Bawal, bawal, bawal kase “Patay”!
Regina Mallo
Tayong mga Pilipino ay
maraming pamahiin pagdating sa patay lalong lalo na ang mga matatanda, dahil na
rin sa pagpapakita nila ng pag galang sa namatay kaya pinipilit nilang sundin
ang mga paniniwalang “bawal” pag may “patay”. Bagamat marami satin ay hindi
alam ang mga dahilan kung bakit may pamahiin o kung bakit kailangan sundin ang
mga ito e ginagawa na lang din natin bilang pag sunod sa mga matatanda na mas
nauna pa sa atin dito sa mundo. Nakaugalian na rin nating mga Pilipino ang pagsunod
sa mga pamahiin kahit na wala namang pruweba kung tototoo ba talaga ang mga
maaaring maging epekto nito sa atin kapag hindi natin sinunod ang mga ito.
Maaaring may mga punto rin ang mga nagsasabing wala namang mawawala kung
susunod nalang tayo sa mga pamahiin na ito.
Isa-isahin natin ang
mga pamahiin na pinaniniwalaan ng karamihan at dahil istoryahe ang kwento ko
sisimulan ko na.
Isa
sa ipinag babawal ng mga naniniwala sa pamahiin na ito ay ang pagsusuot ng pula pag may patay. Bakit nga ba bawal
magsuot ng pula? Bobo nalang ang taong hindi alam ang pamahiin na ito. Ang ipagbawal
ang pagsusuot ng pula pag may patay na
ata ang pinakapatok na pamahiin sa mga matatanda, kulang na nga lang ipag bawal
din nila ang pagsuot ng pulang panty at bra dahil sa sobrang strikto nila sa
pagsunod sa pamahiin na ito dadaanin ka nila sa napaka daming dahilan kesyo
ikaw daw yung susunod na mamamatay o kaya may mamamatay daw na malapit sayo.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa pamahiing ito nagtanong ako sa nanay ko at
syempre buong puso niya naman binigay ang opinyon niya. Ayon sa kanya ang pula
daw kase ang sumisimblo ng kasayahan o pag diriwang. Kaya pala pula ang patok
na kulay pag ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus o tinatawag nating pasko,
araw ng mga puso at minsan pa nga kaarawan natin mismo yung tipong pag naka
pula ka may babati nalang sayo ng “Uy !
Birthday mo? Pa burger ka nman !” hmp, karaniwang ginagamit yan ng mga taong
patay gutom o buraot para hindi masyadong halata.
Ano
nga ba ang sinisimbolo ng pula? May nag sasabing simbolo din daw ng katapangan
ang pula kaya ito daw ang pinapasuot sa mga bata pagkalibing na ng patay upang
hindi sila malapitan ng kaluluwa nito.
Ito rin ang pinapasuot sa mga bata na sinasalbahe ng masamang espirito sa paniniwala na takot daw
ang mga bad spirit sa pula. Oh diba mala scarry chuchu ang peg. Anyway, bago pa
man tayo mapunta sa kung saan balik na tayo sa topic ko.
Bawal magsuot ng pula pero kung
oobserbahan mo ang mga tao para na rin silang nag diriwang pag may patay.
Bakit? Nandito kase ung libreng kape, akala mo nga may Coffee Party nang
nagaganap e panu kase ung iba kung makapag kape wagas! Buti nalang hindi ako
nag kakape. Samahan pa nating ng
libreng biskwit at madami pang pambara
at TAKE NOTE unli pa! Kumaen at uminum ka ng kape hanggat gusto mo. Kasama din dito ung sugalan
at inuman syempre andun din ang tawanan kaya para lang silang may Family
reunion na sa gitna ng kasiyahan ay may natutulog.
Sumunod
na ipinag babawal ay ang pagwawalis sa bahay o lugar kung saan naka burol ang
patay. Ayon sa opinyon ng nakararami ipinag babawal ito dahil parang itinataboy
mo na rin ang kaluluwa ng patay.
