Miyerkules, Pebrero 12, 2014

Bawal, bawal, bawal kase “Patay”!



Bawal, bawal, bawal kase “Patay”!
Regina Mallo

Tayong mga Pilipino ay maraming pamahiin pagdating sa patay lalong lalo na ang mga matatanda, dahil na rin sa pagpapakita nila ng pag galang sa namatay kaya pinipilit nilang sundin ang mga paniniwalang “bawal” pag may “patay”. Bagamat marami satin ay hindi alam ang mga dahilan kung bakit may pamahiin o kung bakit kailangan sundin ang mga ito e ginagawa na lang din natin bilang pag sunod sa mga matatanda na mas nauna pa sa atin dito sa mundo. Nakaugalian na rin nating mga Pilipino ang pagsunod sa mga pamahiin kahit na wala namang pruweba kung tototoo ba talaga ang mga maaaring maging epekto nito sa atin kapag hindi natin sinunod ang mga ito. Maaaring may mga punto rin ang mga nagsasabing wala namang mawawala kung susunod nalang tayo sa mga pamahiin na ito.
Isa-isahin natin ang mga pamahiin na pinaniniwalaan ng karamihan at dahil istoryahe ang kwento ko sisimulan ko na.
Isa sa ipinag babawal ng mga naniniwala sa pamahiin na ito ay ang pagsusuot  ng pula pag may patay. Bakit nga ba bawal magsuot ng pula? Bobo nalang ang taong hindi alam ang pamahiin na ito. Ang ipagbawal ang pagsusuot ng pula pag may patay  na ata ang pinakapatok na pamahiin sa mga matatanda, kulang na nga lang ipag bawal din nila ang pagsuot ng pulang panty at bra dahil sa sobrang strikto nila sa pagsunod sa pamahiin na ito dadaanin ka nila sa napaka daming dahilan kesyo ikaw daw yung susunod na mamamatay o kaya may mamamatay daw na malapit sayo. Para sa iba pang kaalaman tungkol sa pamahiing ito nagtanong ako sa nanay ko at syempre buong puso niya naman binigay ang opinyon niya. Ayon sa kanya ang pula daw kase ang sumisimblo ng kasayahan o pag diriwang. Kaya pala pula ang patok na kulay pag ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus o tinatawag nating pasko, araw ng mga puso at minsan pa nga kaarawan natin mismo yung tipong pag naka pula ka may babati nalang sayo ng “Uy  ! Birthday mo? Pa burger ka nman !” hmp, karaniwang ginagamit yan ng mga taong patay gutom o buraot para hindi masyadong halata.
Ano nga ba ang sinisimbolo ng pula? May nag sasabing simbolo din daw ng katapangan ang pula kaya ito daw ang pinapasuot sa mga bata pagkalibing na ng patay upang hindi  sila malapitan ng kaluluwa nito. Ito rin ang pinapasuot sa mga bata na sinasalbahe ng  masamang espirito sa paniniwala na takot daw ang mga bad spirit sa pula. Oh diba mala scarry chuchu ang peg. Anyway, bago pa man tayo mapunta sa kung saan balik na tayo sa topic ko.
Bawal magsuot ng pula pero kung oobserbahan mo ang mga tao para na rin silang nag diriwang pag may patay. Bakit? Nandito kase ung libreng kape, akala mo nga may Coffee Party nang nagaganap e panu kase ung iba kung makapag kape wagas! Buti nalang hindi ako nag kakape. Samahan pa nating  ng libreng   biskwit at madami pang pambara at TAKE NOTE unli pa! Kumaen at uminum ka ng kape  hanggat gusto mo. Kasama din dito ung sugalan at inuman syempre andun din ang tawanan kaya para lang silang may Family reunion na sa gitna ng kasiyahan ay may natutulog.
Sumunod na ipinag babawal ay ang pagwawalis sa bahay o lugar kung saan naka burol ang patay. Ayon sa opinyon ng nakararami ipinag babawal ito dahil parang itinataboy mo na rin ang kaluluwa ng patay.
Pangatlo ay ang huwag iuwi ang mga pagkain na nanggaling sa lamay. No Take Out! Dapat lamang na ito ay ubusin doon sa lamayan. Napag isip isip ko na kung bakit yung ibang nakikilamay e halos parang ayaw ng umuwi sa bahay nila haha lalo na pag walang makaen J
Pang-apat na pinaniniwalaan, ay ang bawal maghatid ng mga bisita sa labas sapagkat sinasabi na parang gusto mo pang masundan ang patay nyo, yung tipong “thank you! please come again.  May nagsasabi din na kung sino man daw yung maghatid sya yung susunod na mamamatay.Wohhooo.. ewan ko nalang kung hindi ka pa sumunod sa pamahiin nayan kapag ikaw na ung pinag uusapan na mamamatay.
