dibdib ay ang kabutihan ng mag-asawa at ang pagkakaroon nila ng anak kaya ditto hinahalintulad ni Kristo ang pag-iisang dibdib ng dalawa bilang sakramento ng pagigingisa Niya at ng Simbahan.
Kasama sa Sakramento ng simbahang katoliko ang Kasal. Dahil sumasagisag ito ng pagiging isa ni Kristo at ng simbahan. Ayon nga kay San Pablo: “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong mga asawa, katulad ng pagmamahal ni Kristo sa simbahan…Dakila nga ang hiwaga na iyon, ngunit sinasabi ko ito nang may kaugnayan kay Kristo” (Efeso 5:25, 32). Ito ay natatangi ng sakramento na sumasagisag din s buhay na walang hanggan. Ang Sakramento ng Kasal ay nagagawad ng biyaya upang mapanatili sa pag-ibig sa paraang inibig ni Kristo ang kanyang simbahan. Napakasagrado nga ng Kasal lalong-lalo na sa simbahang katoliko dahil tumutukoy ito sa pagitan ng mag-asawa at ni Kristo. Tunog banal na banal,diba? Ganun kasi ang kasal. Banal, sagrado at isang sagisag ng tunay na pagmamahal.
Sa kabila ng mga paliwanag at pangaral ng simbahan tungkol sa kahalagahan ng Kasal marami parin ang tilaba’y hindi nakakaunawa sa mga aral na ito. Ano nga ba ang trending? Bingo! LIVE-IN PARTNERS. Para bang bingi ang kabataan ngayon sa sigaw ni Lord na, “Magpakasal muna bago magsama! ”Sabi nga ng isang Obispo, nakababahala na daw ang pagdami ng mga Live-in Partners ditto sa ating bansa. Tila daw nakakalimutan na natin ang kahalagahan ng pagpapakasal sa pagitan ng babae at lalaki. Patunay daw ito na kakaunti na lamang ang n  naniniwala na sakramento ang pagpapakasal. Ganoon na lamang ang kanyang pagkadismaya ng siya’y magsalita at mangaral sa simbahan na aking napuntahan. Bakit nga ba kasi ayaw nilang magpakasal?
Ayon sa isang source sa internet, maraming dahilan ang couples kung bakit mas pinipili nila ang maglive-in na lang. Isa sa pinaka dahilan nila ay KALAYAAN. Dahil takot sila sa commitment, Malaya sila sa malaking responsibilidad na haharapin sa pagpapakasal. Walang pakikisamahang pamilya, walang taling pumipigil sa gusto nilang gawin sa buhay, at higit sa lahat madali nilang maiiwan ang isang relasyong na sa pananaw nila ay pagkakamali o walang patutunguhan. May punto diba? Malaya ka nga naman sa lahat. Kung nagsasawa kana ng gumising sa umaga na sya at sya nalang ang nakikita mo, kunin ang bag at umalis. Wala kang iisiping, “Kasal kami. Dapat magtiis ako.” Para kasi sa kabataan ngayon COMMITMENT= FAITH and FIDELITY. Wow, big words! Scary! Kung pipiliin kong naman na ikasal sa kanya kailangan hanggang sa mamatay ako syalang…SYA LANG ang dapat mahalin ko. Kung pipiliin kong ikasal sa kanya no left turn na dapat mangyari. Everything is on the right turn. At ayan, mga kaibigan, (drum roll…) ang SAKAL! Ay mali, KASAL pala.
Para nga naming kabute na sa dami ang Live-In Partners sa panahon ngayon. Kaya nag sagawa ako ng isang survey.