Pangatlo ay ang huwag iuwi ang mga pagkain na
nanggaling sa lamay. No Take Out! Dapat lamang na ito ay ubusin doon sa
lamayan. Napag isip isip ko na kung bakit yung ibang nakikilamay e halos parang
ayaw ng umuwi sa bahay nila haha lalo na pag walang makaen J
Pang-apat na pinaniniwalaan, ay ang bawal maghatid ng mga bisita sa
labas sapagkat sinasabi na parang gusto mo pang masundan ang patay nyo, yung
tipong “thank you! please come again. May nagsasabi din na kung sino man daw yung
maghatid sya yung susunod na mamamatay.Wohhooo.. ewan ko nalang kung hindi ka pa
sumunod sa pamahiin nayan kapag ikaw na ung pinag uusapan na mamamatay.
Panlima ay ang paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong kung ang
namatay ay naghahanap ng katarungan. Ginagawa ito sapagkat pinaniniwalaan na
makukunsensya daw ang pumatay sa kung sino mang taong pinatay nito. Sa sobrang
dami nga naman ng pinaniniwalaan ng mga tao pati sisiw nadadamay. Bakit kaya
hindi nalang ung manok ang ilagay naging sisiw din naman yun ah lumake nga lang.
Pang-anim sa ipinagbabawal ay ang pag diretso agad sa bahay pagkatapos makipag
lamay sa kadahilanan na ikaw daw ay masusundan ng kaluluwa kaya dapat pupunta
ka muna sa isang lugar para hindi masundan nito. Hmmm.. Pagpag lang ang peg. Sa
pamahiin na to parang ayaw ko nalang makipaglamay hindi ko alam sinusundan na pala
ko ng kaluluwa hehe well ang bait nga nila e akalain mo kahit patay na sila
inihahatid parin tayo sa bahay natin kase may concern sila saten tapos kung
makapagbawal parang lugi pa tayo a.
haha!
Teka time first! Medyo tumatayo na tong balahibo ko ha. Sa pangangalap
ko ng impormasyon umeepekto na ang pananakot sa sarili ko. Pinagsisisihan ko
tuloy kung bakit ngayong gabi ko pa to ginawa yung tipong ako nalang yung mulat
sa bahay na to. Dahil dyan, lalakasan ko nalang ang pagpapatugtog ko ng music.
Ok na! Dahil now playing ang Patience ng Six Part Invention sisimulan ko na
ulit ang salaysay ko.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang mapatakan ng luha ang ataol sa
paniniwalang hindi matatahimik ang patay. Magiging mabigat ang paglisan nya sa
mundo o mahihirapan syang iwan ang mga mahal nya sa buhay. Hmm dyahe ! So pag
nasa harap ka na ng ataol ng patay dapat tatag ng loob. Sa sobrang daming bawal
pati ung luha nadadamay na haha kawawang luha.
Dapat din daw sakto ang sukat ng kabaong para sa namatay dahil
kung ito man ay sobra, may susunod daw na ka-miyembro ng pamliya. Same reason sa
kung bakit bawal ang paghahatid ng bisita palabas ng pinto. Bawal din yung kulang
ang sukat dahil kung ito ay kulang e tanga ka panu malalagay yung patay. Akalain
mo pati yung kasabihan pa na “Ang labis at ang kulang ay nakasasama” nadamay
pa! hindi actually dinamay ko lang yan e syempre “mayma” lang, may masabe lang.
Eto pa, bawal din to. Kung
ikaw ay bisita at may nakalimutan sa loob ng bahay (o sa pinagbuburulan), bawal
na bumalik sa loob at sa halip ay ipakuha na lamang sa ibang tao na nasa loob.