Panlima ay ang paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong kung ang namatay ay naghahanap ng katarungan. Ginagawa ito sapagkat pinaniniwalaan na makukunsensya daw ang pumatay sa kung sino mang taong pinatay nito. Sa sobrang dami nga naman ng pinaniniwalaan ng mga tao pati sisiw nadadamay. Bakit kaya hindi nalang ung manok ang ilagay naging sisiw din naman yun ah lumake nga lang.
Pang-anim sa ipinagbabawal ay ang pag diretso agad sa bahay pagkatapos makipag lamay sa kadahilanan na ikaw daw ay masusundan ng kaluluwa kaya dapat pupunta ka muna sa isang lugar para hindi masundan nito. Hmmm.. Pagpag lang ang peg. Sa pamahiin na to parang ayaw ko nalang makipaglamay hindi ko alam sinusundan na pala ko ng kaluluwa hehe well ang bait nga nila e akalain mo kahit patay na sila inihahatid parin tayo sa bahay natin kase may concern sila saten tapos kung makapagbawal  parang lugi pa tayo a. haha!
Teka time first! Medyo tumatayo na tong balahibo ko ha. Sa pangangalap ko ng impormasyon umeepekto na ang pananakot sa sarili ko. Pinagsisisihan ko tuloy kung bakit ngayong gabi ko pa to ginawa yung tipong ako nalang yung mulat sa bahay na to. Dahil dyan, lalakasan ko nalang ang pagpapatugtog ko ng music. Ok na! Dahil now playing ang Patience ng Six Part Invention sisimulan ko na ulit ang salaysay ko.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang mapatakan ng luha ang ataol sa paniniwalang hindi matatahimik ang patay. Magiging mabigat ang paglisan nya sa mundo o mahihirapan syang iwan ang mga mahal nya sa buhay. Hmm dyahe ! So pag nasa harap ka na ng ataol ng patay dapat tatag ng loob. Sa sobrang daming bawal pati ung luha nadadamay na haha kawawang luha.
 Dapat din daw sakto ang sukat ng kabaong para sa namatay dahil kung ito man ay sobra, may susunod daw na ka-miyembro ng pamliya. Same reason sa kung bakit bawal ang paghahatid ng bisita palabas ng pinto. Bawal din yung kulang ang sukat dahil kung ito ay kulang e tanga ka panu malalagay yung patay. Akalain mo pati yung kasabihan pa na “Ang labis at ang kulang ay nakasasama” nadamay pa! hindi actually dinamay ko lang yan e syempre “mayma” lang, may masabe lang.
Eto pa, bawal din to.  Kung ikaw ay bisita at may nakalimutan sa loob ng bahay (o sa pinagbuburulan), bawal na bumalik sa loob at sa halip ay ipakuha na lamang sa ibang tao na nasa loob. Wow! Astig diba bago sa kaalaaman ko itong pamahiin na ito. E panu pala kung pamilya ng magnanakaw yung nilamayan mo? Walanjo! Asa ka pang makabalik yung gamit mong naiwan. Pero kung abuloy mo yung nakalimutan mo, nakalimutan mong ibigay? Sigurado ko yun pwede pang bumalik haha syempre pera yun e.
Bawal din iwan ang patay ng walang bantay. Bakit? – baka magkaroon ng sunog, pano may mga kandila sa gilid nun diba :D Ang totoo hindi ko rin alam.
May mga usapan din na bawal makilamay pag preggy dahil manganganak ka daw ng wala pa sa panahon sa madaling salita magiging kulang sa buwan ang pag labas ng bata.
At ang huli ngunit hindi mag papahuli ay ang, huwag maligo sa bahay o sa lugar na pinagbuburulan. Bukod sa bawal maglinis, bawal din maligo kaya matik na pag may patay magpakababoy muna tayo kosa.
Sa sobrang daming pamahiin nga naman ng mga Pilipino minsan yung iba hindi na natin alam yung totoong dahilan, may iba na pare-parehas nalang ang dahilan, meron namang naniniwala tayo, sinusunod natin ngunit hindi naman natin alam ang totoong ibig sabihin ng sinusunod nating pamahiin.
Bukod sa mga Pilipino na naniniwala, meron din namang mga hindi naniniwala ayon nalang ito sa nakagisnan nila. Para sa iba kase mas inuunawa parin nila ang salita ng Diyos.  Wala silang pakialam sa mga pamahiin na yan. Bukod sa hindi yun nakaulat sa bibliya o bible e wala ring pruweba kung totoo nga ang mga pamahiin. Kaya naman yung mga Pilipino na hindi naniniwala umaarkila pa ng videoke kung minsan tatlo-tatlo pa nga e wagas na wagas talaga! Kaya kapag dika curious sa ingay nila aakalain mong may okasyon lang.

