Bakit dapat iwasan ang Pornograpya?
Trisha Ishii
Trisha Ishii
Laganap ngayon
sa daigdig ang pornograpya. Makikita ito sa mga advertisement, kausuhan,
pelikula, musika, at mga magasin, pati na sa telebisyon, mga video game,
cellphone o iba pang gadyet, Website, at mga photo-sharing service sa internet.
Ang pornograpya ay karaniwan nang tinatanggap sa modernong lipunan. Ngayon
higit kailanman, mas maraming lugar ang gumugugol ng higit na panahon sa pornograpya.
Ang terminong “pornograpya” ay
tumutukoy sa malalaswang material na dinisenyo upang pukawin ang damdamin ng
mga nakakakita, nagbabasa, o nakikinig nito. Kasama rito ang mga larawan pati
na ang anumang materyal na mababasa o mapapakinggan. Ang pornograpya ay lubhang
nakakasugapa na gaya ng crack cocaine, ayon
sa ilang mananaliksik at terapist. Ang obsesyon sa pornograpya ay gaya
ng pagkahayok sa sekso ng masamang espiritu noong panahon ni Noe. –Genesis 6:2.
Dahil laganap na ang pornograpya,
baka maitanong mo, ‘talaga nga kayang masama ito?’ Ang sagot oo! Pinabababa ng pornograpya ang
pagkatao ng gumagawa nito at ng tumitingin dito. At ang mga tumitingin dito ay
kadalasan nanag nahuhulog sa imoralidad.
Noong nasa kabataan pa ang mga
magulang mo, kung gusto ng mga tao na makakita ng pornograpikong larawan,
kailangan pa nilang hanapin ito. Ngayon, waring pornograpya na ang lumalapit sa
iyo. Ganito ang sabi ng 19-anyos na
dalagita: “Kung minsan, kapag nag-i-internet ako para mag-browse o mamili o para lang alamin kung magkano ang pera ko sa
bangko—bigla na lang may lilitaw na pornograpya!” Pangkaraniwan na lamang ito.
Sa isang pag-aaral, 90 porsiyento ng mga kabataang nasa edad 8 hanggang 16 ang
nagsabing hindi sinasadyang nakakakita sila ng pornograpya sa
internet—karaniwan nang habang gumagawa ng kanilang takdang-aralin.
Puwede kang maadik sa pornograpya,
at masaklap ang epekto nito. Kunin nating halimbawa si Jeff. Ganito ang nasabi
niya kahit 14 na taon na siyang hindi tumitingin sa pornograpya: “Araw-araw ko
pa rin itong pinaglalabanan. Nakokontrol ko na ang sarili ko, pero parang gusto
ko pa ring tumingin. Ang nga larawan ay nasa isipan ko pa rin. Pero mali pala
ako. Kahit ano pang sabihin ng iba, walang anumang mabuti sa
pornograpya—talagang wala.”
Si Brian, na nahumaling sa
pornograpya sa Internet, ay nagsabi: “Walang makapigil sa akin. Para akong wala
sa sarili. Nanginginig ako at sumasakit ang ulo ko. Sinisikap kong huminto,
pero pagkalipas ng mga taon, sugapa
parin ako.”
Karaniwan nang itinatago ng mga nahuhumaling sa pornograpya ang kanilang
bisyo. Malihim sila at mapanlinlang. Hindi kataka-taka, marami sa kanila ang
nakadarama ng kahihiyan, pagkabalisa, depresyon, at galit. Pakiramdam nila’y
nag-iisa sila. Ang ilan pa nga sa kanila ay nag-iisip magpakamatay. “Puro
sarili ko lang ang iniisip ko at naging desperado ako.” ang sabi ni Serge, na
nagda-download ng pornograpya sa kaniyang cellphone halos araw-araw. “Parang
wala akong halaga, nakokonsensya ako, at pakiramdam ko, nag-iisa ako at walang
magawa. Hindi ako makahingi ng tulong dahil sa sobrang takot.”
Kahit ang pagsulyap lang sa
pornograpya ay maaaring magbunga ng masamang resulta. Si Dr. Judith Reisman,
isang kilalang mananaliksik tungkol sa pornograpya, ay nagsabi sa harap ng
isang komite ng Estados Unidos: “Ang mga pornograpikong larawan ay tumatatak at
bumabago sa utak. Pinagmumulan ito ng bigla, di-makontrol, pero nagtatagal na
alaala na mahirap o imposibleng
burahin.” Si Susan, 19 anyos na nahantad sa pornograpikong Website, ay nagsabi: “Nakaukit sa aking
isipan ang mga larawan. Bigla na lang
pumapasok ang mga ito sa isipan ko. Parang hindi ko na kailanman mabubura ang
mga iyon.”
Ang sinasabi ng mga Eksperto,
Nakakapinsala ang pornograpya sa relasyon ng mga mag-asawa at pamilya dahil, Pinapahina
nito ang tiwala, ugnayan, at pag-ibig ng mag-asawa sa isa’t-isa. Itinataguyod
nito ang kasakiman, kawalang-malasakit, kawalang-kasiyahan sa asawa. Pinupukaw
nito ang malalaswang seksuwal na pantasya at pagnanasa. Tinutukso nito ang mga
nanonood na ipilit sa kanilang asawa ang malalaswang seksuwal na gawain.