Wow! Astig diba bago sa kaalaaman ko itong pamahiin na ito. E panu pala kung
pamilya ng magnanakaw yung nilamayan mo? Walanjo! Asa ka pang makabalik yung
gamit mong naiwan. Pero kung abuloy mo yung nakalimutan mo, nakalimutan mong
ibigay? Sigurado ko yun pwede pang bumalik haha syempre pera yun e.
Bawal din iwan ang patay ng walang bantay. Bakit? – baka magkaroon ng
sunog, pano may mga kandila sa gilid nun diba :D Ang totoo hindi ko rin alam.
May mga usapan din na bawal makilamay pag preggy dahil manganganak ka
daw ng wala pa sa panahon sa madaling salita magiging kulang sa buwan ang pag
labas ng bata.
At ang huli ngunit
hindi mag papahuli ay ang, huwag
maligo sa bahay o sa lugar na pinagbuburulan. Bukod sa bawal maglinis, bawal
din maligo kaya matik na pag may patay magpakababoy muna tayo kosa.
Sa sobrang daming pamahiin nga naman ng mga Pilipino minsan yung iba
hindi na natin alam yung totoong dahilan, may iba na pare-parehas nalang ang
dahilan, meron namang naniniwala tayo, sinusunod natin ngunit hindi naman natin
alam ang totoong ibig sabihin ng sinusunod nating pamahiin.
Bukod sa mga Pilipino na naniniwala, meron din namang mga hindi
naniniwala ayon nalang ito sa nakagisnan nila. Para sa iba kase mas inuunawa
parin nila ang salita ng Diyos. Wala
silang pakialam sa mga pamahiin na yan. Bukod sa hindi yun nakaulat sa bibliya
o bible e wala ring pruweba kung totoo nga ang mga pamahiin. Kaya naman yung
mga Pilipino na hindi naniniwala umaarkila pa ng videoke kung minsan
tatlo-tatlo pa nga e wagas na wagas talaga! Kaya kapag dika curious sa ingay
nila aakalain mong may okasyon lang.
Ngayon naisa-isa ko na ang mga pinagbabawal kapag may patay, kayo nalang
ang bahala kung maniniwala kayo, hindi ko naman kayo pinipilit na maniwala e
syempre diskarte niyo na yan. Ang sa akin lang binigay ko ang opinyon ko na may kasamang opinyon ng ibang
tao. Basta ako matutulog na. Sigurado naman akong makakatulog ako ng maayos
pagtapos ng mga impormasyong nakalap at binigay ko dahil nandito na ang nanay
at tatay ko na galing sa trabaho kahit na sermon ang inabot ko sa kanila na
kung bakit bukas lahat ng ilaw sa loob ng bahay namin e ok lang, hindi kase
nila ako naiintindihan. Habang now playing parin ang Time Machine ng Six Part
Invention, handa ko nang i-refresh ang utak ko. OO, Favorite ko ang SPI!
(mamatay na nagtanung XD)….
sabi nila bakit daw bawal iwanan ang patay at dapat may magbabantay baka daw kasi umalis ang patay at maglakad (pamahiiin) HAHAHHAHA
TumugonBurahinTotoo ba na Hindi pwede pumunta sa patay kapag Wala pang 1 year ung namatay na kamag anak????
TumugonBurahinBawal din daw pumunta sa lamay ng my regla
TumugonBurahinTotoo po ba na Bawal pumunta sa lamay pag me means/regla
BurahinLahat nmn bawal eh sundin na lang natin ang nakakatanda para ok ang lahat!
TumugonBurahinKya daw po bawal iwanan ang patay dahil bka palitan ang ktawan ng patay sa ktawan ng puno ng saging ng mga msamang isperitu.
TumugonBurahinkya po bawal pumunta sa patay ang may regla dahil nagiging sobrang mabaho ang amoy ng regla na parang patay na daga.
TumugonBurahinMay ibingay na gamit sa patay b
TumugonBurahinawal po ba tanggapin ang gamit ng namatay habang nakaburol pa.