Ngayon naisa-isa ko na ang mga pinagbabawal kapag may patay, kayo nalang ang bahala kung maniniwala kayo, hindi ko naman kayo pinipilit na maniwala e syempre diskarte niyo na yan. Ang sa akin lang binigay ko  ang opinyon ko na may kasamang opinyon ng ibang tao. Basta ako matutulog na. Sigurado naman akong makakatulog ako ng maayos pagtapos ng mga impormasyong nakalap at binigay ko dahil nandito na ang nanay at tatay ko na galing sa trabaho kahit na sermon ang inabot ko sa kanila na kung bakit bukas lahat ng ilaw sa loob ng bahay namin e ok lang, hindi kase nila ako naiintindihan. Habang now playing parin ang Time Machine ng Six Part Invention, handa ko nang i-refresh ang utak ko. OO, Favorite ko ang SPI! (mamatay na nagtanung XD)….

8 komento:

  1. sabi nila bakit daw bawal iwanan ang patay at dapat may magbabantay baka daw kasi umalis ang patay at maglakad (pamahiiin) HAHAHHAHA

    TumugonBurahin
  2. Totoo ba na Hindi pwede pumunta sa patay kapag Wala pang 1 year ung namatay na kamag anak????

    TumugonBurahin
  3. Bawal din daw pumunta sa lamay ng my regla

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Totoo po ba na Bawal pumunta sa lamay pag me means/regla

      Burahin
  4. Lahat nmn bawal eh sundin na lang natin ang nakakatanda para ok ang lahat!

    TumugonBurahin
  5. Kya daw po bawal iwanan ang patay dahil bka palitan ang ktawan ng patay sa ktawan ng puno ng saging ng mga msamang isperitu.

    TumugonBurahin
  6. kya po bawal pumunta sa patay ang may regla dahil nagiging sobrang mabaho ang amoy ng regla na parang patay na daga.

    TumugonBurahin
  7. May ibingay na gamit sa patay b
    awal po ba tanggapin ang gamit ng namatay habang nakaburol pa.

    TumugonBurahin