Itinataguyod nito ang pagtataksil. Ang pagtataksil ay maaaring sumira sa
pag-aasawa at humantong sa paghihiwalay at diborsiyo. Ang gayong pahihiwalay ay
nakakapinsala naman sa mga anak.
Maaari ding mas tuwirang mapinsala
ng pornograpya ang mga bata. Si Brian, na nabanggit kanina, ay nagsabi: “Noong
mga sampung taon ako, di-sinasadyang nakita ko ang pornograpikong mga magasin
ni tatay habang naglalaro ng taguan. Mula noon, palihim kong tinitingnan ang
mga ito nang hindi talaga naiintindihan kung bakit ko gustong gawin iyon. Diyan
nagsimula ang masamang bisyo ko na tumagal nang maraming taon.”
Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang
pornograpya ay naka-iimpluwensya sa mga kabataan. Maaari silang magkaroon ng
seksuwal na mga kaugnayan nang mas maaga, maging liberal at marahas pagdating
sa sekso, at magkaproblema sa emosyon at pag-iisip.
Ang totoo tungkol sa Pornograpiya, Bawat Segundo: Halos 30,000 tao ang
tumitingin sa pornograpikong mga Website. Bawat
Minuto: Ang mga gumagamit ng internet ay nagpapadala ng mahigit 1.7 Milyon na pornograpikong e-mail. Bawat Oras: Halos Dalawang video ng detalyadong paglalarawan sa pornograpya ang
inilabas sa Estados Unidos. Bawat Araw:
Sa Estados Unidos pa lang, may average na Dalawang
Milyon na pornograpikong pelikula ang nirerentahan. Bawat Buwan: Halos 9 sa bawat
10 kabataang lalaki at 3 sa bawat 10 kabataang babae sa Estados Unidos ang
nanonood ng pornograpya. Bawat Taon:
Kumikita ng tinatayang $100 Bilyon
(U.S) ang industriya ng pornograpya sa buong daigdig.
Baka may pagkakataong nakakakita ka
ng pornograpya nang di-sinasadya, pero ibang usapan na kung sinasadya mo talagang tumingin dito.
Paano kung nagiging bisyo mo na ito? Isang bagay ang sigurado—hindi madaling
makawala sa bisyong ito. Bilang ilustrasyon: Ipagpalagay nating nakatali ng
sinulid ang mga kamay mo. Malamang na kaunting batak lang, mapapatid mo agad
ang sinulid. Pero paano kung maraming ulit na inikot sa mga kamay mo ang
sinulid? Mas mahirap na ngayon itong maptid. Ganiyan din ang nangyayari sa mga
taong naging bisyo na ang pagtingin sa pornograpya. Miyentras mas madalas
silang tumingin dito, lalo silang nahihirapang makawala sa bisyong ito. Kung
ganiyan ang kalagayan mo ano ang dapat mong gawin?
Tandaan mong napakasama ng
pornograpya. Paraan ito ni Satanas para pasamain ang isang bagay na ginawang
marangal ng Dios.
Kung paano makakalaya sa Pornograpya.
1.Manalangin sa Diyos. 2.Humingi ng tulong sa iba. 3.Alamin at iwasan ang mga
posibleng pumukaw ng pagnanasa. 4.Patibayin ang kaugnayan sa Diyos. Mangako. “Ako ay gumawa ng taimtim na pangako
na hindi kailanman titingin nang may pagnanasa sa isang babae,’ ang sabi ng
tapat na lalaking si Job (Job 31:1) Narito ang ilang “taimtim na pangako” na
maaari mong gawin: 1.Hindi ako gagamit ng internet kapag mag-isa lang ako sa
kuwarto. 2.Isasara ko agad and anumang lilitaw na malaswang mensahe o larawan
kapag nag-internet ako. 3.Sasabihin ko sa isang may-gulang na kaibigan kapag
muli akong natuksong tumingin sa pornograpiya. Tip: Tiyakin mong naka-on ang browser ng computer mo para hindi
makapasok ang pornograpikong mga Website.
Iwasan ding buksan ang mga link sa mga e-mail na hindi alam kung kanino
galling.
Kadalasan nang malaking tulong para
maihinto mo ang iyong bisyo kung mayroon
kang mapagsasabihan ng niloloob mo.
Kung
nagging bisyo mo na ang pagtingin sa pornograpya, kaya mo pa ring
mapagtagumpayan ito. Ang totoo, sa bawat pagkakataong naiiwasan mo ito,
nagtatagumpay ka. Lagi mong tatandaan na mapapasaya mo ang puso ni Jesus kung
iiwasan mo ang nakapipinsalang pornograpya!.
Salamat Kapatid.. humihingi ako ng panalangin upang mapagtagumpayan ko din ang pagkahumaling rito..
TumugonBurahinSalamat Kapatid.. humihingi ako ng panalangin upang mapagtagumpayan ko din ang pagkahumaling rito..
TumugonBurahin