Opo nga ba Father?
Mharlyn Torres Linchangco
Nanay,
tatay gusto ko tinapay. Ate, kuya gusto ko kape. Ang dating laro noong mga bata pa tayo. Kumpleto rekados
na kasi, may nanay na, tatay, ate, kuya pa .Happy family lang ang dating. Pero
paano nga ba bumuo ng isang masayang pamilya? Paano ito sisimulan ng dalawang
taong nagmamahalan? Ano nga ba ang mga sangkap para sumarap ang samahan?
Haynako! Ang dami kong tanong!. Tara explore na lang tayo. Vammonus! :P
One
day isang araw, paglabas ko ng bahay naming ay may naimagine ako. Feel ko nasa
farm ako ng mga bata. Sobrang putok kasi yung populasyon ng mga bata samin. Sa
paglalakad ko, Shingg! May lumipad ng kaldero akong nakita! Shit! Astig! May
pakpak na pala kaldero ngayon. Ay mali! May naghagis pala na babae sa asawa
niya. Ang rinig ko nambababae daw si mister! Hmm, ang lansa nun ah! Kawawa
naman si misis. Tingin ko ang lalim ng pinanghuhugutan ng babae. Tsk! Dapat ang
mag-ASAWA pinaguusapan ang problema, hindi yung brutalan. Ay teka! Hindi pala
sila mag asawa, mag-PARTNER lang sila sa buhay. Ang chika kasi live-in lang
sila hindi kasal. Ano nga ba pinagkaibahan nun? Tara throwback muna tayo. Nung
panahon ng mga tanders dapat bago mag sama ang dalawang nagmamahalan, kasal
muna bago sama. Dito nga sa Pilipinas parang batas yun eh! Dapat kasal talaga
muna. Big deal sa lahat ang marriage. Ano nga ba yun? KASAL, isang pagiisang
dibdib ng dalawang nagmamahalan. Pagtatali ng puso sa harap ng mga saksi(Hindi
literal na pagtatali ng puso ah!)sakramento at basbas ng ating panginoon. Sabi
nila ang kasal daw ay isang pundasyon ng dalawang nagmamahalan. .Hindi naman
pwedeng isang pitik lang eh pwede mo ng magawa ito. Mahabang proseso at
mahabang listahan din ng gastusin. Gown, Venue, Church, Reception, Theme color
pa. In short, gastos talaga. Isang dahilan din to ba’t yung iba ayaw ng
magpakasal. Ay may mura palang kasal at very affordable! =) yung kasalang
bayan, kaso madalang na lang talaga maganap yun. Sabi ng mga napagtanungan kong
mga kasal na sobrang saya daw at ang sarap sa feeling kapag kasal ka na. Eh bat
nauso ang divorce at annulment? By the way, yun nga pala yung proseso ng
paghihiwalay sa legal na pamamaraan. Sa sobrang curious ko nagtanong-tanong
ako. Halos lahat pare-pareho ng sagot. Dahil nga daw kailangan ito at
nakasanayan na. Mga sagutang ganun feel ko hindi pa din tayo malaya. Karamihan
din kaya nangyayari lang ang kasal sa dalawang partido eh kasi kabilugan na ng
buwan. Nung mga tipong nakalunok ng pakwan. Nakakaasar lang talaga isipin na
yung iba pinagpipilitan lang magpakasal dahil sa mga ganitong eksena. Ano to
matulak lang gogow na! tapos pag napagod ayawan na. Nung iba naman no choice
kasi pamilya niya na nagdedecide kung kanino siya ikakasal. Nung isang
napagtanungan ko keri lang naman daw na live-in na lang para less hassle,
Live-in yun yung pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan sa ilalim ng bubong
at ginagawa ang mga Gawain ng mga mag asawa, Sa madaling salita parang
naglalaro ng bahay-bahayan pero in serious mode. Ano nga ba pagkakaiba ng kasal
sa live-in? Eh parehas din namang nagmamahalan diba? Ayun nga sa live-in kasi
walang basbas ng diyos na nagbibigkis sa kanila. Sa iba ang dating ng live-in imoral.
Ang hard ano po? Maka-imoral wagas, eh umiibig lang din naman sila. May nabasa
akong kwento share ko na din sa inyo. Taon na rin daw ang pagsasama nila at sa
totoo lang ang tatag ng pagsasama nila. Samahang husband at wifey talaga ang
peg. Kung ano yung mga pangyayari at mga ginagawa ng mga mag-asawa ganun din
sila. Ang pagkakaiba lang talaga live-in partner lang sila kung tawagin. Lagi
silang masaya sa bawat minuto ng kanila buhay, samahang bestfriend, tropa,
nanay, tatay at kapatid na ang turingan nila. Nice talaga! Tapos parang kape
lang ang forte 3 in 1. Wala silang kaibigan masyado at tanging silang dalawa
lang palagi ang nagdadamayan. Mag-away man sila pero minimal lang at nasosolve
din aga. Pero ang ramdam ni girl kahit parang picture perfect na, may kulang pa
din. Yun! Hindi kasi napag-uusapan ang kasal. Alam niyang hindi siya niloloko o
anuman ng partner niya. Kaya naglakas loob na siyang magtanong kung bakit wala
pang kasalang napaguusapan. Yun pala ayaw talaga magpakasal ni boy. How sad! =(
Nakakalungkot mang isipin, may mga ganung tao talaga na ayaw magpatali. Pero
kahit ganoon nung sitwasyon nila, nangibabaw pa din ang pagmamahalan nila at
hindi yun naging hindrance para maghiwalay sila. Happy pa din! =) Sa totoo lang
hindi naman na bago yang live-in sa lipunan natin. Usong-uso nga yun eh! Paano
ginagawang hobby ang sex, pati kabataan, Nako! #1 sila diyan. Masarap talaga sa
umpisa yan. Mapapa hmm, ahh ka :p Pero pag andyan na yan wala na di alam
gagawin. Para sa kanila laro na lang talaga ang pag-aasawa. May isa pang
dahilan ang live-in. Yung mga nasa 3rd sex society. Dito sa Pilipinas
kasi bawal sila magpakasal. Imoralidad tingin ng mga tao. Kaya wala silang
choice kundi maglive-in na lang talaga. At ang pinaka-hard, nung mga taong
kasal na pero natagpuan ang tunay na pag-ibig sa iba. Kaya kapit na lang sila
sa kabet system. Sa totoo lang sobrang daming dahilan kung bakit naglilive-in
and dalawang magkasintahan at hindi ko na ito maeenumerate. Minsan may
magandang dahilan kung bakit sila
nagsasama, pero kadalasan delubyo lang ang resulta. Dito samin para talagang
may factory ng mga bata sa sobrang dami nila. Syempre inalam ko kung bakit.
Ayun bingo! Isang dahilan ang live-in o` pagsasama ng maaga. Mga taong
nagmamadali sa mga pangyayari sa buhay nila. Mga maagang nabuntis, mga single
moms (o inano lang). Masakit isipin na basta-basta na lang iniiwan ang mga
dakilang ina. Paano alam nilang hindi sila hahabulin nito kasi nga hindi kasal
pwede pa daw maghanap ng iba. Isa lang ito sa masamang epekto ng pakikipag-live-in. Nung iba
ang dahilan kaya daw nagsasama muna sila eh para daw makilala muna ang isat-isa
ng mabuti para daw sa huli walang pagsisi kapag nasa punto na bet na nilang
magpakasal. Pero teka?! Pwede mo namang alamin ang ugali kahit hindi magkasama
ah. Kung totoong pagmamahal ang handog mo, kaya mong iaccept lahat ng pangit sa
kanya. Nung mga tipong kapag umutot ka walang tunog pero sobrang baho (silent
killer :p), mabaho paa mo, may putok ka, pag-gabi kung makahilik wagas. Tapos
kapag tumae ka kailangan mong pasingawin yung banyo ng mga 2 oras para mawala yung
amoy. Kung lahat ng mga yan matatangke
mo, Ay puta! Tunay na pag-ibig na nga ituu!. Mga ganyan dapat ikasal na yan!
Tas bigyan na din ng jacket! Sa mundo, wala namang madali eh, ultimo nga sa
pagsaing may proseso. Parang kasal. Lahat may kaakibat na mga consiquences Ang
kasal hindi yan arcade na pag hinulugan mo ng token eh game na tas pag na dead
wala na. Dapat ito ay pag-iisipan ng 100 times bago ka mag-desisyon. Para sa
huli maenjoy mo. Kailangan girl scout and boy scout always ready.
Ang kasal at live-in ay sobrang layo
sa isat-isa. Parehas man sa konseptong nagmamahalan. Iba pa din kapag may
kasiguraduhan. Kapag kasal ka secured ka financially lalo na pag bigtime asawa
mo.` Tsaka may assurance ka na ikaw lang talaga. walang iba. Pero ang totoo? Di
mahalaga ang mga yan. Pinaka-mahalaga eh kung paano niyo ihahandle ang fidelity
at till death do us part. Kung paano kayo tutupad sa sinumpaan niyong pangako
sa harap ng diyos. Kung sa iba formality lang ito at papel lang, pero sa mata
ng iba at ng diyos ito ay sagrado. Isang sumpaang sagrado at panghahawakan
habang-buhay. Ang kasal hindi ibig sabihin nito ay SAKAL, kundi ito ay LAKAS
ng dalawang taong tunay na nagmamahalan upang makabuo ng isang masaya at
kumpletong PAMILYA. Kaya kung
dumating ka man sa harap ng altar, dapat hindi “Opo nga ba Father?” kundi dapat
ang masasambit mo ay walang pag aalinlangan na “Opo Father. MAMAHALIN KO SIYA KAHIT ANO PA SIYA” at sa huli sabay sabing “Yan lord, HE`S THE ONE” =)
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
TumugonBurahin