Respondent #1: Tawagin na lang natin sya sa pangalang Ms. X. Itong si Ms. X ay kahihiwalay pa lang sa Live-In partner nya. Ang jackpot dun may anak sila. Tinanong ko sya kung mahalaga ba sa kanya ang magpakasal. Sagot nya, hindi daw. Halata naman daw na walang mangyayari sa kanya kung ikakasal sya. Mas mabuti na daw na kung kalian nya gusto umalis sa isang relasyon, lalong-lalo na kung ang nakarelasyon nya ay katulad ng ama ng anak nya, makakaalis sya. No hassle, ika nya. Kung magpapakasal man sya, sa mayaman na may pakinabang pa. Naawa ako, hindi sa kanya, hindi sa naka Live-In nya, kundi sa nagging anak nila. Para syang palaman ng sandwich na naipit sa away ng mga magulang nya.
Respondent #2: Si Ms. Kathleen. Si Ms. Kathleen ang matatawag mong walking commitment. Pano ba naman, sampung taon na silang mag boyfriend-girlfriend ng boyfriend nya. Ikanga eh ang kulang nalang sa kanilang dalawa ay kasal. Kung baga sa Adobo, nalagay mo na lahat ng ingredients ang kulang nalang toyo para maging Adobo na talaga!. Ayon sa kanya ang Kasal ay isang sagradong bagay na lahat ng gusting magsama ay kailangan dumaan dito. Nang tanungin ko sya kung mahalaga ba para sa kanya ang pagpapakasal ang sago tniya ay, Oo dahil ever since naman daw ng naging mag girlfriend-boyfriend sila naka center na si God sa kanilang dalawa. Naniniwala sya na mas magiging mas malapit pa sila sa panginoon kapag nagpakasal sila at ito rin daw ang daan para tumibay ang kanilang pagasasama. Ang tibay ng kanilang relasyon noh!. Marahil dahil narin sa malakas na pananampalataya nila sa Panginoon. Humanga ako sa kanilang determinasyon at paniniwala na sagrado ang kasal at dapat na bigyan importansya.
            Para sa akin, Mahalaga parin ang pagpapakasal. Kung gaano kahalaga para sasimbahan ang sakramento ng Kasal ganoon ko rin ito pinahahalagahan. Marahil ay nakita ko rin sa aking mga magulang ang kahalagahan nito. Kung gusto nyong magsama sa iisang bahay at gumawa ng isang pamilya ang daan para doon ay ang pagpapakasal. Dahil ang pagpapakasal ay simbolo ng dalawang taong nagmamahalan. Tama diba! Hindi ka magpapakasal kung hindi mo mahal. Ang totoong Kasal ay walang sapilitan, walang pagdadalawang isip at higit sa lahat ginusto mo. Dapat nating malaman ang kahalagahan ng sakramento ng Kasal upang mas lalo tayong maliwanagan.
Bilang konklusyon. Hindi nagkaroon ng pagkukulang ang simbahan sa pagbibigay ng aral tungkol sa usaping kasal. Tayo ang nagkulang dahil nag bubulag-bulagan tayo sa katotohanan. Masyadong matigas ang mga ulo ng mga kabataan ngayon at pinipilit ang kanilang gusto. Kaya ang resulta maagang pagbubuntis, maagang paghihiwalay at higit sa lahat maagang pagkasira ng buhay. Kung hahangarin mo na rin naman na bumuo ng pamilya ilagay mo na sa lugar, yung tipong sya na talaga at hindi ka magdadalawang isip pa. Ang Kasal ay para sa mga taong nagmamahalan na handing iaalay ang buo nilang buhay ng walang pag-aalinlangan. Samantala, SAKAL naman kung ituring ng iba ang pagpapakasal. Ito yung mga taong takot sa responsibilidad  kaya nakaka SAKAL para sa kanila ang pagpapakasal. Iba-iba nga naman talaga ang tao di po ba? Pero sana baling araw malaman ng mga Live-in Partners ang kahalagahan ng pagpapakasal. Sabi nga sa(Corinthians 1:13) “to emphasized the importance of love and patience in building a marriage relationship”. Anyway, kaw bahala. All is fair in love and war naman eh. Haha !




1 komento:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin